09/01/2022
ANG IMAHEN NG NAZARENO, AT IBA PANG IMAHEN - HINDI IPINAGBABAWAL. SA ISANG BANDA, MAY MGA IMAHEN NAMAN NA IBINABAWAL: YUNG MGA IMAHENG SINASAMBA O IPINAPALIT O IPINAPANTAY SA TUNAY NA DIYOS............................................................................................................................................................................. 1. AND DIYOS MISMO ANG NAGPAPAGAWA NG MGA IMAHEN, HINDI UPANG SAMBAHIN ANG IMAHEN, KUNDI UPANG MAGING TAGAPAGPAALAALA SA TAO NA KILALANIN AT SAMBAHIN ANG SA IISANG TUNAY NA DIYOS ….
A. IMAHEN NA TUWIRANG IPINAGAWA NG DIYOS, DAHIL NAGPAPAALAALA AT UMAAKAY SA TAO UPANG MAALAALA AT SAMBAHIN ANG IISANG TUNAY NA DIYOS:
“Ex. 25:17-22
Gumawa ka ng Luklukan ng Awa na yari sa purong ginto. Ang haba nito'y 1.1 metro, at 0.7 metro naman ang luwang. 18 LALAGYAN MO NG DALAWANG KERUBING GINTO ANG DALAWANG DULO NITO, 19 TIG-ISA SA MAGKABILANG DULO. IHIHINANG ANG MGA KERUBIN UPANG ITO AT ANG LUKLUKAN NG AWA AY MAGING IISANG PIRASO. 20 Gawin mong magkaharap ang dalawang kerubin na parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na nilulukuban ang Luklukan ng Awa. 21 Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo. 22 Doon tayo magtatagpo sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.
B. IMAHEN NA NAGPAPAALAALA AT UMAAKAY SA TAO UPANG MAALAALA AT SAMBAHIN ANG IISANG DIYOS NA NAGPAPAGALING SA PAMAMAGITAN NG IMAHEN.
Bilang 21:7-9 “Nanalangin nga si Moises para sa Israel 8 at ganito ang sagot sa kanya ni Yahweh: “GUMAWA KA NG ISANG AHAS NA TANSO. ILAGAY MO IYON SA DULO NG ISANG MAHABANG KAHOY. Sinumang natuklaw ng ahas at tumingin doon ay hindi mamamatay.” 9 Ganoon nga ang ginawa ni Moises. Kaya lahat ng natuklaw ng ahas ay tumitingin sa ahas na tanso at hindi nga namamatay. (TUWING MAKIKITA NILA ANG TANSONG AHAS, NAALAALA NILA SI JAHWEH, ANG TUNAY NA DIYOS, NA SIYANG NAGPAPAGALING - GINAGAMIT LAMANG NI JAHWEH ANG IMAHEN NG AHAS.) 2.IPINAGBABAWAL NG DIYOS ANG REBULTO O LARAWAN NA SINASAMBA:
A.IMAHENG IPINAPALIT SA KANYA AT SINASAMBA BILANG DIYOS
B.IPINAPANTAY SA KANYA AT SINASAMBA DIN BILANG DIYOS DIN
Ex.20:6-4 “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 5 HUWAG MO SILANG YUYUKURAN NI SASAMBAHIN sapagkat akong si Yahweh na iyong diyos ay mapanibughuing diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. 6 Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.