07/09/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐ง ๐๐จ๐ช๐ฎ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐๐จ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข๐๐ฌ
๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ต๐ฎ๐ ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐ป๐
Todayโs Gospel became even more meaningful because of Fr. Cronโs homily at the Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga. What we might initially hear as a simple reminder from Jesus not to worry became a deeper reflection about our relationship with God, with creation, and with ourselves.
Fr. Cron began by reminding us that this week is special in the Christian faith because we celebrate the Season of Creation together with our Christian brothers and sisters. It is a reminder that we all share one common home.
And what is that home?
Ito ay ang ating mundo.
Hindi lamang tayong mga Kristiyano ang nakatira rito. Hindi lamang tayong mga Katoliko. Lahat tayo, lahat ng tao ay nakikibahagi sa iisang tahanan.
At damang-dama natin ito sa mga nangyayari sa ating paligid.
Nang dumating ang pandemya, buong mundo ang naapektuhan. Sa global warming at environmental emergencies, hindi lamang isang bansa ang nakararanas ng epekto. Kapag nasisira ang kalikasan, hindi lamang mga halaman at hayop ang naaapektuhan.
We truly share one common home.
At dahil dito, pinaaalalahanan tayo ng ating pananampalataya na pangalagaan ang mundong ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.
Pero higit pa rito, may isang bagay na nais ipaalala ni Father.
๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ญ๐๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ง๐ ๐ง๐ข๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐.
Hindi tayo hiwalay sa mga halaman.
Hindi tayo hiwalay sa karagatan.
Hindi tayo hiwalay sa kalupaan.
Hindi tayo hiwalay sa mga hayop at sa ating kapaligiran.
๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ญ๐๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐ง๐ข๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ.
Napakahalaga ng pagkilalang ito.
Dahil minsan, maaaring isipin natin na dahil napakalawak na ng kaalaman ng tao, dahil sa science, technology, at mga bagay na kaya nating likhain, parang kaya na nating kontrolin ang lahat.
Pero malinaw ang paalala ni Father
๐
๐๐ญ๐ก๐๐ซ ๐๐ซ๐จ๐ง ๐ฌ๐๐ข๐: โWe are not the Creator. We are part of Godโs creation. We are creatures of God.โ
Dahil kapag kinilala nating hindi tayo ang manlilikha, mas mauunawaan natin kung bakit kailangan nating maging mapagpakumbaba. Hindi natin hawak ang lahat. Hindi natin alam ang lahat. At hindi natin kayang sagutin ang lahat ng tanong tungkol sa buhay.
At hindi naman iyon kahinaan.
Sa halip, maaaring iyon mismo ang magbukas sa atin upang mas makilala ang Diyos.
Mula rito, dinala tayo ni Father sa isang mas malalim na pagninilay tungkol sa misteryo ng Diyos.
๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ค๐ก๐ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ฒ ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ซ๐ฒ๐จ, ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ซ๐๐๐ง ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ฅ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฎ๐ฎ๐ง๐๐ฐ๐๐๐ง.
Kung misteryo ang Diyos, paano natin siya tunay na makikilala?
Hindi sa pamamagitan ng pag-aakalang alam na natin ang lahat.
Kundi sa pamamagitan ng pagkilala na marami pa tayong hindi alam.
Dito naging makahulugan ang sinabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Corinto. Kung may nag-aakalang siya ay marunong ayon sa karunungan ng sanlibutang ito, kailangan niyang ituring ang kanyang sarili bilang mangmang upang tunay na mapuspos ng karunungan ng Diyos.
Mapapaisip tayo.
Sa panahon ngayon, napakalawak na ng kaalaman ng sangkatauhan.
Napakalayo na ng narating ng science and technology. Nakagagawa tayo ng mga bagay na dati ay parang imposible. Marami na tayong natutuklasan at maraming tanong na nasasagot.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon.
๐๐๐ซ๐๐ฆ๐ข ๐ฉ๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐ญ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐ฅ๐๐ฆ.
May mga tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring kumpletong sagot.
May mga bagay na hindi natin kayang ipaliwanag.
May mga misteryong hindi kayang abutin ng ating sariling karunungan.
At doon natin mas mauunawaan ang sinabi ni San Pablo.
Ang pagkilala na hindi natin alam ang lahat ay hindi nangangahulugang wala tayong alam. It means that we recognize our limits. At kapag kinikilala natin ang ating limitasyon, mas nagiging bukas tayo sa karunungan ng Diyos.
๐
๐๐ญ๐ก๐๐ซ ๐๐ซ๐จ๐ง ๐ฌ๐๐ข๐: โAnd when we recognize our innocence and ignorance, the more we are open to the mysterious ways of God, the more we could filled up ourselves with the wisdom of God more than the wisdom of humanity.โ
Napakaganda ng paalala.
Dahil minsan,
Gusto nating tayo ang may sagot sa lahat.
Gusto nating alam ang mga mangyayari.
Gusto nating sigurado tayo sa mga desisyon.
Gusto nating kontrolado natin ang ating buhay.
Gusto nating malaman saan tayo patungo.
Pero hindi naman talaga ganoon ang buhay.
May mga bagay na kahit gaano natin pag-isipan, hindi natin kayang kontrolin.
At dito natin mas makikita ang koneksyon ng homiliya sa Ebanghelyo.
Sinabi ni Hesus:
โ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ค๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฅ๐.โ
Napakadaling sabihin.
Pero napakahirap gawin.
Dahil bilang tao, natural sa atin ang mag-alala.
Nag-aalala tayo sa pagkain.
Nag-aalala tayo sa pera.
Nag-aalala tayo sa pamilya.
Nag-aalala tayo sa pag-aaral.
Nag-aalala tayo sa trabaho.
Nag-aalala tayo sa kinabukasan.
Minsan, nag-aalala tayo sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari. At minsan, gusto nating kontrolin pati ang bukas.
Pero sabi ni Hesus, bakit tayo labis na nababagabag?
Hindi baโt alam ng Ama sa langit ang kailangan natin?
Hindi baโt pinapakain niya ang mga ibon?
Hindi baโt binibigyan niya ng kagandahan ang mga bulaklak?
Kung gayon, hindi baโt higit pa tayong mahalaga sa kanya?
Dito natin makikita na ang โhuwag kayong mag-alalaโ ni Hesus ay hindi nangangahulugang wala na tayong kailangang gawin sa buhay.
Hindi ibig sabihin na pababayaan na natin ang ating mga responsibilidad.
Ang paalala ay mas malalim:
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ฒ๐จ ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฒ.
Dahil hindi naman tayo ang Manlilikha.
Tayo ay mga nilalang.
At bilang mga nilalang, kailangan nating matutong magtiwala sa ating Manlilikha.
๐
๐๐ญ๐ก๐๐ซ ๐๐ซ๐จ๐ง ๐ฌ๐๐ข๐: โIt entails great humility on our end to acknowledge we need God in our life.โ
๐๐ ๐ง๐๐๐ ๐๐จ๐ ๐ข๐ง ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฅ๐ข๐๐.
Hindi lamang kapag may problema.
Hindi lamang kapag wala na tayong malapitan.
Hindi lamang kapag hindi na natin kayang ayusin ang isang sitwasyon.
Kailangan natin ang Diyos dahil sa simula pa lamang, hindi naman talaga natin kayang mabuhay nang hiwalay sa kanya. At marahil, mas nararanasan natin ang katotohanang ito kapag nahaharap tayo sa mga bagay na hindi na kayang kontrolin ng tao.
Kapag may mga tanong na walang madaling sagot.
Kapag may mga pagkakataong napagtatanto nating limitado pala talaga ang ating kakayahan.
Doon natin nakikita:
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ก๐๐ฐ๐๐ค ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ.
At hindi natin kailangang ikahiya iyon.
Sa halip, maaari natin itong gawing daan upang mas matutong magtiwala. Dahil minsan, ang problema natin ay hindi naman dahil wala tayong pananampalataya.
Minsan, gusto lang talaga nating tayo ang may hawak ng lahat.
Gusto nating alam natin ang mangyayari.
Gusto nating nasusunod ang plano natin.
Gusto nating siguradong-sigurado ang bukas.
Pero ang buhay ay hindi ganoon.
At marahil iyon ang dahilan kung bakit napakahalaga ng sinabi ni Hesus:
โ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ซ๐๐ง๐ข๐ง.โ
Hindi niya sinabi na wala nang magiging problema bukas.
Hindi niya ipinangako na magiging madali ang lahat.
Ang sinabi niya ay harapin natin ang bawat araw habang dumarating ito.
๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ ๐๐ญ ๐ ๐ญ๐ข๐ฆ๐.
At higit sa lahat, unahin natin ang Diyos.
โ๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ค๐๐ฉ๐๐ง ๐ง๐ข๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐๐ง๐ ๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ซ๐ข ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐จ๐จ๐๐๐ง.โ
Sa dami ng bagay na gusto nating makuha, maabot, at kontrolin, ano ba talaga ang dapat nating unahin?
Sa dami ng karunungang nakikita natin sa mundo, kaninong karunungan ba talaga tayo kumakapit?
At sa dami ng bagay na ipinagmamalaki nating kaya nating gawin, kaya ba nating sabihin nang buong pagpapakumbaba:
โ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง, ๐ฆ๐๐ซ๐๐ฆ๐ข ๐๐ค๐จ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐ฅ๐๐ฆ. ๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง ๐ค๐ข๐ญ๐.โ
Siguro, iyon ang isa sa pinakamahalagang aral na iniwan sa atin ng homiliya ni Father Cron.
Hindi masamang magkaroon ng kaalaman.
Hindi masamang gamitin ang teknolohiya.
Hindi masamang mangarap, magplano, at magsikap.
Pero kailangan nating maalala na gaano man kalawak ang ating kaalaman, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ฅ๐๐ฆ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ.
Gaano man tayo kahusay, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ญ๐๐ฒ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐.
Gaano man natin gustong kontrolin ang buhay natin, ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ฉ๐ ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐๐ฎ๐๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ.
At marahil, doon nagsisimula ang tunay na karunungan.
Hindi sa pag-aakalang alam na natin ang lahat.
Kundi sa pagkilala na ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง ๐ฉ๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ.
Kaya habang ipinagdiriwang natin ang Season of Creation, hindi lamang tayo tinatawag na pangalagaan ang ating common home.
Tinatawag din tayong kilalanin ang ating lugar sa loob nito.
๐๐๐ฒ๐จ ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ง๐ ๐ง๐ข๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐.
Hindi tayo ang may-ari ng lahat.
Hindi tayo ang Manlilikha.
Tayo ay mga katiwala lamang ng mundong ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.
At kung matututuhan nating maging mapagpakumbaba bilang mga nilalang, marahil mas matututuhan din nating magtiwala sa ating Manlilikha.
Kaya sa susunod na tayo ay mabahala sa bukas, baka maaari nating alalahanin ang Ebanghelyo ngayon.
Kapag hindi natin alam ang mangyayariโ๐ฆ๐๐ ๐ญ๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐ญ๐๐ฒ๐จ.
Kapag hindi natin kontrolado ang sitwasyonโ๐ฆ๐๐ ๐ญ๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐ญ๐๐ฒ๐จ.
Kapag pakiramdam natin ay kailangan nating malaman ang lahatโ๐ฆ๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ญ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐๐ค๐๐ฆ๐๐ฉ๐๐ค๐ฎ๐ฆ๐๐๐๐.
At kapag nakalimutan nating unahin ang Diyos dahil sa dami ng ating iniisip, baka kailangan lang nating balikan ang paalala ni Hesus:
๐๐ง๐๐ก๐ข๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ซ๐ข ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ.
Dahil hindi naman natin kailangang hawakan ang buong bukas.
Hindi naman natin kailangang malaman ang lahat.
Hindi naman natin kailangang kontrolin ang lahat.
๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ญ๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ค๐ก๐ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง, ๐ง๐๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง, ๐๐ญ ๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง.
At marahil, iyon ang tunay na kapayapaang ipinapaalala sa atin ng Ebanghelyo ngayon:
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐๐ฅ๐๐ฆ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ฒ๐๐ซ๐ข ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ, ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐๐ฅ๐๐ฆ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ค๐๐ฉ๐๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ.
___________________
05 SEPTEMBER 2026
23rd Sunday in Ordinary Time
Creation Day / Feast of Creation in Christ