New page Hijos del nazareno balangay Inang Soledad ciudad de cavite 04-018

New page Hijos del nazareno balangay Inang Soledad ciudad de cavite 04-018 Hijos del nazareno balangay Central Inang Soledad ciudad de cavite 04-0-18

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐จ๐จ๐ง๐  ๐‰๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐๐š๐ณ๐š๐ซ๐ž๐ง๐จ (tuwing Biyernes)Mahal na Poong Jesus Nazareno, banal ang iyong pangalan, di...
24/07/2026

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐จ๐จ๐ง๐  ๐‰๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐๐š๐ณ๐š๐ซ๐ž๐ง๐จ (tuwing Biyernes)

Mahal na Poong Jesus Nazareno, banal ang iyong pangalan, dinadakila at pinapasalamatan Ka namin, nagpapakababa Ka at sumunod sa kalooban ng Ama, pinasan Mo ang krus at nag-alay ng buhay para sa aming kaligtasan.

Tanggapin Mo ang aming dasal at sakripisyo itulot Mo na kaming sumasamo at tumulad sa Iyo, na sumunod ng buong katapatan at pagmamahal, magbahagi ng mabuting balita, magsisi at itakwil ang kasalanan at masama, at maghatid ng awa at kapayapaan sa aming kapwa.

Ipinagkakatiwala namin sa Iyo ang lahat-lahat sa amin, ipinapanalangin namin ang mga nangangailangan ng Iyong tulong, ipinapaubaya namin sa Iyo ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang kahilingan)

Itong aming pagdedebosyon at panata ay lalo nawang magpalapit sa amin sa Iyo at aming kapwa. Upang nagmamahal at nagkakaisa kaming magtaguyod ng Iyong kaharian dito sa lupa hanggang sa langit, na aming tunay na tahanan, kung saan naghahari Ka sa kaluwalhatian magpasawalang hanggan. Amen.

His Excellency Most Reverend
๐‘๐”๐…๐ˆ๐๐Ž ๐‚๐Ž๐‘๐Ž๐๐„๐‹ ๐’๐„๐’๐‚๐Ž๐ ๐‰๐‘.
๐ต๐‘–๐‘ โ„Ž๐‘œ๐‘ ๐‘œ๐‘“ ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘…๐‘œ๐‘š๐‘Ž๐‘› ๐ถ๐‘Ž๐‘กโ„Ž๐‘œ๐‘™๐‘–๐‘ ๐ท๐‘–๐‘œ๐‘๐‘’๐‘ ๐‘’ ๐‘œ๐‘“ ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘Ž



โœจ ๐‹๐„๐€๐ƒ๐„๐‘๐’๐‡๐ˆ๐ ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โœจNoong Hunyo 27, 2026, ang Hijos Del Nazareno โ€“ Balangay ng Inang Soledad, Ciudad De Cavite ...
30/06/2026

โœจ ๐‹๐„๐€๐ƒ๐„๐‘๐’๐‡๐ˆ๐ ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โœจ

Noong Hunyo 27, 2026, ang Hijos Del Nazareno โ€“ Balangay ng Inang Soledad, Ciudad De Cavite ay nakiisa sa Leadership Formation, isang makabuluhang programa na naglalayong hubugin ang mga lingkod na mamuno nang may pananampalataya, integridad, at diwa ng paglilingkod.

Sa pamamagitan ng mga naging talakayan at gawain, mas napalalim ang aming pag-unawa sa tunay na kahulugan ng pamumuno, ang pamumunong inuuna ang pag-unawa sa kapwa, pagkakaisa, at pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Dalangin namin na ang mga aral na aming natutuhan ay maging gabay sa aming patuloy na paglilingkod sa Simbahan at sa aming komunidad.

"Whoever wants to become great among you must be your servant." โ€” Matthew 20:26



Address

Cavite City
Cavite
4100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New page Hijos del nazareno balangay Inang Soledad ciudad de cavite 04-018 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share