01/02/2026
Ako po, ang Hermana nitong nakaraang fiesta January 23, 2026 ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat na sumuporta at tumulong upang mairaos at maging matagumpay ang nagdaang pagdiriwang ng kapistahan ng ating patron San Vicente Ferrer.
Hindi po ito magiging posible kung hindi sa mga taong nagkaloob ng kanilang biyaya, kakayahan at lakas. Gayundin din po sa mga kasamahan ko na pastoral at sa mga pari na naging bisita at katuwang upang magdiwang ng Misa sa 9 na araw na nobena at maging sa araw ng kapistahan. Maraming salamat din po sa ating Kura-Paroko father Eric Orcullo sa kanyang ipinakitang suporta at pang-unawa sa akin.
Salamat po sa mga naging sponsors sa 9 na araw na nobena, sa mga naging offerrer na kalapit Barangay.
Salamat po sa San Vicente 1 and 2 Pastoral Council, sa B**a 1 and 2 Pastoral Council, sa Adlas Pastoral Council.
Salamat din po sa mga naging offerrer dito sa ating Barangay.
Sa ating butihin at maaasahang ama ng Barangay, Kapitan Kim A. Galang, salamat po sa pagtugon sa pangangailangan ng Simbahan.
Sa mga konsehal at tanod na naging kaagapay ng ating punong Barangay, salamat sa inyo.
Sa mga naging sponsor sa pagpapakain, sa mga cash donors upang matugunan ang mga pangangailangan ng Simbahan, salamat po sa inyong lahat.
Sa pamilya Geronimo, sa Tatay naming lahat ng pastoral, kay kuya Malding, salamat po ng marami sa maraming tulong sa lahat ng panahon.
Jun and Beng Diestro, salamat.
Sa mga dati at nakaraang hermana, salamat po sa inyong tulong financial.
Sa mga kasamahan kong lingkod-simbahan, ate Wennie Valencia, ate Alcion Cabral,, ate Nancy Dela Cruz Carlos, ate Nene Ancanan, ate Nene Reyes-Tapalla, ate Ennie Delos Santos Carranza,, ate Lhorie Malabay, Aida-Toto Ambulo, mars Ginalene Toledo, mars Tina Esmen, ate Emie Toledo, Eva Udtocho, Gerald Ford, Faith Bianca, salamat sa inyo, kayo ang naging extended family ko upang magampanan ko at maitawid ang bawat araw ng Nobena kahit hindi ako nakakapunta sa Simbahan.
Gerald and Faith, salamat sa pagiging layout artist ng ating Simbahan.
Naging masaya, matagumpay at payapa ang nakaraang pagdiriwang dahil po sa pagtutulungan nating lahat. Biyaya po kayong lahat sa akin bilang hermana 2026. Dasal ko po ang patuloy na pagpapala sa inyo ng ating Panginoong Hesus sa tulong at panalangin ng ating patron San Vicente Ferrer.
Salamat sa ating patron San Vicente Ferrer sa mga milagro na ipinadama nya sa akin sa bawat panalangin na ibinubulong ko sa kanya.
Higit sa lahat, salamat sa Dakila at butihing Panginoon sa kanyang Divine providence, Divine protection, Divine guidance and Divine wisdom.
God bless all the hermanas.
God bless us all!
To God be the highest Glory!