14/08/2026
BAKIT KAILANGANG IPAGPAALAM SA PASTOR KAPAG HINDI KA MAKAKADALO?
May nagtatanong, "Bakit kailangan pang sabihin sa pastor kung hindi ako makakadalo?" Kung seryoso ang tanong na iyan, pag-isipan natin ito.
โช๏ธKapag hindi ka makakasali sa laro, hindi mo ba sasabihan ang coach mo?
โช๏ธKapag hindi ka papasok sa trabaho, hindi mo ba tatawagan ang employer mo?
โช๏ธKapag naghanda ang asawa mo ng hapunan buong hapon, hindi mo ba siya sasabihan kung hindi ka makakauwi?
โช๏ธKapag may usapan kayong magkaibigan na magbisikleta o magmotor, hindi mo ba sila aabisuhan kung hindi ka makakasama?
โช๏ธKapag may hotel o flight booking ka, hindi mo ba kina-cancel kung hindi ka tutuloy?
Kung ganoon ang ginagawa natin sa ibang bagay, bakit hindi natin maipakita ang parehong paggalang sa ating church family?
Bilang miyembro ng isang iglesia, may inaasahan na magiging bahagi ka ng pagtitipon ng katawan ni Cristo.
At bilang isang pastor, hayaan mong ibahagi ko ang isang pananaw.
โ
Buong linggo kang ipinapanalangin ng pastor mo kasama ang iyong pamilya.
โ
Nag-aaral siya ng Salita ng Diyos at naghahanda ng mensahe upang mapakain ang iyong kaluluwa.
โ
Siya ay itinalaga ng Espiritu Santo bilang tagapangasiwa ng kawan.
โ
Isang araw, magbibigay siya ng pagsusulit sa Diyos tungkol sa pangangalaga niya sa mga kaluluwa. (Hebrews 13:17)
โ
Tinawag siya ng Diyos upang turuan, palakasin, at ihanda ang mga mananampalataya.
โ
Mahal ka niya at ang iyong pamilya nang higit pa kaysa sa iniisip mo.
Kaya ang simpleng pagte-text o pagsasabi na hindi ka makakadalo ay isang maliit na paraan ng pagpapakita ng respeto at pagpapahalaga sa kanyang pagmamahal at pag-aalaga.
Kapag bigla ka na lamang hindi dumating, maraming tanong ang pumapasok sa isip ng isang pastor:
โMay sakit kaya sila?
โMay sama ba sila ng loob?
โUmalis na ba sila sa church?
โMay nasabi ba akong nakasakit sa kanila?
Ang mga tanong na ito ay nagdadala ng pag-aalala at pag-aasikaso, lalo na kung tunay na nagmamalasakit ang pastor sa kanyang kawan.
Sa totoo lang, isang simpleng text message lang ang makakapagbigay ng kapanatagan at makakaiwas sa kalituhan.
Hindi ito tungkol sa kontrol.
Hindi ito tungkol sa pagre-report.
Ito ay tungkol sa accountability, respect, at pagmamalasakit sa katawan ni Cristo.
๐Sabi ng 1 Corinthians 12:25-27:
"That there should be no schism in the body; but that the members should have the same care one for another... Now ye are the body of Christ, and members in particular."
๐Bilang bahagi ng katawan ni Cristo, ang bawat isa ay mahalaga. Kapag may isang miyembro na nawawala, natural lamang na mapansin at mag-alala ang buong katawan.
Kaya naman, kung hindi ka makakadalo, ang isang simpleng mensahe na, "Pastor, hindi po kami makakadalo ngayon dahil may sakit po si Nanay. Please pray for us," ay malaking bagay na.
Hindi ito sapilitan.
Hindi ito pagiging sunud-sunuran.
Ito ay simpleng pagpapakita ng paggalang, pagmamahal, at pagkilala na tayo ay bahagi ng iisang pamilya sa Panginoon.