04/10/2026
๐ถ๐ฒ๐ป๐ผ๐ฉ๐น๐ฌ 04 | 2026
Ang Mainit na Pagbati ng buong Team Lerius Ars Ecclesiastica sa mga mananampalataya ng Malabon Grande San Francisco de Malabon Parish Church ng isang ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐ ๐๐๐๐!
SA KANIYANG PAGYUKO SA KRUS, NATAGPUAN NG MUNDO ANG ISANG SANTONG PAYAKโSAN FRANCISCO DE ASIS, ANG SERAPIKONG AMA NG PANANAMPALATAYANG CAVITEรO AT PATRON NG LUNGSOD NG GENERAL TRIAS.
Mula sa payak na buhay sa Assisi, pinili ni San Francisco ang landas ng karukhaan, pagpapakumbaba, at ganap na pag-ibig kay Kristo. Iniwan niya ang kinang ng sanlibutan upang yakapin ang Krus, at sa halip na kayamanan ay pinili ang kayamanang hindi kumukupasโang Panginoon.
Sa pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Cavite, ang debosyon sa Serapikong Santo ay unti-unting nag-ugat sa mga bayan at pamayanan. Sa dating Malabon Grandeโang bayang ngayo'y kilala bilang Lungsod ng General Triasโnamukadkad ang isang debosyong ipinamana ng mga unang salinlahi sa kanilang mga anak: isang pananalig na hindi lamang nasusukat sa dami ng panata, kundi sa mga luhang tahimik na pumapatak sa harap ng altar, sa mga kandilang sinisindihan sa gitna ng dilim, at sa mga panalanging paulit-ulit na ipinagkakatiwala sa Diyos.
Sa paglipas ng panahon, naging bahagi ng pagkakakilanlan ng bayan ang pangalan ni San Francisco de Asis. Mula sa Malabon Grande hanggang sa General Trias ng ating panahon, nanatili ang alaala ng isang Santo na nagturo sa mga tao na ang tunay na kadakilaan ay wala sa yaman o kapangyarihan, kundi sa pusong marunong yumuko sa harap ng Diyos.
O San Francisco, Serapikong Ama, ikaw na tumalikod sa karangyaan upang yakapin ang kahirapan ni Kristo, turuan mo kaming magmahal nang walang hinihinging kapalit. Kapag kami'y nanghihina, ituro mo sa amin ang Krus. Kapag kami'y umiiyak, ituro mo sa amin ang langit. At kapag dumating ang araw na kailangan na naming iwan ang lahat ng bagay sa mundo, turuan mo kaming tulad mo'y makatagpo ng tunay na kapayapaan sa piling ni Kristo.
Mula sa dating Malabon Grande hanggang sa General Trias na ngayo'y yumayakap sa iyong banal na pangalan, manatili ka sanang ama ng aming pananaligโtahimik na saksi sa bawat kandila, bawat panata, bawat luha, at bawat pusong patuloy na kumakapit sa Diyos.
San Francisco de Asis,
Serapikong Ama ng Malabon Grande
Patron ng Lungsod ng General Trias,
Ipanalangin mo Kami.