04/10/2026
โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
โ
โSa patuloy na pagsasagawa ng ating magiging bagong kapilya dito sa Barrio Talipusngo, tayo ay patuloy na nagbabayanihan upang matugunan ang pangangailangan nito.
โ
โSa bawat hakot, lakad, at buhat, dala natin ang panalangin na nawa'y maging tuluy-tuloy ang pagtatayo ng ating magiging bagong tahanan upang papurihan at sambahin ang Poong Maykapal.
โ
โPara po sa mga nais magbigay ng tulong o donasyon, pinansyal man o materyal, sa aming kapilya, maaari pong gawin ang mga sumusunod:
โ
โโข Mag-message sa page na ito.
โโข Makipag-coordinate sa Barangay Chapel Coordinator, Bro. Romy Paiton/Sis. Lanie Paiton.
โโข Makipag-coordinate sa sinumang barangay pastoral officer or youth ministry members.
โ
โMaraming salamat po sa mga nagbigay at patuloy pang nagbibigay ng donasyon, tulong, serbisyo, at iba pa upang maisagawa natin ang construction project na ito.
โ
โSa tulong ng panalangin ng Mahal ng Birhen at ng ating Mahal na Patron San Jose, nawa'y maging matagumpay ang ating hangarin na ito, sa pangalan ni Hesus.
โ
โ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐๐ฒ, ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ฟ๐ผ๐ป, ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐ ๐ข ๐๐๐ ๐!