16/08/2026
𝗦𝘂𝗻𝗱𝗮𝘆 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 | 𝗧𝗵𝗲 𝗚𝗿𝗲𝗮𝘁 𝗘𝘀𝗰𝗮𝗽𝗲 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 16, 2026
“Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo pababayaang subukin nang higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, 𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗶𝘁𝗼.”
— 1 Mga Taga-Corinto 10:13 ASD
Hindi man natin kayang harapin ang lahat ng pagsubok sa sarili nating lakas, hindi tayo kailanman nag-iisa. Hindi papahintulutan ng Diyos ang pagsubok na hindi natin kayang harapin kasama Siya. Kapag dumating ang challenges, He will always provide a way for us to overcome.
Minsan feeling natin, “Hindi ko na kaya.” Pero baka ang kailangan lang natin ay alalahanin na hindi natin kailangang kayanin mag-isa. With the help of the Lord, may kalakasan tayong magpatuloy, may pag-asa tayong kumapit, at may Diyos tayong hindi tayo pababayaan. 🤍
Whatever you are facing today, keep trusting. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Kasama mo ang Diyos, at sa tulong Niya, malalampasan mo rin ito. 🙏🏻