17/04/2026
IKATLONG BIYERNES SA BUWAN NG ABRIL
โ
โPANALANGIN SA MAHAL NA
POONG JESUS NAZARENO
โ(TUWING BIYERNES)
โ
โMahal na Poong Jesus Nazareno, banal ang iyong pangalan, dinadakila at pinapasalamatan Ka namin, nagpapakababa Ka at sumunod sa kalooban ng Ama, pinasan Mo ang krus at nag-alay ng buhay para sa aming kaligtasan.
โ
โTanggapin Mo ang aming dasal at sakripisyo itulot Mo na kaming sumasamo at tumulad sa Iyo, na sumunod ng buong katapatan at pagmamahal, magbahagi ng mabuting balita, magsisi at itakwil ang kasalanan at masama, at maghatid ng awa at kapayapaan sa aming kapwa.
โ
โIpinagkakatiwala namin sa Iyo ang lahat-lahat sa amin, ipinapanalangin namin ang mga nangangailangan ng Iyong tulong, ipinapaubaya namin sa Iyo ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang kahilingan)
โ
โItong aming pagdedebosyon at panata ay lalo nawang magpalapit sa amin sa Iyo at aming kapwa. Upang nagmamahal at nagkakaisa kaming magtaguyod ng Iyong kaharian dito sa lupa hanggang sa langit, na aming tunay na tahanan, kung saan naghahari Ka sa kaluwalhatian magpasawalang hanggan. Amen.
โ
โAraw ng BIYERNES; Araw ng DEBOSYON;
โAraw ng mga DEBOTO; Araw ng QUIAPO.
โ
โWalang hanggang pasasalamat,
โMahal na Poong Jesus Nazareno!
๐ท Quiapo Church
โ