Holy Rosary Chapel - Sanja Mayor

Holy Rosary Chapel - Sanja Mayor This is the official account of Our Lady of Holy Rosary Chapel in Brgy. Sanja Mayor, Tanza, Cavite PH

LAUDATE DOMINUM!‎‎Sa paggunita ng ika-41 anibersaryo ng Kapilya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario, tayo’y muling magtit...
17/04/2026

LAUDATE DOMINUM!

‎Sa paggunita ng ika-41 anibersaryo ng Kapilya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario, tayo’y muling magtitipon upang magpasalamat sa Diyos—kasama ang ating mga tagapatnubay, si San Agustin at ang Mahal na Birhen.

‎Bagamat ipinagdiriwang natin ang taong ito na wala ang simbahang bato, nananatili tayong pinagpala sapagkat buhay at matatag ang tunay na Simbahan, ang Simbahang Tao, ang Simbahang Tayo—ang sambayanang nakatindig na nagmamahal at nananalig sa Diyos.

Narito ang mga ‎nakalaang gawain para sa pagdiriwang:
‎Abril 20 | Lunes
‎9:00 N.U. – Banal na Misa ng Pasasalamat
‎3:30 N.H. – Karakol ng Pasasalamat

‎Magkita-kita tayong muli sa isang taon ng makabuluhang pagdiriwang!

‎Salamat sa Diyos! Viva la Virgen! Viva San Agustin!



𝙈𝘼𝙇𝙄𝙂𝘼𝙔𝘼𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙋𝙄𝙎𝙏𝘼𝙃𝘼𝙉, 𝙇𝘼 𝙑𝙄𝙍𝙂𝙀𝙉 𝘿𝙀𝙇 𝙎𝘼𝙉𝙏𝙄𝙎𝙄𝙈𝙊 𝙍𝙊𝙎𝘼𝙍𝙄𝙊 𝘿𝙀 𝙎𝘼𝙉𝙅𝘼 𝙈𝘼𝙔𝙊𝙍! @40
07/10/2025

𝙈𝘼𝙇𝙄𝙂𝘼𝙔𝘼𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙋𝙄𝙎𝙏𝘼𝙃𝘼𝙉, 𝙇𝘼 𝙑𝙄𝙍𝙂𝙀𝙉 𝘿𝙀𝙇 𝙎𝘼𝙉𝙏𝙄𝙎𝙄𝙈𝙊 𝙍𝙊𝙎𝘼𝙍𝙄𝙊 𝘿𝙀 𝙎𝘼𝙉𝙅𝘼 𝙈𝘼𝙔𝙊𝙍!

@40

KAPISTAHAN 2025Sa ating pagdiriwang ng ating Kapistahan (Oct. 07) ang Banal na Misa ay gaganapin pansamantala sa ACM sa ...
06/10/2025

KAPISTAHAN 2025

Sa ating pagdiriwang ng ating Kapistahan (Oct. 07) ang Banal na Misa ay gaganapin pansamantala sa ACM sa ganap na ika-2 ng hapon.

Magkita-kita po tayo upang papurihan ang Diyos sa tulong at panalangin ng ating Ina at Patrona-Birhen ng Sto. Rosario.

𝙏𝙐𝙉𝙂𝙃𝘼𝙔𝘼𝙉 𝙈𝙊 𝙆𝘼𝙈𝙄 𝙄𝙉𝘼𝙔!Maraming salamat sa palaging paggabay at pangangalaga sa amin. Mabuhay ka! Aming Ina at Patrona!V...
15/09/2025

𝙏𝙐𝙉𝙂𝙃𝘼𝙔𝘼𝙉 𝙈𝙊 𝙆𝘼𝙈𝙄 𝙄𝙉𝘼𝙔!

Maraming salamat sa palaging paggabay at pangangalaga sa amin. Mabuhay ka! Aming Ina at Patrona!

Viva la Virgen!

Kuhang larawan mula kay Warren Aricayos

𝙋𝘼𝙎𝘼𝙎𝘼𝙇𝘼𝙈𝘼𝙏!Ang buong pamunuan ng Sanja Mayor Chapel Pastoral Council ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumugon ...
14/09/2025

𝙋𝘼𝙎𝘼𝙎𝘼𝙇𝘼𝙈𝘼𝙏!

Ang buong pamunuan ng Sanja Mayor Chapel Pastoral Council ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumugon at naghandog, nakiisa, at tumulong upang maisakatuparan ang maringal na prusisyon sa karangalan ng ating Ina at Patrona, ang Nuestra Señora del Santísimo Rosario. Ang matagumpay na pagdiriwang na ito ay naging bahagi ng Kapistahan ng Banal na Krus ng Kasaysayan ng Pilipinas—ang Sta. Cruz de Malabon.

Nawa’y patuloy tayong pag-ibayuhin ng Panginoon sa ating pananampalataya at paglilingkod, at nawa’y ang Mahal na Birheng Maria, sa bisa ng Banal na Krus, ay maging tanglaw at gabay ng ating pamayanan tungo sa higit pang pagkakaisa at kabanalan.

PAGHAHANDA…. Nakahanda na ang mga bulaklak na igagayak sa ating Patrona para sa kanyang pakikiisa sa Kapistahan ng Pagta...
13/09/2025

PAGHAHANDA….

Nakahanda na ang mga bulaklak na igagayak sa ating Patrona para sa kanyang pakikiisa sa Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus mamaya sa Parokya.

Ang pamunuan ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nagkaloob ng tulong pinasyal para sa gayak ng Mahal na Ina.

𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐈𝐊𝐎𝐓 𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐉𝐀 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐒𝐀 𝐏𝐎𝐁𝐋𝐀𝐂𝐈𝐎𝐍Makalipas ang ilang taon ng pananabik, muling magbabali...
10/09/2025

𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐈𝐊𝐎𝐓 𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐉𝐀 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐒𝐀 𝐏𝐎𝐁𝐋𝐀𝐂𝐈𝐎𝐍

Makalipas ang ilang taon ng pananabik, muling magbabalik sa mga lansangan ng Poblacion ang Mahal na Ina at Patrona ng Sanja Mayor, Nuestra Señora del Santísimo Rosario. Ang kanyang muling paglalakbay ay tanda ng patuloy na pagkalinga at pagkakaisa sa pananampalataya ng mga Tanzeño lalong higit ang mga taga Sanja Mayor

Ang pagdiriwang na ito ay bahagi ng Kapistahan ng Pagtatampok ng Banal na Krus — ang dakilang Titular at dating Patron ng ating Parokya at Bayan, ang makasaysayang Sta. Cruz de Malabon (Tanza).

Inaanyayahan lahat ng mga communities at organisasyon sa ating barangay at subdivision na makiisa at samahan ang ating Ina at Patrona sa kanyang paglalakbay na ito.

Setyembre 14, 2025 | Linggo
5:30 N.H. | MISA MAYOR
7:00 N.G. | MARINGAL NA PRUSISYON
San Agustin de Tanza

Nawa’y ang Mahal na Ina sa ating piling ay magsilbing paalaala ng masidhing debosyon, pagkakaisa ng pamayanan, at walang hanggang pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Ina.

MABUHAY ANG KRUS NG KASAYSAYAN NG PILIPINAS!
VIVA LA VIRGEN!

@40

KARAKOL UPDATES | KANTO NG BORLAND - SANJA MAYOR MAIN ROAD
27/08/2025

KARAKOL UPDATES | KANTO NG BORLAND - SANJA MAYOR MAIN ROAD

KARAKOL UPDATES | GITNA STREET
27/08/2025

KARAKOL UPDATES | GITNA STREET

ANG PAGSISIMULA NG GRAND CARACOL 2025!
27/08/2025

ANG PAGSISIMULA NG GRAND CARACOL 2025!

Address

Brgy. Sanja Mayor, Tanza
Cavite
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Rosary Chapel - Sanja Mayor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share