St. Peregrine Laziosi Church - Sta. Cruz, Cavite City

St. Peregrine Laziosi Church - Sta. Cruz, Cavite City SINCE 2020
St. Peregrine Parish is a newly-established church located along Ejercito and T. Gomez St. in Barangay 16-Martinez, Sta. Cruz, Cavite City.

COME AND VISIT US! BE OUR PARTNER IN BUILDING A CHURCH THAT EXTENDS IN HEAVEN AND EARTH!

๐ŸŒธ Invitation to Join the Flores de Mayo and Santacruzan ๐ŸŒธWe warmly invite all children and young ladies in our community...
09/05/2026

๐ŸŒธ Invitation to Join the Flores de Mayo and Santacruzan ๐ŸŒธ

We warmly invite all children and young ladies in our community to take part in the celebration of Flores de Mayo, a beautiful Catholic tradition held throughout the month of May in honor of the Blessed Virgin Mary through the offering of flowers and prayers.

All participants in Flores de Mayo are also invited to join the Santacruzan, a meaningful and colorful procession that commemorates the finding of the Holy Cross by Queen Helena (Reyna Elena) and Emperor Constantine.

Come and honor our Blessed Mother Mary by offering flowers, prayers, and your joyful participation in this special parish devotion.

๐Ÿ“ Venue: St. Peregrine Laziosi Parish
๐Ÿ“… Starting Date: May 23, 2026 (Saturday)
โฐ Time: 4:00 pm - Holy Mass
โฐ Time: 5:00 pm - Procession

Those who wish to join may register at the Parish Office or coordinate with the Flores de Mayo organizers.

โ€œLet us offer to Mary the flowers of our love and faith.โ€

Thank you, and may the Blessed Virgin Mary bless you and your family abundantly.

โ€œMary, our Mother, pray for us.โ€ ๐ŸŒน

๐Ÿ™ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—ฅ๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—” ๐Ÿ™๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - Sa pagtatapos ng ating pagdiriwang ng Fiesta Peregrino 2026, idinaos an...
05/05/2026

๐Ÿ™ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—ฅ๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—” ๐Ÿ™

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - Sa pagtatapos ng ating pagdiriwang ng Fiesta Peregrino 2026, idinaos ang Maringal na Prusisyon bilang makapangyarihang pagpapahayag ng ating pananampalataya at debosyon.

Tampok sa banal na prusisyon ang mga imahen ng Birhen ng Dolorosa at ni San Peregrino Laziosi, na nagsilbing paalala ng pagtitiis, pag-asa, at kagalingang nagmumula sa Diyos.

Bilang isang miyembro ng Ordo Servorum Mariae, si San Peregrino ay may malalim na debosyon sa Mahal na Birhen sa ilalim ng kanyang titulo bilang Ina ng Hapis. Sa kanyang buhay, natutunan niyang yakapin ang pagdurusa nang may pananampalataya, kaisa si Maria sa paanan ng Krusโ€”isang paanyaya rin sa atin na magtiwala sa Diyos sa gitna ng ating mga pagsubok.

Sa liwanag ng kandila at sama-samang panalangin, ang bawat hakbang ng prusisyon ay naging saksi ng isang pamayanang nagkakaisaโ€”umaasa, nananalig, at patuloy na nagtitiwala sa awa at pag-ibig ng Diyos.

Nawaโ€™y ang ating pakikiisa sa banal na prusisyong ito ay magbunga ng mas malalim na pananampalataya at mas tapat na pagsunod sa Panginoon.

๐Ÿ™ ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ท๐’†๐’“๐’†๐’ˆ๐’“๐’Š๐’๐’ ๐‘ณ๐’‚๐’›๐’Š๐’๐’”๐’Š, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.
๐Ÿ™ ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’‰๐’†๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’๐’๐’๐’“๐’๐’”๐’‚, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.





๐Ÿ™ ๐—™๐—œ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—” ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿ™๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fiesta Peregrino 2026, idinaos ang Healing Ma...
04/05/2026

๐Ÿ™ ๐—™๐—œ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—” ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿ™

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fiesta Peregrino 2026, idinaos ang Healing Mass na pinangunahan ni ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—™๐—ฟ. ๐—›๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ผ, Kura Paroko ng St. Peregrine Laziosi Church - Sta. Cruz, Cavite City, kung saan inialay ng mga mananampalataya sa Diyos ang kanilang mga karamdaman, pasanin, at mga intensyon.

Sa pamamagitan ng panalangin at kapangyarihan ng Banal na Eukaristiya, naranasan ng mga dumalo ang kagalingan ng Diyosโ€”hindi lamang sa katawan, kundi lalo na sa puso at kaluluwa.

Sa tulong ng pamamagitan ni San Peregrino Laziosi, patron ng mga maysakit, nawaโ€™y patuloy na maranasan ng bawat isa ang pag-asa, lakas, at panibagong sigla sa gitna ng mga pagsubok.

๐Ÿ™ ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ท๐’†๐’“๐’†๐’ˆ๐’“๐’Š๐’๐’ ๐‘ณ๐’‚๐’›๐’Š๐’๐’”๐’Š, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.





๐Ÿ“ฃ ANUNSYOInaanyayahan ang lahat sa pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Kapistahan ni San Peregrino Laziosi bukas, araw ...
03/05/2026

๐Ÿ“ฃ ANUNSYO

Inaanyayahan ang lahat sa pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Kapistahan ni San Peregrino Laziosi bukas, araw ng Lunes, Mayo 4, 2026, sa ganap na ika-6:30 ng umaga.

Halina at makiisa sa sama-samang pananalangin at pasasalamat.

Maraming salamat po.

๐Ÿ™ ๐—–๐—ข๐—ก๐—–๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ง๐—˜๐—— ๐—™๐—œ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—” ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐Ÿ™๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - Sa rurok ng ating pagdiriwang, sama-sama nating ipinagdiwang ang Concelebrat...
03/05/2026

๐Ÿ™ ๐—–๐—ข๐—ก๐—–๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ง๐—˜๐—— ๐—™๐—œ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—” ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐Ÿ™

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - Sa rurok ng ating pagdiriwang, sama-sama nating ipinagdiwang ang Concelebrated Fiesta Mass bilang pasasalamat sa Diyos sa biyaya ng ๐—๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฏ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜‡๐—ถ๐—ผ๐˜€๐—ถ.

Sa pangunguna ni ๐— ๐—ผ๐˜€๐˜ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—ฅ๐—ฒ๐˜†๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ผ ๐—š. ๐—˜๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ, ๐——.๐——., Obispo ng Imus, kaisa ang mga ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฎ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†, mga pari mula sa ๐—ข๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€ (๐—ข๐—”๐—ฅ), at ng ๐— ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ข๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€, ang Banal na Misa ay naging makapangyarihang tanda ng ating pagkakaisa bilang isang Simbahanโ€”nagpapasalamat, nananalig, at patuloy na umaasa sa kagalingang hatid ng Diyos.

Sa gitna ng ating pagdiriwang, ipinagkaloob din sa atin ang biyaya ng ๐—ฃ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—น๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, na nag-anyaya sa bawat isa sa mas malalim na pagbabalik-loob at panibagong buhay espiritwal.

Nawaโ€™y ang biyayang ating tinanggap sa Eukaristiya ay magpatuloy sa ating pang-araw-araw na buhay, upang tayo rin ay maging daluyan ng pag-asa at kagalingan sa ating kapwa.

๐Ÿ™ ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ท๐’†๐’“๐’†๐’ˆ๐’“๐’Š๐’๐’ ๐‘ณ๐’‚๐’›๐’Š๐’๐’”๐’Š, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.





๐Ÿ™ ๐— ๐—˜๐——๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿ™๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - Bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng Fiesta Peregrino 2026 at Jubilee Year, mata...
03/05/2026

๐Ÿ™ ๐— ๐—˜๐——๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿ™

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - Bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng Fiesta Peregrino 2026 at Jubilee Year, matagumpay na naisagawa ang ating Medical Mission, kung saan umabot sa halos 200 benepisyaryo ang nakinabang sa libreng serbisyong medikalโ€”kabilang ang medical consultation, ECG, X-ray, at Operation Tuli.

Ang gawaing ito ay naging posible sa tulong at pakikiisa ng Southern Tagalog Regional Hospital, sa pamumuno nina Dr. Ruby Ephraim Rubiano at Dr. Eliseo Sabal, Jr., gayundin ng City Government of Cavite at Cavite City Health Office, sa pangunguna nina Mayor Denver Chua, Vice Mayor Raleigh Grepo Rusit, at Dr. Jerome Morada.

Isinagawa ang nasabing aktibidad sa Cavite City MedCare Mega Health Center, kung saan naipadama ang tunay na diwa ng malasakit at paglilingkod sa kapwa.

Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, patuloy nating isinasabuhay ang mensahe ni San Peregrino Laziosi bilang โ€œLarawan ng Kagalinganโ€โ€”na ang pananampalataya ay nakikita sa ating pagkalinga sa mga nangangailangan.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng misyong ito!

๐Ÿ™ ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ท๐’†๐’“๐’†๐’ˆ๐’“๐’Š๐’๐’ ๐‘ณ๐’‚๐’›๐’Š๐’๐’”๐’Š, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.





๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜ ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ฆ๐——๐—”๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - Bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng Fiesta Peregrino 2026 at J...
03/05/2026

๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜ ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ฆ๐——๐—”

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - Bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng Fiesta Peregrino 2026 at Jubilee Year, isinagawa ang pamamahagi ng bigas para sa ating mga kapatid na mangingisdaโ€”isang simpleng handog ng pagmamalasakit at pakikiisa.

Sa tulong ng ating mga donors at volunteers, umabot sa halos 500 benepisyaryo ang nakatanggap ng bigas para sa kani-kanilang pamilyaโ€”isang munting ginhawa sa gitna ng kasalukuyang krisis na kinakaharap ng marami sa ating mga kababayan.

Nawaโ€™y magsilbi itong paalala na ang ating pananampalataya ay hindi lamang ipinagdiriwang, kundi isinasabuhay sa pamamagitan ng malasakit at pagtulong sa kapwa.

๐Ÿ™ ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ท๐’†๐’“๐’†๐’ˆ๐’“๐’Š๐’๐’ ๐‘ณ๐’‚๐’›๐’Š๐’๐’”๐’Š, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Šโ€”๐’๐’‚๐’๐’ ๐’๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’Š๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’”๐’‚.





๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ & ๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—ก ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—–๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—กBilang pagtatapos ng ating ๐—™๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa i...
03/05/2026

๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ & ๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—ก ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—–๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก

Bilang pagtatapos ng ating ๐—™๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isang makabuluhang gabi ng panalangin, pasasalamat, at debosyon.

๐Ÿ“… Mayo 3, 2026 (Linggo)
๐Ÿ•• 6:00 PM โ€“ Healing Mass
๐Ÿ•– 7:00 PM โ€“ Solemn Procession

Sa ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ, sama-sama nating ipagkatiwala sa Diyos ang ating mga pangangailangan at maranasan ang Kanyang kagalinganโ€”sa katawan, isip, at kaluluwa. Susundan ito ng ๐—ฆ๐—ผ๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป bilang huling bahagi ng ating pagdiriwang ng kapistahan, isang makapangyarihang tanda ng ating buhay na pananampalataya at debosyon kay San Peregrino Laziosi.

Bagama't ito ang pagtatapos ng ating kapistahan, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ฒ ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€”isang paanyaya sa lahat na lalong mapalalim ang pananampalataya at makibahagi sa buhay ng ating parokya.

Halinaโ€™t sama-sama nating ipagdiwang ang ating pananampalataya at ipagkatiwala ang ating sarili sa Diyos.

๐Ÿ™ ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ท๐’†๐’“๐’†๐’ˆ๐’“๐’Š๐’๐’ ๐‘ณ๐’‚๐’›๐’Š๐’๐’”๐’Š, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š.






02/05/2026

Misa Concelebrada sa Kapistahan ni San Peregrino Laziosi
Mayo 2, 2026 (Sabado)

Punong Tagapagdiwang:

Most Rev. Reynaldo G. Evangelista, D.D.
Obispo ng Imus

Address

Ejercito Street , Brgy. 16-Martinez, Sta Cruz, Cavite City
Cavite
4100

Opening Hours

Tuesday 8:30am - 12pm
2:30pm - 5pm
Wednesday 8:30am - 12pm
2:30pm - 5pm
Thursday 8:30am - 12pm
2:30pm - 5pm
Friday 8:30am - 12pm
2:30pm - 5pm
Saturday 8:30am - 12pm
2:30pm - 5pm
Sunday 8:30am - 12pm

Telephone

+639979101908

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Peregrine Laziosi Church - Sta. Cruz, Cavite City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Peregrine Laziosi Church - Sta. Cruz, Cavite City:

Share