14/08/2026
๐๐๐-๐๐๐๐๐ | ๐ฏ๐๐๐ ๐ผ๐ ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ถ๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐
Taos-puso naming ibinabahagi sa lahat ang naging bunga ng ating ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐๐บ๐ฎ๐ ๐๐๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฎ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฐ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ noong nakaraang taon, kung saan tayo ay nagbenta ng mga parol. Ang mga nalikom mula sa gawaing ito ay inilaan para sa pagsasaayos at pagpapatibay ng tore ng ating simbahan upang higit itong maging ligtas at matatag, lalo na sa panahon ng sakuna tulad ng lindol.
Ang tinatayang halaga para sa pagsasaayos ng tore ay โฑ๐ฏ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ.๐ฌ๐ฌ. Sa kasalukuyan, ๐ฐ.๐ณ๐ฎ% na ng kabuuang halaga ang ating nalilikom.
๐ก๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐๐ธ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ:
โข โฑ ๐ฎ๐ฏ๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ.๐ฌ๐ฌ โ Pinagsamang kabuuang halaga ng mga naibentang parol at cash donations
โข โฑ ๐ด๐ด,๐ฐ๐ด๐ฎ.๐ฒ๐ฑ โ Halagang ginastos para sa pagpapatayo ng Christmas Tree, puhunan sa mga parol, at iba pang pandekorasyon sa simbahan
โข โฑ ๐ญ๐ฐ๐ญ,๐ฑ๐ญ๐ณ.๐ฏ๐ฑ โ Natitirang halaga mula sa kinita sa fundraising activity at mga natanggap na donasyon
โข โฑ ๐ฎ,๐ด๐ฑ๐ด,๐ฐ๐ด๐ฎ.๐ฒ๐ฑ โ Halagang kinakailangan pang malikom upang maabot ang kabuuang โฑ 3,000,000.00
Bagamaโt malayo pa ang ating layunin, naniniwala kami na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maliit man o malaki ang bawat ambag, unti-unti nating maaabot ang hangarin para sa ating simbahan.
Muli, maraming maraming salamat sa lahat ng bumili ng parol, nagbigay ng donasyon, nagbahagi ng tulong, at patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa mga gawain ng ating parokya.
Patuloy nating isulong ang mga gawaing naglalayong ayusin, pagandahin, at higit sa lahat, patatagin at gawing ligtas ang ating simbahan para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang salinlahi.