09/05/2026
Sa lahat ng mga Ina,
— salamat sa pagmamahal na hindi napapagod, sa panalanging hindi tumitigil, at sa pusong laging handang magsakripisyo para sa pamilya.
Kayo ang unang tahanan ng pag-ibig, unang g**o ng pananampalataya, at tahimik na lakas ng bawat tahanan. Kahit minsan kayo’y napapagod, nasasaktan, o hindi napapansin — alam ng Diyos ang bawat luha at sakripisyong inyong inialay.
Ngayong Mother’s Day, ipinagdiriwang namin hindi lamang ang inyong ginagawa, kundi ang kabutihan ng inyong puso.
Maraming salamat sa pagiging ilaw, gabay, at pagpapala sa aming buhay.
“Nagsisitindig ang kaniyang mga anak at siya’y tinatawag na mapalad.” — Kawikaan 31:28
Maligayang Araw ng mga Ina!
Mahal namin kayo at tunay kayong biyaya ng Panginoon. 💐