𝕁 𝕦 𝕤 𝕥 𝕚 𝕟 𝕔 𝕒 𝕤 𝕖

𝕁 𝕦 𝕤 𝕥   𝕚 𝕟   𝕔 𝕒 𝕤 𝕖 Daily Encouragement

15/05/2020
10/05/2020

"Storm of Life"

Sino dito ang madaming madami ang pinagdaraanan sa buhay? yong tipong mapapatanong ka na "Bat Lord ganito nangyayari?" "Lord bat parang pinapahirapan mo ako, napakadami kong problema?" at sino naman dito yong tipong may Faith naman siya, pero pag dating ng pagsubok, wala nang Faith kay Lord? Tipong worried na Worries sa problema niya, tipong hindi na nagbabasa, hindi na nag aattend, hindi na nagdadasal? At sino naman dito yong Nag isip na nang mga bagay na pagpapakamatay dahil sa Problema? Tipong susugatin mo yong kamay mo, or minsan, napapaisip kana na "Sana mamatay na ako" or minsan "Sana di nalang ako nabuhay".
Maraming katanungan sa buhay natin na hindi natin masasagot na kagaya ng "Lord bakit sa kinadami dami nang matatamaan nang skit bakot nanay ko pa?" o "Lord bakit madami namang masasama diyan na hindi sumusunod sayo,bat ako pa yong kailangan dumanas ng ganitong Paghihirap?" yan ang mga uri ng pagsubok na hindi natin masagot.

Lahat tayo dumanas nang ganiyan na sitwasiyon sa buhay.

Matthew 7: 24. Therefore whosoever heareth these sayings of mine, and doeth them, I will liken him unto a wise man, which built his house upon a rock: 25. And the rain descended, and the floods came, and the winds blew, and beat upon that house; and it fell not: for it was founded upon a rock. 26. And every one that heareth these sayings of mine, and doeth them not, shall be likened unto a foolish man, which built his house upon the sand: 27. And the rain descended, and the floods came, and the winds blew, and beat upon that house; and it fell: and great was the fall of it.

Insight:
Maydalawang uri ng Tao ang sumusunod sa Diyos.

1. Patuloy na sumusunod dahil may Blessing na natatanggap.
2. Sumuaunod kasi Kailangan niya si Lord sa buhay niya.

So saan ka diyan?
Marami sa atin ang sinusubok ng Diyos na dumaan sa mga mabibigat na pagsubok yong tipong Sobrang bigat, sobrang hirap, sobrang sakit.
Pero alam mo, Ang Diyos ay gusto niya lang tayong Icheck kung ano talaga yong Motibo natin kung bakit tayo nagpapatuloy sa kaniya na sumunod, kasi baka yong Faith na Meron ka ay dahil sa Blesing na natatanggap mo lang na kapag nagkaroon ka nang Pagsubok ay ayaw mo na ulit magpatuloy. Anong sabi ni Lord don sa mga tao na sumusunod sa Kaniya na pinakain niya na Libo libo? sabi ni Lord Jesus, "Sumusunod lamang ba kayo dahil nakatanggap kayo ng pagkain mula sa akin?" kapatid, yong mga Salita niya dapat gawin nating Practice yon para di tayo matinag sa gitna nang pagsubok na meron tayo, dahil pag hindi natin yon nagawa o nasusunod,atutulog lang tayo sa mga Tahanan na pinatayo na may mahihinang pundasiyon na tipong pagdumating nag bagyo ay madaling masira o magiba, Pero pag pinanghahawakan natin yong salita niya ay hindi tayo magigiva tulad ng Bahay na ang pindasiyon ay Bato, Diba kapag may mga bahay tayo na pinapatayo na gawa sa kahoy, yong lupa sinisingitan natin ng Mga bato sa poste na yon para pampatibay sa poste na yon, Ganun naman din sa pagsubok na meron tayo na kapag pinanghahawakan natin yong WORD ni Lord. Pag ganun yong palagi nating ginagawa wala yong tanong na mabubuo na tulad nang "Lord bakit ganito yong situation ng buhay ko, parang lapitin ako ng mahihirap na problema?" "Lord bakit hate ako nang marami" Wala ang mga yan, walang mga tanong na magdudulot ng pagkaka stress mo. Alam mo ba yong mga sinapit ng Disciples ni Lord? Diba tinugis sila at pinatay, Nag Complain ba Sila kay Lord? diba hindi? Nag stand Firm sila don sa Faith nila, Pero tayo, bat parang ganito palang problema nagmumuryot na tayo, bat prang di ka lang nagkaroon ng ayuda eh halos magalit kana, porket di ka lang nabigyan ng Relief Goods eh nangiinit na ulo mo.
Ang gusto ko lang sabihin ay, kapag may pagsubok tayo, wag k agad susuko, magpatuloy ka lang, di ko kailangan mag complain, ang Kailangan mo, Magtiwala, kasi ang Diyos ay kumikilos, nasa kaniya yong sagot sa mga katanungan natin. At kaya tayo may pagsubok sa buhay ay para Matest yong Motive natin kung totoo tayong sumusod sa Diyos, Lahat tayo, Walang Excempted.

Question/s:
1. Aayaw kana ba dahil marami kanang problema?
2. Mas patatatagin mo pa ba ang Pananampalataya mo dahil kailangan mo ang Diyos?

Kapatid, KEEP TRUSTING GOD.
Yon lang Ang Gusto ni Lord sa tuwing may Pagsubok tayo.

Have a Blessed Sunday.

"I just can not imagine my life without you"Marami na siguro sa atin ang nagsabi sa taong Mahal niya na "Hindi ko kayang...
07/05/2020

"I just can not imagine my life without you"

Marami na siguro sa atin ang nagsabi sa taong Mahal niya na "Hindi ko kayang wala ka sa buhay ko"

yong iba

"Ibibigay ko ang lahat basta wag mo lang akong Iwan"

Mahirap o napakasakit sa pakiramdam yong iwan tayo, yong tipong yong mahal mo ay hindi ka nagawang ipaglaban tulad ng paglaban mo.

pero alam mo ba, na si Lord, ay hindi ka niya tinalikuran kahit na madami kang nagawang pagkakasala. Nakabukas parin ang kaniyang mga palad ipang ikaw ay tanggapin.

"Isaiah 65: 2. I have spread out my hands all the day unto a rebellious people, which walketh in a way that was not good, after their own thoughts;"

Oo, kapatid, kung inaakala mong iniwan ka na nang lahat, nagkakamali ka, Nariyan ang Diyos, hinihintay ka niyang bumalik sa kaniya.

At alam mo ba na, wala tayong silbi kapag wala rin tayong Diyos sa Buhay. isa lamang tayong patapon kapag walang Diyos sa buhay natin.

In "John 15: 5. I am the vine, ye are the branches: He that abideth in me, and I in him, the same bringeth forth much fruit: for without me ye can do nothing."

Yan ang tunay na "I JUST CAN NOT IMAGINE MY LIFE WOTHOUT YOU"

Ano pa tayo kung wala rin ang Diyos.

07/05/2020

Boring ang ECQ mo kung Walang Diyos sa Buhay mo.

07/05/2020

Ang Problema natin ay magiging Kwenta mo nalang yan sa darating na panahon

Address

Cauayan
3305

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 𝕁 𝕦 𝕤 𝕥 𝕚 𝕟 𝕔 𝕒 𝕤 𝕖 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share