02/08/2022
(Paalala Sa Mga Musikero Ng Iglesia)
Excited kang pumunta sa church on Saturday night.
Pinag-pray mo ang songs and line-up with all your might.
Inabot kayo ng 10pm sa practice para gawin ang dapat.
Pero acapella the next morning dahil late silang lahat.
Pagdating sa church ng mga singer at musician,
Magtotono ng instruments, mga kurdon magsasaksakan.
Distracting ang feedback pero wala silang pakialam.
Walang devotion, walang prayer β¦ nakalulungkot naman!
Pagkatapos magtugtugan, sabay-sabay maglalabasan.
Sa likod kakain, tatambay, magkukwentuhan.
Habang labas-litid na nangangaral si pastor sa unahan,
May sarili silang preacher na bumabangka sa tawanan.
'Pag tapos na ang sermon, dire-diretso sa altar.
Hahawak ng instrumento at mikropono. (Kaasar!)
Kapag hindi trip ang pinaawit, magpapakita ng kawalang-gana.
Pero 'pag maganda ang response, bigay na bigay naman sila.
'Wag sanang sumama ang loob sa ganitong mga paalala.
Nais ko lamang ipahatid ang mensaheng mahalaga.
Na ang bawat pagtugtog at pag-awit mo sa iglesia
Ay hindi tungkol sa 'yo kundi para lamang sa Kanya!
Pinagpala ka ng talento, hindi upang magyabang.
Lalong hindi para magpasikat o kaya'y magpagalingan.
Relasyon sana sa Panginoon ang una mong pagtuunan.
At natural na dadaloy ang pagsamba sa Kanyang ngalan.
Ang mapabilang sa Music Team ay malaking karangalan.
Isang pribilehiyo ang gumanap sa ganitong ministry at larangan.
Pero kung Dios ang naglagay sa iyo para gamitin sa simbahan.
Realize na Siya rin ang mag-aalis upang ikaw ay palitan.
Remember that you are not called to be a men-pleaser.
Instead, you should desire to be His true worshipper.
Your main job is to do all things for God's glory.
To serve Him with gladness whole-heartedly.