VerseFuel

Directions

VerseFuel VerseFuel: Daily nourishment through God's Word. Simple Bible verses with practical reflections strengthen your walk with Christ.

Fuel your faith everyday.

ANG REKLAMO AY PUMAPATAY SA KAGALAKAN. kapag nagrereklamo tayo, akala natin wala lang. Normal lang. Karapatan natin. Ngu...
14/09/2026

ANG REKLAMO AY PUMAPATAY SA KAGALAKAN.

kapag nagrereklamo tayo, akala natin wala lang. Normal lang. Karapatan natin. Ngunit may nangyayari sa loob natin na hindi natin napapansin:

Nawawala ang kagalakan. Nawawala ang liwanag. Nawawala ang pasasalamat.

1 Mga Taga-Tesalonica 5:16-18 ASD

"[16] Palagi kayong magalak, [17] palaging manalangin, [18] at magpasalamat kayo sa lahat ng pagkakataon, dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo na mga nakay Kristo Hesus."

"Sa lahat ng pagkakataon."
Hindi sinabi: "Magpasalamat ka kapag maganda ang buhay."
Hindi sinabi: "Magpasalamat ka kapag sagana ka."
Sinabi: "Sa lahat ng pagkakataon."

· May trabaho? Magpasalamat ka.
· May sasakyan? Magpasalamat ka.
· May anak? Magpasalamat ka.
· May buhay? Magpasalamat ka.

ANG PANAHONG INIREREKLAMO MO NGAYON, IYON ANG IPINANALANGIN MO KAHAPON

· Nung wala kang trabaho—nanalangin ka.
· Ngayon may trabaho ka—nagrereklamo ka sa pagod.
· Nung wala kang anak—nanalangin ka.
· Ngayon may anak ka—nagrereklamo ka sa ingay.
· Nung wala kang sasakyan—nanalangin ka.
· Ngayon may sasakyan ka—nagrereklamo ka sa traffic.

Ang reklamo ay nagpapakita ng pusong nakalimot.

Mga Taga-Filipos 2:14-15 ASD

"[14] Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, [15] upang maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng suwail at baluktot na henerasyon. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila"

Bakit? Dahil ang reklamo ay:

· Pumapatay sa kagalakan. Hindi mo na eenjoy ang biyaya dahil hinahanap mo ang wala pa.
· Nagtuturo sa iba ng maling pananaw. Nakikita nila ang Diyos sa iyo, ayon sa iyong mga salita.
· Nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat. At ang kawalan ng pasasalamat ay nagpapakita ng pusong hindi nakatuon kay Jesus.

HINDI MALI ANG MANGARAP. HINDI MALI ANG MAGSUMIKAP.

Pwede kang mangarap ng mas malaki. Pwede kang magsumikap para sa mas magandang buhay. Pwede kang umasam ng mas mataas na sahod, mas malaking negosyo, mas magandang kinabukasan.

Ngunit huwag mong kalimutan ang pasasalamat habang naglalakbay.

· Mangarap ka—ngunit magpasalamat ka sa nasa iyo ngayon.
· Magsumikap ka—ngunit huwag mong kalimutan ang Diyos na nagbibigay ng lakas.
· Umasam ka ng mas mataas—ngunit huwag mong ipagwalang-bahala ang nasa ibaba.

"6 Ngunit ang pagsamba sa Diyos na may kasiyahan ay malaking pakinabang. 7 Ito ay sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan. Maliwanag na wala tayong madadalang anuman mula rito. 8 Kung tayo ay may pagkain at pananamit, masiyahan na tayo sa mga ito." — 1 Timoteo 6:6-8 (SND)

ANG PASASALAMAT AY PAGPILI

Hindi laging madali ang magpasalamat. Minsan, kailangan mong piliin itong gawin, kahit hindi mo nararamdaman.

· Magpasalamat ka—kahit hindi pa sagana.
· Magpasalamat ka—kahit may sakit.
· Magpasalamat ka—kahit mahirap.
· Magpasalamat ka—kahit hindi mo maintindihan.

"Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo."

Ito ang kalooban ng Diyos, ang magpasalamat.

ANG REKLAMO AY KABALIGTARAN NG PASASALAMAT

Ang pasasalamat ay nagsasabi: "Sapat ang Diyos. Mabuti ang Diyos."
Ang reklamo ay nagsasabi: "Kulang ang Diyos. Hindi mabuti ang Diyos."

Hindi sila maaaring magkasama sa iisang puso.

Kaya ngayon, pumili ka.

· Pumili kang magpasalamat.
· Pumili kang magalak.
· Pumili kang makita ang Diyos sa gitna ng lahat.

Dahil ang reklamo ay pumapatay sa kagalakan ngunit ang pasasalamat ay nagbibigay-buhay.

Amen.
VerseFuel

:18 :14

IGNORING THE HOLY SPIRIT IS IGNORING GOD'S PRESENCEMaraming Kristiyano ang naniniwala sa Diyos Ama, mahal si Jesus, pero...
09/09/2026

IGNORING THE HOLY SPIRIT IS IGNORING GOD'S PRESENCE

Maraming Kristiyano ang naniniwala sa Diyos Ama, mahal si Jesus, pero hindi pinapansin ang Banal na Espiritu.

Parang may tatlong upuan:

· Puno: Diyos Ama
· Gitna: Diyos Anak (Jesus)
· Dulo: Diyos Espiritu Santo

Parang okay na yung dalawa, pero yung pangatlo, nakalimutan.

Pero narito ang katotohanan: ang Banal na Espiritu ay hindi lamang "isang bahagi" ng Diyos. Siya ang mismong presensya ng Diyos na nananahan sa atin.

SINO ANG BANAL NA ESPIRITU?

Siya ang ikatlong Persona ng Diyos.
hindi isang puwersa, hindi isang impluwensya, kundi isang Persona na may damdamin, kalooban, at layunin.

Siya ay Diyos. Kasama Niya ang Ama at ang Anak mula pa noong una. At nang umakyat si Jesus sa langit, Siya ang ipinadala upang manatili sa atin (Juan 14:26).

· Siya ang Tagatulong (Comforter, Helper)
· Siya ang Tagapagturo ng katotohanan (Guide into all truth)
· Siya ang tatak ng Diyos sa atin (Seal of God)

ANO ANG GINAGAWA NIYA PARA SA ATIN?

1. Binibigyan Niya tayo ng bagong buhay.
Sa pamamagitan ng Espiritu, tayo ay binubuhay mula sa espirituwal na kamatayan (Tito 3:5). Hindi tayo makakalapit sa Diyos kung hindi Siya ang kumikilos sa atin.

2. Tinitiyak Niya na tayo ay mga anak ng Diyos.

"Ang Espiritu ang siyang nagpapatotoo, Kasama ng ating Espiritu, na tayo ay mga anak ng Diyos." — Roma 8:16 (SND)

Kapag nagdududa ka kung mahal ka ng Diyos, ang Espiritu ang nagpapaalala: "Anak ka. Tinanggap ka."

3. Tinutulungan Niya tayong manalangin.
May mga panahong hindi mo alam kung ano ang sasabihin sa Diyos. Ngunit ang Espiritu ang siyang sumasamo para sa atin (Roma 8:26). Siya ang nagbibigay ng mga salita, kahit mga halinghing lamang.

4. Binibigyan Niya tayo ng kapangyarihan.

"Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu ay tatanggap kayo ng kapangyarihan; at kayoʼy magiging saksi ko na magpapahayag ng mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kasuluksulukang bahagi ng daigdig.” — Gawa 1:8 (ASD)

Hindi mo kailangan ng sariling lakas upang maglingkod, magpatotoo, o lumaban sa kasalanan. Ang Espiritu ang nagbibigay ng lakas.

5. Binabago Niya ang ating pagkatao.

"Mga Taga-Galacia 5:22-23 ASD
[22] Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. " — Galacia 5:22-23 (ASD)

Hindi ito mga bagay na kaya mong gawin sa sarili mong sikap, ito ay bunga ng Espiritu na gumagawa sa iyo.

6. Binibigyan Niya tayo ng mga kaloob para sa kapwa.
Ang Espiritu ay nagbibigay ng iba't ibang kaloob sa bawat mananampalataya. pagtuturo, pagpapagaling, pananampalataya, at iba pa. upang mapatibay ang katawan ni Cristo (1 Corinto 12:7-11).

7. Tinitiyak Niya ang ating kaligtasan.

"Nang kayo'y manampalataya, kayo'y tinatakan ng Espiritu na ipinangako. na siyang katiyakan ng ating mana." — Efeso 1:13-14

Ang Espiritu ay ang garantiya na ang kaligtasan mo ay hindi mawawala.

BAKIT HINDI NATIN DAPAT IIGNORE ANG ESPIRITU?

1. Ang pagwawalang-bahala sa Kanya ay pagwawalang-bahala sa Diyos.

"Huwag ninyong papatayin ang Espiritu." — 1 Tesalonica 5:19

Ang salitang "papatayin" ay nangangahulugang pawiin, supilin, o huwag pansinin. Kapag hindi tayo nakikinig sa Kanya, pinipigilan natin ang Kanyang gawain sa ating buhay. Hindi Siya umaalis—ngunit ang Kanyang impluwensya ay nababawasan.

2. Nasasaktan natin Siya.

"Huwag ninyong bigyang-lungkot ang Banal na Espiritu ng Diyos." — Efeso 4:30

Siya ay isang Person.
may damdamin Siya. Ang pagwawalang-bahala sa Kanya ay hindi pagwawalang-bahala sa isang "bagay". ito ay pagwawalang-bahala sa isang taong nagmamahal sa iyo.

3. Nawawalan tayo ng patnubay.
Kapag hindi natin pinapansin ang Kanyang bulong, tayo ay nagiging bulag sa Kanyang patnubay. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng Diyos. dahil hindi tayo nakikinig sa Kanyang tinig.

4. Lumalayo tayo sa Kanya.
Hindi ka Niya iiwan. Ngunit kung patuloy mong binalewala ang Kanyang tinig. Ikaw ang lumalayo.

PAANO MO MALALAMAN NA INIIGNORE MO ANG ESPIRITU?

Kapag:

· Nakakarinig ka ng bulong na magpatawad—ngunit hindi mo ginawa.
· Nakakaramdam ka ng tawag na tumulong—ngunit hindi ka kumilos.
· Nakakaalam kang may mali sa ginagawa mo—ngunit pinili mong ipagpatuloy.
· May pagkakataong magsalita ng katotohanan—ngunit tumahimik ka.

Iyon ang Espiritu na nagsasalita.
at ikaw ang hindi nakikinig.

ANG MAGANDANG BALITA:

Hindi ka Niya iiwan. Ngunit kung patuloy mong binalewala. ikaw ang lumalayo.

"Ngunit ang Kaaliwan, ang Banal na Espiritu, na susuguin ng Ama sa Aking pangalan, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay." — Juan 14:26

Kaya ngayon.
makipag-ugnayan ka sa Kanya.

· Pakinggan mo ang Kanyang bulong.
· Sundin mo ang Kanyang patnubay.
· Igalang mo ang Kanyang presensya.

Dahil ang Espiritu ay hindi lamang "isang bahagi" ng Diyos.
Siya ang mismong presensya ng Dyos sa iyo.

Amen.
VerseFuel

ANG TAGUMPAY MO AY PANGARAP NG IBA.Tayong mga tao, mahilig tayo sa reklamo.· Nagreklamo sa traffic - kasi may sasakyan.·...
25/08/2026

ANG TAGUMPAY MO AY PANGARAP NG IBA.

Tayong mga tao, mahilig tayo sa reklamo.

· Nagreklamo sa traffic - kasi may sasakyan.
· Nagreklamo sa paghuhugas ng pinggan - kasi may makain.
· Nagreklamo sa makalat na bahay - kasi may anak.
· Nagreklamo sa trabaho - kasi may trabaho.

Mag-ingat tayo sa mga ginagawa natin.

Ang naabot natin ay pangarap lang ng iba.
May reklamo ka na cheap ang sapatos mo, pero ang iba, putol ang paa.
May reklamo ka na puro instant noodles ang kinakain, pero ang iba, walang makain.

1 Mga Taga-Tesalonica 5:18 ASD
"At magpasalamat kayo sa lahat ng pagkakataon, dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo na mga nakay Kristo Hesus."

"Sa lahat ng pagkakataon."
Hindi sinabi: "Magpasalamat ka kapag maganda ang buhay."
Hindi sinabi: "Magpasalamat ka kapag nakuha mo na ang gusto mo."
Sinabi: "Sa lahat ng pagkakataon."

· May traffic? Magpasalamat - may sasakyan ka.
· May hugasin? Magpasalamat - may nakain kayo.
· May anak kang makulit? Magpasalamat - may anak ka.
· May trabaho kang nakakapagod? Magpasalamat - may trabaho ka.

1 Kay Timoteo 6:6-8
"Ngunit ang pagsamba sa Diyos na may kasiyahan ay malaking pakinabang. Ito ay sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan. Maliwanag na wala tayong madadalang anuman mula rito. Kung tayo ay may pagkain at pananamit, masiyahan na tayo sa mga ito."

Ang pagkakontento ay hindi tungkol sa dami ng meron ka.
Ito ay tungkol sa pagiging payapa sa kung ano ang ibinigay sa iyo.

· Hindi mo kailangan ng sobra para maging masaya.
· Hindi mo kailangan ng pera ng iba para maging kontento.
· Ang kailangan mo—magtiwala sa Diyos na nagbibigay ng sapat.

NAPANSDIN MO BA?

Kapag wala pa tayo,
hinihiling natin.
Kapag nandiyan na,
nagrereklamo tayo.

· Nung wala kang trabaho, sinabi mo: "Lord, bigyan Mo ako ng trabaho."
· Nung binigyan ka, sinabi mo: "Ang baba naman ng sahod."
· Nung wala kang sasakyan, sinabi mo: "Lord, sana magkaroon ako."
· Nung nagkaroon ka, sinabi mo: "Ang traffic naman."

Huwag nating ipagwalang-bala ang biyaya ng Diyos.

Ang tagumpay mo ngayon - pangarap ng iba.
Ang trabaho mo - inaasam ng iba.
Ang pamilya mo - hinihiling ng iba.
Ang kalusugan mo - pinagdarasal ng iba.

KAYA NGAYON

Bago ka magreklamo, huminto ka muna.
Tumingin ka sa paligid.
At magpasalamat ka.

· Salamat sa pagkain - kahit hindi kalakihan.
· Salamat sa trabaho - kahit nakakapagod.
· Salamat sa pamilya - kahit makulit.
· Salamat sa buhay - kahit hindi perpekto.

Dahil ang lahat ng ito ay biyaya,
at hindi mo ito dapat ipagwalang-bala.
Ang pagkakontento ay kapatid ng pasasalamat. Kay maging mapagpasalamat tayo sa Panginoon.

Amen.
VerseFuel

:18

SINO ANG DIYOS?AT PAANO SIYA NAGING MAKATARUNGAN AT MAPAGMAHAL?isa ito sa pinakamalalim na tanong na maaari nating itano...
21/08/2026

SINO ANG DIYOS?
AT PAANO SIYA NAGING MAKATARUNGAN AT MAPAGMAHAL?

isa ito sa pinakamalalim na tanong na maaari nating itanong:

"Kung ang Diyos ay makatarungan, paano Siya naging mapagmahal? At kung Siya ay mapagmahal, paano Siya naging makatarungan?"

Parang magkasalungat, di ba?

· Katarungan — parusa sa nagkasala.
· Pag-ibig — awa sa makasalanan.

Paano nagkasya ang dalawa sa iisang Diyos?

Ang sagot: Sa KRUS.

1 John 4:8 ESV

"Anyone who does not love does not know God, because God is love."

Ang Diyos ay hindi lamang "nagmamahal", Siya mismo ay pag-ibig. Ito ang Kanyang kalikasan. Hindi Siya nagmamahal dahil kailangan Niya. nagmamahal Siya dahil iyon Siya.

Ngunit ang Diyos ay hindi lamang pag-ibig,
Siya rin ay banal at makatarungan.

Mga Taga-Roma 3:23-26 MBBTAG12

[23] sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. [24] Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob na walang bayad niyang ibinigay, sila ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila. [25] Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya'y matuwid, sapagkat noong unang panahon ay nagtimpi siya at pinagtiisan ang mga kasalanang nagawa ng mga tao. [26] Ngunit ngayon ay ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at itinuturing niyang matuwid ang mga sumasampalataya kay Jesus."

Dito natin nakikita:

1. Ang Diyos ay matuwid — hindi Niya kayang balewalain ang kasalanan.
2. Ang Diyos ay mapagmahal — Siya mismo ang nagbigay ng paraan upang tayo ay mapatawad.
3. Ang Diyos ay makatarungan — ang kasalanan ay pinarusahan kay Jesus.
4. Ang Diyos ay biyaya — tayo ay pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya.

Hindi binawasan ng Diyos ang Kanyang katarungan upang magpakita ng pag-ibig. At hindi Niya binawasan ang Kanyang pag-ibig upang magpakita ng katarungan. Pareho silang ganap sa krus.

PAANO ITO IPINALIWANAG?

Ang Diyos ay tulad ng isang hukom na mahal ang kanyang anak.

Isipin mo:

· Ikaw ay isang hukom.
· Ang iyong anak ay nahatulan ng kamatayan.
· Bilang hukom, kailangan mong ipatupad ang batas kung hindi, hindi ka makatarungan.
· Ngunit bilang ama, mahal mo ang iyong anak at ayaw mong mamatay siya.

Ano ang gagawin mo?

Ang Diyos ang gumawa ng solusyon: Siya mismo ang nagbayad ng parusa. Hindi Niya binago ang batas, binayaran Niya ang ating kasalanan sa pamamagitan ni Jesus.

"Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. — Roma 6:23 (MBBTAG)

ANG MAGANDANG BALITA:

Hindi mo kailangang matakot sa katarungan ng Diyos.
dahil sa krus, Siya mismo ang nagdala ng parusa para sa iyo.

· Kung ikaw ay nagkasala—pinatawad ka na.
· Kung ikaw ay nagkukulang—tinanggap ka na.
· Kung ikaw ay natatakot—inalagaan ka na.

Ang katarungan at pag-ibig ng Diyos ay nagtagpo sa krus.
at doon ka iniligtas.

Amen.
VerseFuel

13/08/2026

Psalm 63:3 ESV
Because your steadfast love is better than life. My lips will praise you.

Ano ba Ang mas mahalaga sa atin? Life, health, fame, wealth, pangarap sa buhay o ano pa . Aanhin pa natin Ang lahat ng Yan kung wala sa atin Ang presence ni God . Si king David noong nasa wilderness sya ay mas pinili nya Ang presensya ng Dyos Kaysa sa kanyang buhay. E pipraise pa din nya Ang Dyos. Kaya Isa din tong verse na tumatak sa puso't isip ko. 🙏

13/08/2026
ONENESS O TRINITY - ALIN ANG TURO NG BIBLIA?may mga tanong na hindi natin maiiwasan, lalo na pagdating sa kalikasan ng D...
13/08/2026

ONENESS O TRINITY - ALIN ANG TURO NG BIBLIA?

may mga tanong na hindi natin maiiwasan, lalo na pagdating sa kalikasan ng Diyos.

· "Kung si Jesus ay Diyos, sino ang Kanyang pinagdasalan?"
· "Kung ang Ama at ang Anak ay iisa, bakit magkaiba Sila?"
· "Ang Diyos ba ay iisang Persona lamang, o tatlo?"

Hindi ito tungkol sa pagpili ng panig.
ito ay tungkol sa pag-unawa sa katotohanan ng Salita ng Diyos.

ANG TANONG NG MARAMI:

May mga nagsasabi na si Jesus ay ang Ama rin na ang Diyos ay iisang Persona lamang na nagpapakita sa iba't ibang anyo (Oneness/Modalismo).

Ngunit may mga talata sa Biblia na nagpapakita na may relasyon sa pagitan ng Ama at ng Anak na sila ay magkaibang Persona ngunit iisa sa diwa (Trinity).

Tingnan natin ang ilang halimbawa.

MATEO 3:16-17 ASD — Ang Binyag ni Jesus

"Pagkatapos niyang mabautismuhan, umahon si Hesus sa tubig. Sa sandaling iyon, nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na parang isang kalapating bumababa hanggang sa dumapo ito sa kanya.
At may boses na narinig mula sa langit na nagsasabing, “Ito ang minamahal kong Anak. Lubos ko siyang kinalulugdan.”

Pansinin: Sabay-sabay na lumitaw ang tatlo:

· Ang Ama — nagsalita mula sa langit
· Ang Anak — si Jesus na lumalabas mula sa tubig
· Ang Espiritu Santo — bumababa na tulad ng isang kalapati

Kung iisang Persona lamang ang Diyos, sino ang nagsalita mula sa langit? Sino ang bumaba? Hindi ito isang "mode" ng Diyos . ito ay tatlong magkakaibang Persona na sabay-sabay na kumikilos.

JUAN 17:5 SND — Ang Panalangin ni Jesus

"Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyong sarili ng kaluwalhatiang taglay ko nang kasama ka bago pa likhain ang sanlibutan."

Kung si Jesus ang Ama, bakit Siya nananalangin sa Ama? Bakit Niya sinabing "kasama Mo" kung Siya rin ang Ama? Hindi pwedeng "kasama" mo ang iyong sarili.

Ang salitang "kasama" ay nagpapakita ng relasyon sa pagitan ng dalawang magkaibang Persona.
ang Ama at ang Anak.

GAWA 7:55-56 MBBTAG— Si Esteban

"Ngunit si Esteban, na puspos ng Banal na Espiritu, ay tumingin nang mataman sa langit at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos, at si Jesus ay nakatayo sa kanan ng Diyos. At sinabi niya, 'Narito, nakikita ko ang langit na nabuksan at ang Anak ng Tao na nakatayo sa kanan ng Diyos.'"

Dito, si Esteban ay puspos ng Banal na Espiritu at nakita niya si Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos. hindi Siya ang Diyos Ama, kundi nakatayo Siya sa tabi Niya.

Kung iisang Persona lang ang Diyos, paano sila magkahiwalay na nakikita ni Esteban?

2 CORINTO 13:14 SND — Ang Pagpapala

"Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo, at ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu ang sumainyong lahat."

Ang Ama, Anak, at Espiritu Santo.
sabay-sabay na binanggit. Hindi bilang tatlong Diyos, kundi bilang tatlong Persona ng iisang Diyos.

PAANO ITO NAUNAWAAN?

Ang Diyos ay iisa sa pagkatao (essence) ngunit tatlo sa Persona.

· Hindi ito nangangahulugang tatlong Diyos — kundi iisa ang kanilang diwa.
· Hindi ito nangangahulugang isang Persona — kundi tatlo sila sa relasyon.

Ito ay isang misteryo na hindi natin lubos na mauunawaan, ngunit ito ang itinuturo ng Kasulatan.

BAKIT MAHALAGA ITO?

1. Para sa ating kaligtasan.
Kung si Jesus ay hindi tunay na Diyos, hindi Siya makapagligtas. Kung Siya ay hindi tunay na tao, hindi Siya maaaring mamatay para sa atin.

2. Para sa ating relasyon sa Diyos.
Hindi tayo sumasamba sa isang malayong Diyos, kundi sa Ama na nagmamahal, sa Anak na nagligtas, at sa Espiritu na gumagabay.

3. Upang hindi tayo malinlang.
Si Satanas ay laging sinusubukang sirain ang pagkaunawa ng tao sa Diyos. Kung mali ang iyong pagkaunawa sa Diyos, mali rin ang iyong pagsamba.

ANG CONNECTION SA 666 - ISANG PAALALA

· Kapag tinanggihan mo ang Ama — ginagawa mong hari ang iyong sarili.
· Kapag tinanggihan mo ang Anak — sinusubukan mong iligtas ang iyong sarili.
· Kapag tinanggihan mo ang Espiritu Santo — ginagawa mong gabay ang iyong sarili.

Iyan ang 666 — ang tao na pumalit sa Diyos.

Ngunit ang Trinity ay ang kabaligtaran:

· Ang Ama ang tunay na Hari.
· Ang Anak ang tunay na Tagapagligtas.
· Ang Espiritu Santo ang tunay na Gabay.

Hindi tayo nilikha upang maging Diyos.
tayo ay nilikha upang maging Kanyang mga anak.

KAYA TANUNGIN MO ANG IYONG SARILI:

· Sino ang iyong sinasamba — ang Diyos ng Biblia (Ama, Anak, Espiritu), o isang Diyos na ginawa mo ayon sa iyong sariling pagkaunawa?

· Tinatanggap mo ba si Jesus bilang Anak ng Diyos, o bilang Ama lamang na nag-anyong tao?

· Handa ka bang tanggapin ang misteryo ng Trinity o pipiliin mo ang isang Diyos na mas madaling maunawaan?

Ang katotohanan ay hindi palaging madaling unawain. Ngunit ang katotohanan ay palaging nagpapalaya.

Amen.
VerseFuel

PAANO KA TALAGANG NALIGTAS?(The Golden Chain of Redemption)Naisip mo na bahindi aksidente ang pananampalataya mo?Hindi k...
04/08/2026

PAANO KA TALAGANG NALIGTAS?
(The Golden Chain of Redemption)

Naisip mo na ba
hindi aksidente ang pananampalataya mo?

Hindi ka naligtas dahil mas "mabuti" ka sa iba. Hindi dahil nag simba ka o nagdasal ka nang tama.

Mula simula hanggang dulo, gawa ito ng Diyos.

Sa teology, tinatawag itong Ordo Salutis (Order of Salvation). ang 6 na yugto ng kaligtasan na nakaplano na bago pa man likhain ang mundo.

Eto na ang pagkakasunod-sunod nito ayon sa Kasulatan:

1. ELECTION (Pagpili ng Diyos)

Bago ka pa man ipanganak, may plano at pagpili na ang Diyos sa Kanyang pag-ibig at biyaya.

"Bago pa man nya likhain Ang mundo, pinili na niya tayo kay Cristo upang maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. dahil sa pag-ibig nya." — Efeso 1:4 (ASD)

Hindi ka nagkataon lang. Pinili ka ng Diyos. hindi dahil sa kung sino ka, kundi dahil sa kung sino Siya.

2. CALLING & REGENERATION (Pagtawag at Bagong Buhay)

Dahil patay tayo dahil sa kasalanan, ang Espiritu Santo ang unang gumagalaw para palitan ang ating pusong bato at bigyan tayo ng bagong buhay-espiritwal.

"na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.) ." — Efeso 2:5

Hindi mo ginawa ang unang hakbang.
Siya ang gumawa nito para sa iyo.

3. CONVERSION (Pagsisisi at Pananampalataya)

Kapag binago na ng Diyos ang puso mo, ang natural mong tugon ay ang magpakumbaba. tumalikod sa kasalanan at magtiwala kay Hesus.

Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon! Malapit na ang paghahari ng Diyos. Pagsisihan at talikuran na ninyo ang inyong mga kasalanan, at maniwala kayo sa Magandang Balita!” — Marcos 1:15

Hindi ito pilit. Hin ###di ito sapilitan. Ito ay tugon ng isang pusong binago ng Diyos.

4. JUSTIFICATION & ADOPTION (Paghahatol na Matuwid at Pag-aampon)

Sa sandaling sumampalataya ka, idineklara ka ng Diyos na "not guilty" dahil sa ginawa ni Hesus sa krus, at tinatanggap ka Niya bilang sarili Niyang anak.

"Dahil pinawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon na tayong kapayapaan sa Diyos." — Roma 5:1 (MBBTAG)

"upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo'y maituturing na mga anak ng Diyos." — Galacia 4:5 MBBTAG

Hindi mo na kailangan mag-alala. Tinanggap ka na. Anak ka na.

5. SANCTIFICATION & PERSEVERANCE (Paglago at Pagtitiis)

Hindi dito nagtatapos ang kaligtasan. Araw-araw, binabago tayo ng Espiritu Santo para maging katulad ni Kristo, at iingatan Niya tayo hanggang sa dulo.

"Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus. — Filipos 1:6 ASD

Hindi ka Niya iiwan kung nasaan ka. Dadalhin ka Niya hanggang sa dulo.

6. GLORIFICATION (Kaluwalhatian)

Ang huling hantungan: Pagdating ng panahon, bibigyan tayo ng Diyos ng bagong katawan na wala nang sakit, kasalanan, o kamatayan para makasama Siya magpakailanman.

"Ang katawang ito na nasisira ay mapapalitan ng hindi nasisira, at ang katawang ito na namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi mamamatay." — 1 Corinto 15:52-53 MBBTAG

Hindi lang ito pangarap. ito ang Kanyang pangako.

ISIPIN MO ITO:

Ang kaligtasan ay 100% gawa ng Diyos.
mula sa pagpili sa iyo bago nilikha ang mundo, hanggang sa pagdadala sa iyo sa langit. (Soli Deo Gloria - sa Diyos lamang ang kaluwalhatian!)

Hindi mo kailangan patunayan ang sarili mo.
Hindi mo kailangan mag-alala kung karapat-dapat ka.

Kailangan mo lang.
magtiwala sa Kanya na siyang nag-umpisa at siyang magtatapos ng iyong pananampalataya. (Hebreo 12:2)

Saan ka sa paglalakbay na ito ngayon?

· Nararamdaman mo ba ang Kanyang pagtawag?
· O nasa gitna ka ng paglago - natututo, nadadapa, bumabangon?
· O naghihintay ka sa araw na makikita mo Siya nang harapan?

Anuman ang iyong kinaroroonan, hindi ka nag-iisa. At hindi ka pa tapos.

Amen.
VerseFuel

THE VERDICT IS ALREADY IN.HINDI MO NA KAILANGAN MAGHINTAY.Yung pakiramdam na nag-aalala ka kung karapat-dapat ka ba?· "N...
25/07/2026

THE VERDICT IS ALREADY IN.
HINDI MO NA KAILANGAN MAGHINTAY.

Yung pakiramdam na nag-aalala ka kung karapat-dapat ka ba?

· "Nagkasala ako ulit... baka hindi na ako tanggap."
· "Hindi ako perpekto... baka hindi ako pumasa sa paghuhukom."
· "Paano kung sa huli, sabihin ng Diyos na 'Hindi kita kilala'?"

Ngunit narito ang magandang balita: Hindi mo kailangang maghintay hanggang sa araw ng paghuhukom para malaman kung saan ka pupunta.

Ang hatol ay naipahayag na,
nang ikaw ay manampalataya.

Roma 5:1 (ASD)

"Samakatuwid, ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin kay Kristo, mayroon na tayong kapayapaang dulot ng magandang relasyon natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo."

"Itinuring na matuwid." — "Justified." Ibig sabihin, pinawalang-sala, idineklarang matuwid.

Hindi ito mangyayari sa hinaharap.
Hindi ito nakasalalay sa iyong performance.
Nangyari ito noong una kang sumampalataya.

Juan 5:24

"Katotohanang sinasabi Ko sa inyo: Ang nakikinig sa Aking salita at sumasampalataya sa Aking nagsugo ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, kundi siya'y nakaraan na mula sa kamatayan patungo sa buhay."

"May buhay na walang hanggan." Hindi "magkakaroon."
"Hindi na siya hahatulan." Hindi "baka hindi."

Tapos na ang hatol
at ito ay pabor sa iyo.

BAKIT TAYO MAKAKASIGURADO?

1. Dahil ang kaligtasan ay nakabatay sa gawa ni Cristo, hindi sa iyo.
Hindi mo kailangan patunayan ang sarili mo — si Jesus na ang nagpatunay.

"Sapagkat sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito'y kaloob ng Diyos, hindi sa inyong sarili, upang walang sinumang magmalaki." — Efeso 2:8-9

2. Dahil ang Diyos ay hindi nagbabago.
Kung sinabi Niyang itinuring ka Niyang matuwid — nananatili iyon.

"Si Jesu-Cristo ay siyang kahapon, ngayon, at magpakailanman." — Hebreo 13:8

3. Dahil ang Banal na Espiritu ang nagpapatotoo sa iyong puso.

"Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo sa ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos." — Roma 8:16

ANG MAGANDANG BALITA:

Hindi mo kailangang maghintay hanggang sa araw ng paghuhukom para malaman kung saan ka pupunta.

Ang hatol ay naipahayag na
nang ikaw ay sumampalataya.

· Kung naniniwala ka kay Jesus — ligtas ka na.
· Kung tinanggap mo Siya bilang Panginoon — tinanggap ka na Niya.
· Kung ikaw ay Kanya — walang sinuman ang makakaagaw sa iyo mula sa Kanyang kamay (Juan 10:28).

Hindi mo kailangang matakot sa paghuhukom. Hindi mo kailangang mag-alala kung karapat-dapat ka.

Dahil ang iyong pagiging karapat-dapat ay hindi nakasalalay sa iyo,
kundi kay Jesus.

PANALANGIN:

"Ama ko o Diyos sa langit at lupa, salamat sa biyayang ito. Hindi ko na kailangang maghintay hanggang sa paghuhukom para malaman kung karapat-dapat ako. Alam kong itinuring Mo akong matuwid. hindi dahil sa aking kabutihan, kundi dahil kay Jesus. Ngayon, nagpapahinga ako sa katotohanang iyon. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na aking Panginoon, Amen."

Amen.
VerseFuel

Address

Catarman, Northern Samar
Catarman
6400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VerseFuel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share