Youth of Mary Immaculate-Catanauan

Youth of Mary Immaculate-Catanauan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Youth of Mary Immaculate-Catanauan, Religious organisation, Catanauan, Quezon, Catanauan.

29/08/2022

Kindly support by sharing and reacting ❤️ in the original post. Thank you. God bless po.

Short Film | Ang Buhay ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod ng Dambana
Entry #6:
Immaculate Conception Parish
Catanauan, Quezon

26/08/2022

Agosto 26, 2022
Biyernes ng Ika-21ng Linggo
sa Karaniwang Panahon

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

🙏 Unang Pagbasa:
1 CORINTO 1:17-25

Pagbasa mula sa Unang Sulat
ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, sapagkat sinugo ako ni Kristo, hindi upang magbinyag kundi upang mangaral ng Mabuting Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng pananalitang batay sa karunungan ng sanlibutan upang sa gayo’y hindi mawalan ng kabuluhan ang kamatayan ni Kristo sa Krus.

Sa mga napapahamak ang aral tungkol sa pagkamatay ni Kristo sa Krus ay kahangalan; ngunit sa atin na mga inililigtas, ito’y Kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Sisirain Ko ang karunungan ng marurunong, at pawawalang-kabuluhan ang katalinuhan ng matatalino.” Ano ang kabuluhan ngayon ng marurunong, ng mga eskriba, ng mahuhusay na debatista sa daigdig na ito? Ipinakilala ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan.

Sapagkat ayon sa Karunungan ng Diyos, hindi Niya itinulot na Siya’y makilala ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng sanlibutang ito. Sa halip, minarapat Niyang ang mga nananalig sa Kanya’y iligtas sa pamamagitan ng Mabuting Balita na aming ipinangangaral ngunit ipinalalagay naman ng sanlibutan na isang kahangalan. Ang mga Judio’y humihingi ng kababalaghan bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego. Ngunit ang ipinangangaral nami’y si Kristong ipinako sa Krus-isang katitisuran sa mga Judio at kahangalan para sa mga Hentil. Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griego, si Kristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos. Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit kaysa lahat ng karunungan ng tao, at ang inaakala namang kahinaan ng Diyos ay lakas na higit sa lahat ng kalakasan ng tao.

Ang Salita ng Diyos.

🙏Salmo Responsorio:
AWIT 33:1-2, 4-5, 10-11

:
AWA'T PAG-IBIG NG DIYOS,
SA SANGKALUPAA'Y LUBOS.

Lahat ng matuwid dapat na magsaya
Dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;
Kayong masunuri’y magpuri sa Kanya!
Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
Tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.

:
AWA'T PAG-IBIG NG DIYOS,
SA SANGKALUPAA'Y LUBOS.

Panginoo’y tapat sa Kanyang Salita,
At maaasahan ang Kanyang ginawa.
Minamahal Niya ang gawang matapat,
Ang Pag-ibig Niya sa mundo’y laganap.

:
AWA'T PAG-IBIG NG DIYOS,
SA SANGKALUPAA'Y LUBOS.

Ang binabalangkas niyong mga bansa,
Kanyang nababago’t winawalang-bisa.
Ngunit ang mga Panukala ng Diyos,
Ay mamamalagi’t walang pagkatapos.

:
AWA'T PAG-IBIG NG DIYOS,
SA SANGKALUPAA'Y LUBOS.

🙏 Aleluya
LUCAS 21:36

Aleluya! Aleluya!
Manalanging walang humpay
samantalang hinihintay
si Hesus na Poong Mahal.
Aleluya! Aleluya!

✝️Mabuting Balita
SAN MATEO 25:1-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Dito maitutulad ang pagpasok sa Kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’t inantok silang lahat at nakatulog.

Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e!’ ‘Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,’ tugon ng matatalino. ‘Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.’ Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.

Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🙏PANALANGIN NG BAYAN🙏

Pari: Ipinapaalala ng Mensahe ng Ebanghelyo na dapat tayong maging matalino at nagbabantay. Habang ating hinihintay ang Pagdating ng Panginoong Hesus, ipanalangin natin ang mundong Kanyang iniligtas.

:
BANAL NA PANGINOON, GAWIN MO KAMING TAPAT SA PAGLILINGKOD SA IYO.

1. Ang Simbahan, nawa’y maunawaan ang mga tanda sa ating panahon at tuwinang mapaalalahanan ang Bayan ng Diyos tungkol sa walang hanggang dimensyon ng buhay. Manalangin tayo sa Panginoon.

2 Ang mga kabataan, nawa’y manatiling umaasa at puno ng sigla sa buhay. Nawa ang kanilang matayog na adhikain ang siyang maging katig nila sa pagsasakatuparan ng mga dakilang bagay sa buhay. Manalangin tayo sa Panginoon.

3 Ang mga pinanghihinaan ng loob at nabigo sa buhay, nawa’y huwag palalimin ang kanilang hinanakit at bagkus kumuha ng panibagong lakas at pag-asa mula kay Kristo na nangako sa atin ng Kanyang Presensya. Manalangin tayo sa Panginoon.

4. Ang mga maysakit at mga naghihingalo, nawa’y tumingin kay Kristo nang may pag-asa at may pagbabalik-loob na pananampalataya. Manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang mga yumao, nawa’y makapiling ng Diyos sa Kanyang Walang Hanggang Kaharian. Manalangin tayo sa Panginoon.

Pari: Ama ng panahon at ng walang hanggan, ipagkaloob Mo ang aming mga kahilingan habang aming hinihintay ang Pagbabalik ni Kristo, ang Iyong Biyaya ng Walang Hanggang Karunungan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

🔥PANALANGIN SA PAKIKINABANG
NA ESPIRITWAL

Panginoong Hesus, naniniwala ako
na Ikaw ay nasa
Kabanal-Banalang Sakramento.
Iniibig Kita nang higit sa lahat
at ninanais kong tanggapin Ka
sa aking kaluluwa, sapagkat,
sa mga sandaling ito,
ay hindi Kita matatanggap sa Sakramento.
Tumuloy Ka, sa Espiritu, sa aking puso.
Niyayakap Kita
na para bang naririto Ka na,
at iniaalay ko, nang buong-buo,
ang aking sarili sa Iyo.
Huwag Mong hayaang mawalay ako sa Iyo.
Amen.

✝️ ORATIO IMPERATA LABAN SA COVID-19

Mahabagin at Maawaing Ama, inaamin namin ang aming mga kasalanan at mapagkumbabang dumudulog sa Iyo upang makatagpo ng pagpapatawad at buhay.

Nagsusumamo kami sa Iyo upang hilingin ang Iyong Patnubay laban sa Covid-19 na nagpapahirap sa marami at kumitil na ng mga buhay.

Tunghayan Mo kami nang may Pagmamahal, at ipag-adya kami ng Inyong Mapaghilom na Kamay mula sa takot sa kamatayan at karamdaman. Itaguyod Mo kami sa pag-asa at patatagin sa pananampalataya.

Gabayan Mo ang mga dalubhasang naatasang tumuklas ng mga lunas at paraan upang ihinto ang paglaganap nito.

Pagpalain Mo ang aming mga pagsisikap na mawakasan ng mga nalinang na gamot ang pandemya sa aming bayan.

Patnubayan Mo ang mga lumilingap sa mga maysakit upang ang kanilang pagkalinga ay malakipan ng husay at malasakit. Pagkalooban Mo sila ng kalusugan sa isip at katawan, katatagan sa kanilang paninindigang maglingkod at ipagsanggalang sa karamdaman.

Itinataas namin ang mga nagdurusa. Makamtan nawa nila ang mabuting kalusugan. Lingapin Mo rin ang mga kumakalinga sa kanila. Pagkamitin Mo ng Kapayapaang Walang Hanggan ang mga pumanaw na.

Pagkalooban Mo kami ng biyaya na magtulong-tulong tungo sa ikabubuti ng lahat. Pukawin sa amin ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Sa pagdamay at malasakit namin sa bawat isa, malampasan nawa namin ang krisis na ito, at lumago sa kabanalan at pagbabalik-loob sa Iyo.

Hinihiling namin ito, sa pamamagitan ni HesuKristo na Nabubuhay at Naghaharing Kasama Mo at ng Espiritu Santo, Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.

Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos. Pakinggan mo ang aming mga kahilingan sa aming pangangailangan, at ipag-adya mo kami sa lahat ng kasamaan, maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.

Mahal na Birhen, mapagpagaling sa mga maysakit, ipanalangin mo kami.

San Jose, ipanalangin mo kami.

San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.

San Roque, ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

San Diego de Alcala, ipanalangin mo kami.

San Vicente Ferrer, ipanalangin mo kami.

August 11Happy Feast Day St. Philomena Virgin and Martyr!
11/08/2022

August 11
Happy Feast Day St. Philomena Virgin and Martyr!

"Many are called, but few are chosen." (Matthew 22:14)Maraming salamat po sa mga Kabataang tumugon sa aming panghaharana...
06/08/2022

"Many are called, but few are chosen." (Matthew 22:14)

Maraming salamat po sa mga Kabataang tumugon sa aming panghaharana. Nawa'y mas maisabuhay pa natin ang pananampalatayang natanggap mula noong tayo ay binyagan.

Ika-6 ng Agosto, 2022
Gi'Tara 🎸
"Napupusuan ka ng Diyos. Nais niya na makilala mo siya ng lubusan at magkaroon kayo ng mas malalim na ugnayan."



Welcome to Immaculate Conception Parish-Catanauan, Quezon, Rev. Fr. Richard Eleazar (New Parish Priest) and Rev. Fr. Leo...
03/08/2022

Welcome to Immaculate Conception Parish-Catanauan, Quezon, Rev. Fr. Richard Eleazar (New Parish Priest) and Rev. Fr. Leo Jed Grenia (New Parochial Vicar)🤍💙

01/08/2022
Maraming salamat po aming mga Tatay sa simbahan 😇
31/07/2022

Maraming salamat po aming mga Tatay sa simbahan 😇

Ang Youth of Mary Immaculate-Catanauan po ay nag-aanyaya sa mga Kabataang may edad 13-18 sa gaganaping Gi'Tara sa ika-6 ...
31/07/2022

Ang Youth of Mary Immaculate-Catanauan po ay nag-aanyaya sa mga Kabataang may edad 13-18 sa gaganaping Gi'Tara sa ika-6 ng Agosto, 2022 - 1:30 pm sa ating simbahan. 😇

Kung may mga katanungan po ay mag message lang po dito sa aming fb page. See you! ❤️

Address

Catanauan, Quezon
Catanauan
4311

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Youth of Mary Immaculate-Catanauan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share