SVK- MSK Youth

SVK- MSK Youth Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SVK- MSK Youth, Religious organisation, Catanauan.

🔔 Ash Wednesday today‼️https://www.facebook.com/140014552766543/posts/4425603380874284/
01/03/2022

🔔 Ash Wednesday today‼️
https://www.facebook.com/140014552766543/posts/4425603380874284/

Marso 2, 2022
Miyerkules ng Abo

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

🙏 Unang Pagbasa:
JOEL 2:12-18

Pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Joel

Sinasabi ngayon ng Panginoon:
"Mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa Akin, kayo'y mag-ayuno, manangis at magdalamhati. Magsisi kayo nang taos sa puso, hindi pakitang-tao lamang." Magbalik-loob kayo sa Paginoong na inyong Diyos. Siya'y may magandang-loob at puspos ng awa, mapagpahinuhod at tapat sa Kanyang pangako, laging handang magpatawad at hindi magpaparusa. Maaaring lingapin kayo ng Panginoon at bigyan ng masaganang ani. Kung magkagayon, mahahandugan natin Siya ng haing butil at alak.
Ang trumpeta ay hipan ninyo, sa ibabaw ng Bundok ng Sion; iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat. Tawagin ninyo ang mga tao para sa isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo ang lahat, matatanda't bata, pati mga sanggol at pati ang mga bagong kasal. Mga saserdote, kayo'y tumayo sa pagitan ng pasukan at ng dambana, manangis kayo't manalangin nang ganito: "Mahabag Ka sa Iyong bayan, O Panginoon. Huwag Mong tulutang kami'y hamaki't pagtawanan ng ibang mga bansa at tanungin, 'Nasaan ang inyong Diyos?' "
Pagkaraan, ipinamalas ng Panginoon na Siya'y nagmamalasakit sa Kanyang bayan.

Ang Salita ng Diyos.

🙏 Salmo Responsorio:
AWIT 51:3-6, 12-14, 17

:
P**N, IYONG KAAWAAN
KAMING SA 'YO'Y NAGSISUWAY.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
Sang-ayon sa Iyong Kagandahang-Loob
Mga kasalanan ko’y Iyong pawiin,
Ayon din sa Iyong Pag-ibig sa akin!
Linisin Mo sana ang aking karumhan
At ipatawad Mo yaring kasalanan!

:
P**N, IYONG KAAWAAN
KAMING SA 'YO'Y NAGSISUWAY.

Ang pagsalansang ko ay kinikilala,
Laging nasa isip ko at alaala.
Sa Iyo lang ako nagkasalang tunay,
At ang nagawa ko'y di Mo nagustuhan;

:
P**N, IYONG KAAWAAN
KAMING SA 'YO'Y NAGSISUWAY.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
Bigyan Mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa Iyong harapa’y h’wag akong alisin;
Ang Espiritu Mo ang papaghariin.

:
P**N, IYONG KAAWAAN
KAMING SA 'YO'Y NAGSISUWAY.

Ang galak na dulot ng 'Yong pagliligtas,
Ibalik at ako ay gawin Mong tapat.
Turuan Mo akong makapagsalita,
At pupurihin Ka sa gitna ng madla.

:
P**N, IYONG KAAWAAN
KAMING SA 'YO'Y NAGSISUWAY.

🙏 Ikalawang Pagbasa:
2 CORINTO 5:20 -- 6:2

Pagbasa mula sa Ikalawang Sulat
ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, ako'y sugo ni Kristo; parang ang Diyos na rin ang namamanhik sa inyo sa pamamagitan ko: makipagkasundo kayo sa Diyos. Hindi nagkasala si Kristo, ngunit dahil sa atin, Siya'y ibinilang na makasalanan upang makipag-isa tayo sa Kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos sa pamamagitan Niya.

Yamang kami'y mga katulong sa gawain ng Diyos, ipinamamanhik namin sa inyo na huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ibinigay sa atin ng Diyos. Sapagkat sinasabi Niya:

"Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita,
Sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita."

Tingnan ninyo! Ngayon na ang panahong nararapat! Ngayon ang araw ng pagliligtas!

Ang Salita ng Diyos.

🙏 Awit Pambungad sa Mabuting Balita
SALMO 95:8

Kapag ngayo’y napakinggan
ang Tinig ng Poong mahal,
huwag na ninyong hadlangan
ang pagsasakatuparan
ng mithi N’ya’t kalooban.

✝️ Mabuting Balita
MATEO 6:1-6, 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: "Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit.

"Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi Ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihanng ginagawa mo nang lihim."

"At kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi Ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

"Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Sinasabi Ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang Siya lamang nakaaalam nito. Siya, na nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🙏PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Sa pagsisimula natin ng Panahon ng Kuwaresma, alalahanin natin ang ating mga kapintasa’t pagkukulang, ang karahasan ng tukso, at ang pangangailangan natin ng tulong ng Diyos. Manalangin tayo:

:
BAGUHIN MO ANG AMING PUSO, O PANGINOON!

1. Na ang Simbahan ay walang takot na manawagan sa lahat para sa pagbabalik-loob at mag-akay sa kanila sa pamamagitan ng kanyang halimbawa. Manalangin tayo sa Panginoon!

2. Na lahat ng ating mga pinunong espirituwal at pambayan ay magdulot ng inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang kababaang-loob, kalinisan, at katapatan. Manalangin tayo sa Panginoon!

3. Na lahat ng mga magulang, g**o, at katekista ay makapag-punla sa kabataan ng katapatan sa tungkulin ng dahil sa motibong matuwid at marangal. Manalangin tayo sa Panginoon!

4. Na lahat ng nang aapi sa kapwa sa pamamagitan ng kanilang kapusukan, kasakiman, at kalupitan ay magtigil na sa kanilang masasamang gawi at matutong gumalang at magmahal sa kanilang kapwa. Manalangin tayo sa Panginoon!

5. Na lahat tayo’ y magsimula sa Kuwaresmang ito nang buong kababaang-loob, nagsisisi sa ating mga kasalanan, at may kapasiyahang magbagong-buhay. Manalangin tayo sa Panginoon!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.)

Pari: Panginoong Diyos, sa Iyo’y dumudulog kaming nagsisisi sa aming mga kasalanan at tapat na naghahangad ng pagbabago sa puso at isipan. Nawa ang aming buhay ay tuwinang maging pagbibigay-puri sa Iyo. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

🔥PANALANGIN SA PAKIKINABANG
NA ESPIRITWAL

Panginoong Hesus, naniniwala ako
na Ikaw ay nasa
Kabanal-Banalang Sakramento.
Iniibig Kita nang higit sa lahat
at ninanais kong tanggapin Ka
sa aking kaluluwa, sapagkat,
sa mga sandaling ito,
ay hindi Kita matatanggap sa Sakramento.
Tumuloy Ka, sa Espiritu, sa aking puso.
Niyayakap Kita
na para bang naririto Ka na,
at iniaalay ko, nang buong-buo,
ang aking sarili sa Iyo.
Huwag Mong hayaang mawalay ako sa Iyo.
Amen.

🙏🙏🙏PANALANGIN
PARA SA HALALAN

Tagapamuno: Manalangin tayo upang sa papalapit na pambansa at panglokal na halalan ay tunay na maghari ang Kalooban ng Diyos, na Siyang gumagabay sa lahat ng bansa.

Sama-sama nating idalangin:
ILIGTAS MO KAMI, PANGINOON!

Mula sa pamimilit, pananakot, karahasan, at terrorismo...

Mula sa panloloko, pagsisinungaling, at pagbabaluktot sa katotohanan...

Mula sa panunuhol, kasakiman, at sabwatan upang makapandaya...

Mula sa kawalang-muwang sa panlilinlang, at makitid na pananaw...

Mula sa pagbabanta, pananakot, at lapastangang pananalita...

Tagapamuno: Sama-sama nating idalangin:
DINGGIN MO KAMI, PANGINOON.

Upang ang aming budhi ang siyang gawing tunay na pamantayan...

Upang ang kabutihan ng nakararami ang aming pinakamataas na layunin...

Upang ang dignidad ng tao ay palagiang igalang...
Upang ang kapos-palad at mahihina ay pag-ukulan ng higit na pansin...

Upang ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi ipagwalang-bahala...

Upang ang pagkakaisa ay magbigay-daan sa landas ng kapayapaan at kaunlaran...

Upang ang Banal na Pagkatakot sa Diyos at pag-ibig sa kapwa ang maging gabay ng mga nagnanais manungkulan sa pamahalaan...

Tagapamuno: Manalangin tayo.

Lahat: Pastol ng aming kaluluwa at Tagapagligtas ng sanlibutan, ang pulitika ay Iyong kaloob sa amin: isang paanyaya upang maglingkod sa iba at lumago sa kabanalan. Gabayan Mo ang pulitika sa aming bansa, katulad ng paggabay Mo sa amin. Nawa, ang aming pulitikal na pakikilahok, para sa mga botante at kandidato, ay magdulot ng kaluwalhatian sa Iyong Mahal na Ngalan, at matulungan din kaming yumabong sa kabutihan, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

✝️ ORATIO IMPERATA LABAN SA COVID-19

Mahabagin at Maawaing Ama, inaamin namin ang aming mga kasalanan at mapagkumbabang dumudulog sa Iyo upang makatagpo ng pagpapatawad at buhay.

Nagsusumamo kami sa Iyo upang hilingin ang Iyong Patnubay laban sa Covid-19 na nagpapahirap sa marami at kumitil na ng mga buhay.

Tunghayan Mo kami nang may Pagmamahal, at ipag-adya kami ng Inyong Mapaghilom na Kamay mula sa takot sa kamatayan at karamdaman. Itaguyod Mo kami sa pag-asa at patatagin sa pananampalataya.

Gabayan Mo ang mga dalubhasang naatasang tumuklas ng mga lunas at paraan upang ihinto ang paglaganap nito.

Pagpalain Mo ang aming mga pagsisikap na mawakasan ng mga nalinang na gamot ang pandemya sa aming bayan.

Patnubayan Mo ang mga lumilingap sa mga maysakit upang ang kanilang pagkalinga ay malakipan ng husay at malasakit. Pagkalooban Mo sila ng kalusugan sa isip at katawan, katatagan sa kanilang paninindigang maglingkod at ipagsanggalang sa karamdaman.

Itinataas namin ang mga nagdurusa. Makamtan nawa nila ang mabuting kalusugan. Lingapin Mo rin ang mga kumakalinga sa kanila. Pagkamitin Mo ng Kapayapaang Walang Hanggan ang mga pumanaw na.

Pagkalooban Mo kami ng biyaya na magtulong-tulong tungo sa ikabubuti ng lahat. Pukawin sa amin ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Sa pagdamay at malasakit namin sa bawat isa, malampasan nawa namin ang krisis na ito, at lumago sa kabanalan at pagbabalik-loob sa Iyo.

Hinihiling namin ito, sa pamamagitan ni HesuKristo na Nabubuhay at Naghaharing Kasama Mo at ng Espiritu Santo, Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.

Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos. Pakinggan mo ang aming mga kahilingan sa aming pangangailangan, at ipag-adya mo kami sa lahat ng kasamaan, maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.

Mahal na Birhen, mapagpagaling sa mga maysakit, ipanalangin mo kami.

San Jose, ipanalangin mo kami.

San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.

San Roque, ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

San Diego de Alcala, ipanalangin mo kami.

San Vicente Ferrer, ipanalangin mo kami.l

https://www.facebook.com/140014552766543/posts/4422402121194410/
01/03/2022

https://www.facebook.com/140014552766543/posts/4422402121194410/

“Idalangin din natin, sa tulong ng ating Mahal na Ina, na antigin ng Panginoon ang konsensya ng mga mamamayang Russo, upang sila mismo ay gumawa ng hakbang upang itigil na ng kanilang pamahalaan ang sinimulang digmaan.” (updated version with the Marian intercession, sent 28 Feb. 2022)

"If you BABYSIT the YOUTH, you will get BABIES. If you LEAD the youth you will get LEADERS".WHO WILL BE OUR NEXT LEADERS...
09/02/2022

"If you BABYSIT the YOUTH, you will get BABIES. If you LEAD the youth you will get LEADERS".

WHO WILL BE OUR NEXT LEADERS?
Good luck brothers and sisters! ☺️🙏

Exchanging of Gifts. 🎁Isa sa mga nananatiling tradisyon sa mundo tuwing Pasko ay ang pagbibigayan ng regalo. 🎁 Ayon sa m...
24/12/2021

Exchanging of Gifts. 🎁

Isa sa mga nananatiling tradisyon sa mundo tuwing Pasko ay ang pagbibigayan ng regalo. 🎁 Ayon sa mga historyador, nagsimula ito dahil isa itong simbolo ng pinakamalaking biyayang natanggap natin sa araw ng Kapaskuhan—ang regalo ng Panginoong Hesukristo.

Ito rin ang dahilan kung bakit tuwing Pasko, mas pinipili ng marami sa atin ang magpasaya at magbigay ng regalo sa mga espesyal na bahagi ng ating buhay. Ganito rin kasi ang pananaw ng Maykapal kung bakit ibinahagi niya sa atin ang kaniyang Anak upang mapasaya at magkaroon ng kapayapaan ang bawat isa dahil mahalaga tayo sa Kaniya.🥺💚🙏

Anumang uri ng regalo ang ihahandog tuwing Pasko, dapat nating ipagpasalamat. 💚🤗



💛

Juegos navideños para la juventud de Msk. 😍🎁
24/12/2021

Juegos navideños para la juventud de Msk. 😍🎁



We successfully completed attending Misa de gallo for nine consecutive days. Yey! 🎅 Ikaw nakakumpleto ka din ba?
24/12/2021

We successfully completed attending Misa de gallo for nine consecutive days. Yey! 🎅
Ikaw nakakumpleto ka din ba?




"📿"In participation with the world's event this morning entitled "ONE MILLION CHILDREN PRAYING ROSARY".Praying the rosar...
18/10/2021

"📿"
In participation with the world's event this morning entitled "ONE MILLION CHILDREN PRAYING ROSARY".

Praying the rosary is promoted as a means of strengthening one's faith, resisting evil, growing spiritually and generally benefiting society.




☺️🙏

Youth Leadership Formation    🙏🌊Brgy. Tuhian, Catanauan, Quezon
30/07/2021

Youth Leadership Formation

🙏🌊
Brgy. Tuhian, Catanauan, Quezon

Address

Catanauan
4311

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SVK- MSK Youth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share