Jasmin Youth Auxiliary and Ministry

Jasmin Youth Auxiliary and Ministry Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jasmin Youth Auxiliary and Ministry, Religious organisation, Burabod, Castilla.

SANTA CRUZAN 2023πŸ“Έ: Jonah Mae Marticio
16/05/2023

SANTA CRUZAN 2023
πŸ“Έ: Jonah Mae Marticio

Thank You RHYMES OF PEG
29/09/2022

Thank You RHYMES OF PEG

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Grupo ng manunulat na π—₯π—›π—¬π— π—˜π—¦ 𝗒𝗙 π—£π—˜π—š (π—₯𝗒𝗣) ay nagsagawa ng serbisyong publiko sa Sitio Jasmin Baranggay Burabod ...
18/09/2022

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Grupo ng manunulat na π—₯π—›π—¬π— π—˜π—¦ 𝗒𝗙 π—£π—˜π—š (π—₯𝗒𝗣) ay nagsagawa ng serbisyong publiko sa Sitio Jasmin Baranggay Burabod Castilla Sorsogon ngayong araw Setyembre 18, 2022, ito ay bilang tugon sa kanilang adbokasiyang tumulong sa mga kabataan na nangangailngan.

Ang nasabing community service ay nagsimula sa mga patimpalak at kasiyahan ng mga bata. Ang outreach program ay bahagi ng grupo bilang pasasalamat sa mga biyayang kanilang natatanggap at mapalawig din ang pagbibigayan at pagtutulungan ng bawat isa.

Nakatanggap ng School Supplies ang 25 na kabataan ng Jasmin at ganun din ang kanilang mga magulang na nakatanggap ng damit. Nabigyan din ng cash donation ang Jasmin Youth Auxiliary and Ministry na gagamitin sa pagpapalago ng programa publiko ng grupo.

Ayon kay Judy Azul isa sa miyembro ng grupo ng ROP β€œIto ay una naming pagkikita dahil noong pandemya halos online kami naguusap-usap ngunit kami ay malayang nakakapagbigay sa mga nangangailngan sa ibat ibang rehiyon tulad ng lugar sa Siargao at iba pa, napili namin ang JYAM dahil sa aktibo nitong partisipasyon sa pagpapalawak ng mga kaalaman. Ayon naman sa isang Miyembro na si IIsan Joy Merjudio β€œMasaya kami na sa paraang ito ay nakikita namin na bumubunga ang pagtutulungan at naniniwala kami na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”.

Ang JYAM Youth ay nagpapasalamat sa grupo ng Rhymes Of PEG na nagbigay tulong sa mga kabataan ng Jasmin. Sa binahagi na panayam ng Presidente ng Jasmin Youth na si Robert Marticio sinabi nya na β€œMasaya kami na always binibigyan kami ng dyos ng blessing, at isa ang Rhymes of Peg sa mga blessing at nagparamdam samin ng ligaya. Kami ay nagpapasalamat sa kanila, hindi matutumbasan ng ano mang material na bagay ang kanilang busilak na puso. Ito ay unang Community Service na na experience ng mga bata sa Jasmin”. Saad din ni Jhona Mae Marticio treasurer ng grupo na β€œAlways thankful kami sa mga dumarating na biyaya at pagpalain tayo always ni lord".

Ang Rhymes of Peg (ROP) ay grupo ng mga manunulat nanakabase sa ibat ibang rehiyon ng Pilipinas tulad ng Quezon City at Leyte. Nabuo ang nasabing grupo noong pandemya upang magbigay serbisyo sa kapwa Pilipino.

Congratulation to one of our member Mark Anthony Marticio who became part of the success of DEEDS volleyball tournament ...
21/08/2022

Congratulation to one of our member Mark Anthony Marticio who became part of the success of DEEDS volleyball tournament held in Sorsogon Gymnasium.

Congratulations to the Winners. Maurag talaga ang CASTILLA. Maurag ang Jasmin Youth

JYAM✨06/05/22
07/06/2022

JYAM✨
06/05/22

17/05/2022

Panoorin: Matagumpay na naidaos ng Jasmin Youth Auxiliary and Ministry (JYAM) ang Burogkos Camp 2022 sa tulong ng nagkapirang partners.

AGRI-TECTURENagsagawa ng Seminar and Trainings ang Jasmin Youth kasabay ng Mata-Mata physical film screening noong April...
16/05/2022

AGRI-TECTURE

Nagsagawa ng Seminar and Trainings ang Jasmin Youth kasabay ng Mata-Mata physical film screening noong April 19,2022 sa Jasmin Chapel ng sitio.

Ang programang ito ay pagpapalawak ng kaalaman ng residente patungkol sa tamang pagtatanim (Agriculture) at pagpapahalaga ng wastong bahay (Architecture). Ito ay dinaluhan ng kabataan at mga magulang upang mamulat ang bawat isa sa Agri-Tecture at matuldukan ang ano mang problemang kinakaharap ng residente.

Sa paksa pang Agrikultura tinalakay ni Jarlo Mias isang residente ng sitio at graduate ng Agriculture Engineer ang kanyang nalalaman patungkol sa wastong pagtatanim gamit ang organic fertilizer at ang ambisyon nya sa Jasmin para sa sustinableng pagkakakitaan ng sitio. Sinabi nya na "Mahalaga ang Agrilkutura sa pagbibigay saatin ng buhay at kita. At kailngan natin maging maparaan sa pagtatanim, at mapalawig ang ating hanapbuhay sa pamamagitan ng paglalaan ng oras sa alternatibong pagkakakitaan tulad ng gulayan sa sitio at pagbuo ng organikong fertilizer".

Inilahad din ni Robert Marticio isang Architecture Student na "mahalaga na malaman ng residente ang wastong pagtatayo ng bahay na hindi sukatan ang magara kung tingnan ang mahalaga ito ay wasto sa lokasyon at naayon sa mga batas at budget ng isang tao". Tinalakay din nya na mahalaga ang pagkakaroon ng tamang street plan ng bawat bahay at kung paano maiiwasan ang pagkasira ng tahanan sa pamamagitan ng tamang desenyo nito.

Ayon naman kay Sr. Resurecion Marticio "Maogma kami sa mga pelikula na nahiling mi asin mas naogma man kami na yaun ang kada sado na matabang sa agrikultura asin arkitektura.

Sa huli pinasalamatan ng grupo ang Cinema Rehiyon sa makamulat na pelikula at sa mga aktibong kabataan na nagbigay ng kanilang nalalaman patungkol sa Agri-Tecture.

Mx. BUROGKOS 2022: The Lord of The RingsSa pangatlong pagkakataon nagtagisan ng kaalaman, ganda at pagkamalikhain ang mg...
16/05/2022

Mx. BUROGKOS 2022: The Lord of The Rings

Sa pangatlong pagkakataon nagtagisan ng kaalaman, ganda at pagkamalikhain ang mga kandidata sa Mx. Burogkos noong April 20,2022 upang ihayag ang kanilang adbokasiya at magbigay aliw sa manonood. Ito ay sinabayan ng physical film showing ng Cinema Rehiyon, Kurit Lagting, RM 74, CAP Bicol at Pantayong Pananaw.

Ang nasabing pageantry ay may tema ngayong taon na Lord of The Rings na base mismo sa isang sikat na Pelikula. Ito ay napiling tema na sumasalamin sa pagkakaisa, pagpapahalaga sa kapwa, aktibo at may respito sa kanyang tungkulin.

Sa mensahe ni Whenalyn Marticio a Youth Officer ng JYAM "Nagpapasalamat kami na yaun ang kada saro burogkos and mas lumalawig ang pagsasamahan ng mga Jasmin dahil sa kanilang integridad at marhay na boot. Ang JYAM programs ay dahilan ng aming mga partners at masigasig na mga sponsors na patunay na kahit sa hirap at sa ginhawa mapahiling sinda asin sinda ang tunay na magpapabugkos sato. Kaya sa mga kandidata ngunyan magBugkos asin mag Burogkos Kirita".

Sa katanungan ng bawat kandidata inilahad nila ang kanilang mga saloobin patungkol sa edukasyon, experyensa at kung ano ang kanilang pangarap sa paglaki.

Ang nanalo sa Mx.Burogkos 2022 ay si Romnica Espartinez na may winning piece na "Ang pangarap ko ay magkaroon ng sariling Parlor para mapaganda ko ang mga kabataan".

1st runner up naman si Erica Joy Marticio, 2nd runner up si Amy Espartinez at 3rd runner up si Biboy Marticio.

Nagtapos ang pageantry alas dyes ng gabi na sinundan ng kaunting Salo salo.

Ang Mx. Burogkos ay parti ng programa ng JYAM sa pagpapalawig ng pantay na pagtrato sa kasarian sa pamamagitan ng pageant. At pagbibigay ng kabataan ng kanilang saloobin at adbokasiya na makakatulong sa kapwa sarili at bayan.

Tingnan din ang nakaraang Mx. Burogkos sa link na ito
https://www.facebook.com/115156390223072/posts/319156133156429/?app=fbl

Address

Burabod
Castilla
4713

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jasmin Youth Auxiliary and Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share