09/01/2026
ππ§π πππ²ππ¦ππ§ππ§π πππ€ππππ π¨ π¬π ππ’ππ₯π’π²π
May isang mahirap na lalaki na namatayan ng ama.
Bago pumanaw, iniwan sa kanya ng ama ang isang Bibliyaβiyon lamang.
Nadismaya ang anak. Umaasa siya ng pera, lupa, o mana.
Dahil doon, inilagay niya ang Bibliya sa isang estante at hindi man lang binuksan.
Lumipas ang maraming taon ngunit patuloy siyang naghirap sa buhayβnangungutang, nagtratrabaho nang sobra, palaging kapos.
Samantala, ang Bibliya ay nanatiling sarado at napapabayaan.
Isang araw, habang naglilinis at naghahanda siyang lumipat ng bahay, napagdesisyunan niyang buksan ang Bibliya.
Sa pagitan ng mga pahina nito, may mga tseke / perang papel na nakatagoβisa-isa, inilagay ng kanyang ama sa ibaβt ibang bahagi ng Bibliya.
May petsa at pirma ang bawat isa.
Ngunit huli na ang lahat.
Ang mga tseke ay expired na.
Iniwan pala ng ama ang sapat na kayamanan para sa kanyang anak! Ngunit makukuha lamang kung binuksan niya ang Bibliya.
Napaluha ang lalaki.
Hindi lang dahil wala na ang pera,
kundi dahil ang biyaya ay matagal nang naroonβngunit hindi niya hinanap.
*
Maraming kayamanan ang inilagay ng Diyos sa Kanyang Salita.
Ngunit maraming Kristiyano ang nabubuhay na parang dukha, hindi dahil kulang ang Diyos, kundi dahil ang Bibliya ay nananatiling sarado.
Kaya kapatid, buklatin mo na ang 'yong Bible hindi lang ngayong National Bible Month kundi araw araw πβοΈ
Need a home church in Casiguran? Or gusto mong mas lumalim spiritually? Send us a message and weβll reach out!