Nuestra Señora de Salvacion Parish Bianoan, Casiguran, Aurora.

Nuestra Señora de Salvacion Parish Bianoan, Casiguran, Aurora. Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nuestra Señora de Salvacion Parish Bianoan, Casiguran, Aurora., Religious organisation, Ramos Street, Casiguran.

𝗣𝗔𝗥𝗧 𝗜𝗜 | 𝗧𝗔𝗜𝗭É 𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥𝗔𝗟𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘𝗥𝗦' 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲Bilang pagtatapos sa makabuluhang pagdiriwang ng Altar ...
01/09/2026

𝗣𝗔𝗥𝗧 𝗜𝗜 | 𝗧𝗔𝗜𝗭É 𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

𝗔𝗟𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘𝗥𝗦' 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲

Bilang pagtatapos sa makabuluhang pagdiriwang ng Altar Servers’ Month, isinagawa ang isang Taizé Prayer—isang payak at makahulugang sandali ng pananalangin, katahimikan, pagninilay, at pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Sa pamamagitan ng katahimikan, at panalangin, nagkaroon ng pagkakataon ang ating mga Altar Servers na magnilay sa kanilang bokasyon ng paglilingkod at muling ialay sa Panginoon ang kanilang sarili bilang mga kabataang naglilingkod sa Banal na Altar.

Sa natapos na pagdiriwang, nawa’y manatili sa puso ng bawat Altar Server ang mensahe ng 𝗧𝗔𝗜𝗭É 𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥: 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐦𝐮𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐫𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐢𝐦𝐭𝐢𝐦, 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐧𝐢𝐠, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬.

𝙎𝙤𝙡𝙞 𝘿𝙚𝙤 𝙂𝙡𝙤𝙧𝙞𝙖!
𝙎𝙖 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙥𝙪𝙧𝙞 𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙡𝙪𝙬𝙖𝙡𝙝𝙖𝙩𝙞𝙖𝙣.





𝗔𝗟𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘𝗥𝗦' 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲Isang makabuluhang pagdiriwang ng 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚, 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬...
01/09/2026

𝗔𝗟𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘𝗥𝗦' 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲

Isang makabuluhang pagdiriwang ng 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚, 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 ng ating mga Altar Servers bilang bahagi ng paggunita sa 𝘼𝙡𝙩𝙖𝙧 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚𝙧𝙨’ 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝.

Ang pagiging isang altar server ay isang biyaya at bokasyon sa paglilingkod—𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐧𝐲𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐒𝐢𝐦𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐚𝐧𝐠-𝐥𝐨𝐨𝐛, 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating Paring Lingkod, 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐁𝐞𝐫𝐧𝐢𝐞 𝐒𝐞𝐠𝐨𝐯𝐢𝐚 𝐁𝐚𝐛𝐨𝐥 sa inyong patuloy na paggabay, suporta, at pagmamalasakit sa ating mga Altar Servers. Thank you for inspiring our young servants to grow deeper in faith and to serve the Lord with joy and humility.

Nawa’y patuloy na maging inspirasyon ang ating mga Altar Servers sa kapwa kabataan at sa buong sambayanan—𝐦???? 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝, 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧.

𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝘼𝙡𝙩𝙖𝙧 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚𝙧𝙨!
“𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐫𝐝 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐠𝐥𝐚𝐝𝐧𝐞𝐬𝐬.” — 𝐏𝐬𝐚𝐥𝐦 𝟏𝟎𝟎:𝟐





Join us as we celebrate with grateful hearts the 𝟕𝐭𝐡 𝐒𝐚𝐜𝐞𝐫𝐝𝐨𝐭𝐚𝐥 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐁𝐞𝐫𝐧𝐢𝐞 𝐒𝐞𝐠𝐨𝐯𝐢𝐚 𝐁𝐚𝐛𝐨𝐥, Parish Adm...
28/08/2026

Join us as we celebrate with grateful hearts the 𝟕𝐭𝐡 𝐒𝐚𝐜𝐞𝐫𝐝𝐨𝐭𝐚𝐥 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐁𝐞𝐫𝐧𝐢𝐞 𝐒𝐞𝐠𝐨𝐯𝐢𝐚 𝐁𝐚𝐛𝐨𝐥, Parish Administrator of Nuestra Señora de Salvacion Parish.

Let us come together in thanksgiving for the gift of his priestly vocation and seven years of faithful service to God and His people.

⛪ 𝑻𝒉𝒂𝒏𝒌𝒔𝒈𝒊𝒗𝒊𝒏𝒈 𝑯𝒐𝒍𝒚 𝑴𝒂𝒔𝒔
📅 𝑨𝒖𝒈𝒖𝒔𝒕 29, 2026 | 5:00 𝑷𝑴
📍 𝑵𝒖𝒆𝒔𝒕𝒓𝒂 𝑺𝒆ñ𝒐𝒓𝒂 𝒅𝒆 𝑺𝒂𝒍𝒗𝒂𝒄𝒊𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒓𝒊𝒔𝒉

Come and celebrate this blessed occasion with us! Your presence and prayers will make this celebration even more meaningful. 💙🙏

“Faithfully answering God’s call, humbly serving His people, and joyfully walking with Christ.”

See you there!


PAHAYAG PANININDIGAN ngDaupang-Palad ng mga Sektor at Taong-Simbahan (DPSTS)DPSTS: Sama-samang Naglalakbay at Nagsusuri ...
26/08/2026

PAHAYAG PANININDIGAN ng
Daupang-Palad ng mga Sektor at Taong-Simbahan (DPSTS)

DPSTS: Sama-samang Naglalakbay at Nagsusuri Tungo sa Iisang Misyon

Kami, mga kinatawan ng taong simbahan na binubuo ng kaparian, mga lider-layko ng MSK ng mga parokya, mga institusyon, relihiyoso at relihiyosa at iba't ibang batayang sektor ng lalawigan ng Aurora, kasama ang Mahal na Obispo Dave Dean Capucao, DD, ay nagtipon sa taunang Daupang Palad ng mga Sektor at Taong Simbahan (DPSTS) na ginanap sa Parokya ni Nuestra Señora de Salvacion, Brgy. Bianoan, Casiguran, Aurora, mula Agosto 20–22, 2026.

Sa aming sama-samang pagbabahaginan, pakikinig at pagsusuri sa lokal at pambansang kalagayan, malinaw naming nakikita at nararanasan ang patuloy na paglala ng kahirapan at pagyurak sa dignidad ng tao. Kabilang dito ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, presyo ng pangunahing bilihin, kuryente at pamasahe; mababang presyo ng mga lokal na produktong agrikultural; pagbaba ng ani dulot ng matinding tagtuyot at pagbabago ng klima; kawalang-hanapbuhay; mababang pasahod; at kawalan ng permanenteng trabaho.

Nakikita rin namin ang mga suliraning dulot ng isang ekonomiyang export-oriented at import-dependent, gayundin ang mga bagong batas at polisiya na naglalayong makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan, gaya ng Pax Silica.

Sa larangan naman ng pulitika, nasasaksihan namin ang patuloy na pag-iral ng kawalang-katarungan, korapsyon, palakasan, dinastiyang pulitikal at pagbili ng boto na kung minsan ay naisasagawa sa anyo ng ayuda. Nakikita rin ang tunggaliang pampulitika na higit na nakatuon sa posisyon at kapangyarihan kaysa sa tunay na paglilingkod at pagpapaunlad ng bansa. Dahil dito, patuloy na lumalaki ang agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap—habang lalong yumayaman ang iilan, lalong naghihirap ang nakararami. Gaya ng binigyang-diin sa Dilexi Te, “Ang hindi pagkakapantay-pantay ang ugat ng mga suliraning panlipunan.”

Kasabay nito, nakikita rin namin ang epekto ng makabagong teknolohiya, social media at globalisasyon sa ating kultura at mga ugnayan. Unti-unting nanganganib na mawala ang kultura ng pagdadamayan, paggalang sa kapwa, pagpapahalaga sa katutubong sining at matibay na ugnayan sa pamilya. Higit na mabigat ang epekto ng pagkasira ng kalikasan at climate change sa mga mahihirap na magsasaka, mangingisda at katutubo na higit na umaasa sa likas na yaman para sa kanilang kabuhayan.

Dahil dito, kinikilala namin ang hamon na maging isang “field hospital”—isang Simbahang bumababad sa kalagayan ng mga tao, nakikinig sa kanilang hinaing at nagiging boses ng mga dukha at walang tinig. Nais naming isabuhay ang panawagan na kilalanin ang Diyos sa mga dukha at mga nagdurusa.

Naninindigan kami na itataguyod namin ang mga prinsipyong nakapaloob sa Panlipunang Aral at Turo ng Simbahan, partikular ang:
• pagkilala at paggalang sa dignidad ng bawat tao;
• pagpapahalaga sa pamayanan;
• pagtataguyod ng kapakanan ng higit na nakararami;
• katarungang panlipunan at kaunlaran para sa lahat;
• pakikiisa at pakikipagkapwa sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan;
• Ka-Yapakinig- isang simbahang sinodal na nakikinig, nagmamalay at nakikilakbay tungo sa iisang misyon; at
• pananampalatayang may kasamang konkretong gawa.

Naniniwala kami na ang tunay na pagsamba sa Diyos ay hindi maaaring ihiwalay sa pagtataguyod ng katarungan. Ang pananampalataya ay dapat makita sa pakikilahok sa buhay ng pamayanan at sa pagkilos para sa kapakanan ng mga higit na nangangailangan.

Sama-sama tayong maglakbay, magsuri at kumilos tungo sa iisang misyon -isang lipunang may dignidad, katarungan, pagkakapantay-pantay, malasakit sa kalikasan at tunay na kapakanan ng lahat.

Nilagdaan ngayong ika-22 ng Agosto 2026 sa Parokya ni Nuestra Senora de Salvacion, Brgy. Bianoan, Casiguran, Aurora






𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐏𝐑𝐈𝐄𝐒𝐓𝐒' 𝐃𝐀𝐘 𝐏𝐎!Today, we joyfully honor Father Bernie and all the priests of the Prelature of Infanta. Thank you ...
02/08/2026

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐏𝐑𝐈𝐄𝐒𝐓𝐒' 𝐃𝐀𝐘 𝐏𝐎!

Today, we joyfully honor Father Bernie and all the priests of the Prelature of Infanta. Thank you for your generous "yes" to God's call and for faithfully leading His people with love, humility, and hope. Through your ministry, countless lives continue to encounter Christ in the Eucharist, the Sacraments, and His Word.

May the Good Shepherd strengthen your hearts, renew your spirit, and fill your priesthood with lasting joy and peace. Know that you are always remembered in our prayers.

"The priesthood is the love of the Heart of Jesus."
— Saint John Mary Vianney

𝑺𝒕. 𝑱𝒐𝒉𝒏 𝑴𝒂𝒓𝒚 𝑽𝒊𝒂𝒏𝒏𝒆𝒚, 𝑷𝒂𝒕𝒓𝒐𝒏 𝑺𝒂𝒊𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝑷𝒓𝒊𝒆𝒔𝒕𝒔, 𝒑𝒓𝒂𝒚 𝒇𝒐𝒓 𝒂𝒍𝒍 𝒐𝒖𝒓 𝒑𝒓𝒊𝒆𝒔𝒕𝒔!

Happy Priests' Day! 🤍✝️

Taos-puso pong nagpapasalamat ang Nuestra Señora de Salvacion Parish sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang ng aming 31st Fo...
13/06/2026

Taos-puso pong nagpapasalamat ang Nuestra Señora de Salvacion Parish sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang ng aming 31st Founding Anniversary at Thanksgiving Mass kahapon (June 12, 2026). Maraming Salamat din po sa ating unang dating Paring Lingkod na ngayon ay Kasalukuyang Obispo ng Prelatura Ng Infanta, Mahal naming Obispo, Most. Rev. Dave Dean Capucao, D.D., sa mga nagdaang mga Paring Lingkod na naging bahagi ng ating Mahal na Parokya, Rev. Fr. Joefran Talaban, Rev. Fr. Noel Valencia, Rev. Fr. Benedict Santiago, Maraming Salamat po sa inyo, sa pagpapatibay ng Pundasyon ng Pananampalataya sa Sambayanan ng Bianoan! Gayun din sa mga lingkod ng Simbahan, mga panauhin, mga punong abala para sa pagdiriwang, at sa buong sambayanang parokya na naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito.

Ang pagdiriwang na ito ay naging makahulugan dahil sa inyong presensya, panalangin, at pakikiisa bilang isang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya at pagmamahal sa ating parokya. Sa loob ng 31 taon, patuloy nating nasasaksihan ang kabutihan at katapatan ng Diyos sa pamamagitan ng ating patrona, ang Nuestra Señora de Salvacion.

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Diyos at gabayan ng ating Mahal na Ina, Nuestra Señora de Salvacion, sa ating paglalakbay bilang isang nagkakaisa at masiglang pamayanan ng pananampalataya.

Maligayang ika-31 anibersaryo, Nuestra Señora de Salvacion Parish! Ad multos annos! 💙🙏
Nuestra Señora de Salvacion, ipanalangin mo kami.



12/06/2026
Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng 𝟑𝟏𝐬𝐭 𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐒𝐚𝐥...
09/06/2026

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng 𝟑𝟏𝐬𝐭 𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐯𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡.

Inaanyayahan po ang lahat ng mga mananampalataya, mga samahang pansimbahan, at mga deboto ng Mahal na Birhen na makibahagi sa espesyal na pagdiriwang na ito.

🗓️𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬)
🕔 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌
📍𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐯𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡, 𝐁𝐢𝐚𝐧𝐨𝐚𝐧, 𝐂𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐧, 𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚.

Ang pagdiriwang ay pangungunahan ni 𝐌𝐨𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐯. 𝐃𝐚𝐯𝐞 𝐃𝐞𝐚𝐧 𝐂𝐚𝐩𝐮𝐜𝐚𝐨, 𝐃.𝐃., Obispo ng Prelatura ng Infanta, bilang pangunahing tagapagdiwang ng Banal na Misa.

Sama-sama nating pasalamatan ang Panginoon sa 31 taong biyaya, pananampalataya, at paglilingkod ng ating parokya sa pamamagitan ng isang makabuluhang Thanksgiving Mass sa ilalim ng mapagkalingang pag-iingat ng ating Mahal na Patrong si Nuestra Señora de Salvacion.

Tayo na at sama-samang magpasalamat sa Diyos para sa 31 taong pagpapala at paggabay sa ating parokya!

"Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, naroon akong kasama nila." — Mateo 18:20

Nuestra Señora de Salvacion, ipanalangin mo kami. 🙏

📣 PAANYAYA: TINATAWAG KA NG DIYOS! 🙏Nararamdaman mo ba ang tawag ng Panginoon sa iyong puso? 💛Halina at tuklasin ang iyo...
13/04/2026

📣 PAANYAYA: TINATAWAG KA NG DIYOS! 🙏

Nararamdaman mo ba ang tawag ng Panginoon sa iyong puso? 💛
Halina at tuklasin ang iyong bokasyon!

Ang Saint Joseph Formation House – Prelature of Infanta ay nag-aanyaya sa mga kabataang lalaki na dumalo sa:

📍 PAGSUSULIT SA PAGPASOK SA SEMINARYO
🗓 Abril 18–19, 2026

🔸 Para sa Bikaryato ng DIBICADI
🗓 Abril 18, 2026 (Sabado) – 1:30 PM
📍 San Antonio de Padua Parish, Casiguran, Aurora

🔸 Para sa Bikaryato ng VALLEY-DING
🗓 Abril 19, 2026 (Linggo) – 1:30 PM
📍 San Luis Obispo Parish, Baler, Aurora

✨ Mga Kailangan:
✔ Papasok na Senior High School (Grade 11–12) o nagtapos ng kolehiyo
✔ Binyagang Katoliko
✔ Magdala ng brown envelope, lapis, at ballpen

💬 Tinutugunan mo ba ang tawag ng Diyos upang maging pari?
👉 Ano pa ang hinihintay mo? Tara na! Maging SEMINARISTA!

📩 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa inyong parokya o parish priest.




Address

Ramos Street
Casiguran
3204

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de Salvacion Parish Bianoan, Casiguran, Aurora. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share