Binhi ng Salita

Binhi ng Salita Ang Binhi ay ang Salita ng Diyos. Salita ng Diyos ang buto na tanim ni Hesukristo upang tumubo sa tao.

04/03/2026

UNANG PAGBASA
Jeremias 18, 18-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Ang sabi ng mga tao: “Iligpit na natin si Jeremias! May mga saserdote namang magtuturo sa atin, mga pantas na magpapayo, at mga propetang magpapahayag ng salita ng Diyos. Isakdal natin siya, at huwag na nating pakinggan ang mga sinasabi niya.”

Kaya’t nanalangin si Jeremias, “Panginoon, pakinggan mo ang aking dalangin; batid mo ang binabalak ng mga kaaway ko. Ang kabayaran ba ng kabutihan ay kasamaan? Ano’t naghanda sila ng hukay upang ako’y mabitag? Natatandaan mo kung paano ko sila idinalangin sa iyo upang huwag mong ipalasap sa kanila ang iyong poot.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 30, 5-6. 14. 15-16

Pag-ibig mo’y walang maliw
kaya’t ako’y ‘yong sagipin.

O aking patnubay, ako ay iligtas.
sa patibong nila at umang na bitag.
Buhay ko’y nabilin sa ‘yong mga kamay,
ang pagliligtas mo sa aki’y pakamtan;
ikaw ang aming Diyos, na tapat at tunay.

Pag-ibig mo’y walang maliw
kaya’t ako’y ‘yong sagipin.

May mga bulungan akong naririnig,
mula sa kaaway sa aking paligid;
sa kanilang balak ako’y nanginginig,
ang binabalangkas, ako ay iligpit.

Pag-ibig mo’y walang maliw
kaya’t ako’y ‘yong sagipin.

Ngunit Panginoon, ang aking tiwala
ay nasasaiyo, Diyos na dakila!
Sa iyong kalinga, umaasa ako,
laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
at sa umuusig na sinumang tao.

Pag-ibig mo’y walang maliw
kaya’t ako’y ‘yong sagipin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 8, 12

Ang sabi ng P**ng mahal:
“Sa daigdig ako’y ilaw.
Kapag ako ay sinundan,
ang dilim ay mapaparam
at sa aki’y mabubuhay.”

MABUTING BALITA
Mateo 20, 17-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang nasa daan na si Hesus patungong Jerusalem, ibinukod niya ang Labindalawa. Sinabi niya sa kanila, “Aakyat tayo sa Jerusalem. Doo’y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba ang Anak ng Tao. Hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siya’y tutuyain, hahagupitin at ipapako sa krus; ngunit muli siyang bubuhayin sa ikatlong araw.”

Lumapit kay Hesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kaya’t lumuhod siya sa harapan ni Hesus. “Ano ang ibig mo?” tanong ni Hesus. Sumagot siya, “Sana’y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian – isa sa kanan at isa sa kaliwa.” “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Hesus sa kanila. “Makakainom ba kayo sa kopa ng hirap ko?” “Opo”, tugon nila. Sinabi ni Hesus, “Ang kopa ng hirap ko ay maiinom nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan ng aking Ama.”

Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya’t pinalapit sila ni Hesus at sinabi sa kanila, “Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat na umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. Ang sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

03/03/2026

“Naparito hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod.”
Mateo 20:28

28/02/2026

UNANG PAGBASA
Genesis 12, 1-4a

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Abram: “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin kong isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at mababantog ang iyong pangalan at magiging pagpapala sa marami.

Ang sa iyo’y magpapala ay aking pagpapalain,
ngunit kapag sinumpa ka, sila’y aking susumpain;
ang lahat ng mga bansa pihong ako’y hihimukin,
na, tulad mong pinagpala, sila ay pagpapalain din.”
Sumunod nga si Abram sa utos ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22

P**n, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.

P**n, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
Hindi babayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila’y binubuhay.

P**n, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
Siya ang sanggalang natin at katulong.
Ipagkaloob mo na ang aming makamit,
O P**n ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asa’y sa’yo nasasalig!

P**n, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

IKALAWANG PAGBASA
2 Timoteo 1, 8b-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal kong kapatid:

Makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita, sa tulong ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo Hesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon. Ngunit nahayag lamang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Nilupig niya ang kamatayan at inihayag ang buhay na walang haggan sa pamamagitan ng Mabuting Balita.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA:

Sa ulap na maliwanag
ito ang siyang pahayag
ang D’yos Ama na nangusap:
“Ito ang mahal kong Anak,
lugod kong dinggin ng lahat.”

MABUTING BALITA
Mateo 17, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isinama ni Hesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok. Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong anyo si Hesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro kay Hesus, “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula rito’y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!” Ang mga alagad ay natakot nang gayun na lamang nang marinig nila ang tinig, at sila’y napasubasob. Nguni’t nilapitan sila ni Hesus at hinipo. “Tumindig kayo,” sabi niya, “huwag kayong matakot.” At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Hesus.

At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Hesus sa kanila, “Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain hangga’t hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

MAGANDANG BALITA NGAYON - PAGGUNITA SA MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES JUAN 2, 1-11 Noong panahong iyon, may kasalan sa Cana,...
11/02/2026

MAGANDANG BALITA NGAYON - PAGGUNITA SA MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES

JUAN 2, 1-11 Noong panahong iyon, may kasalan sa Cana, Galilea, at naroon ang ina ni Hesus. Si Hesus at ang kanyang mga alagad ay naroon din. Kinapos ng alak kaya’t sinabi ng ina ni Hesus sa kanya, “Naubusan sila ng alak.” Sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahon ko.” Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”
Doo’y may anim na tapayan, ang bawat isa’y naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung galon. Nakalaan ang mga ito para sa paglilinis ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio. Sinabi ni Hesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila hanggang sa labi. Pagkatapos, sinabi niya, “Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. Tinikman naman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, bagamat alam ng mga katulong na sumalok ng tubig, kaya’t tinawag niya ang lalaking ikinasal. Sinabi niya rito, “Ang una pong inihahain ay ang masarap na alak. Kapag marami nang nainom ang tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit ipinagpahuli ninyo ang masarap na alak.”
Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea, ay siyang unang kababalaghang ginawa ni Hesus. Sa pamamagitan nito’y inihayag niya ang kanyang kadakilaan, at nanalig sa kanya ang mga alagad.

06/02/2026

MAGANDANG BALITA NGAYON - SABADO NG IKAAPAT NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON / Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

MARCOS 6:30-34 Noong panahong iyon, bumalik kay Hesus ang mga apostol at iniulat ang lahat ng kanilang naisagawa at naituro. Napakaraming taong dumarating at umaalis, anupat hindi na makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Kaya't sinabi niya sa mga ito, "Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nang kaunti." Umalis silang lulan ng bangka, at nagpunta nga sa isang ilang na dako.

Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila. Kaya't mula sa lahat ng bayan, ang mga tao'y patakbong tumungo sa dakong pupuntahan nin Hesus at nauna pang dumating doon kaysa kanila. Paglunsad ni Hesus, nakita niya ang napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay.

MAGNILAY:
KAILANGAN DIN NANG PAHINGA.💜🦋🌱

06/02/2026

𝐏𝐔𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀𝐈𝐍
𝑴𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒏𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒖𝒏𝒂𝒘𝒂𝒊𝒏 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒈𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒔𝒊𝒕𝒘𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒏𝒖𝒔𝒖𝒃𝒐𝒌 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒊𝒚𝒂.

06/02/2026

MAGANDANG BALITA NGAYON - BIYERNES NG IKAAPAT NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON / Paggunita kina San Pedro Bautista, San Pablo Miki at mga Kasama, mga martir

MARCOS 6:14-29 Noong panahong iyon, nakarating kay Haring Herodes ang balita tungkol kay Hesus, sapagkat bantog na bantog na ang pangalan nito. May nagsabi, “Siya’y si Juan Bautista na muling binuhay, kaya nakagagawa siya ng mga himala.” May nagsasabi naman, “Siya’y si Elias.” “Siya’y propeta, katulad ng mga propeta noong una,” anang iba pa.

Sinabi naman ni Herodes nang mabalitaan niya ito, “Muling nabuhay si Juan na pinapugutan ko.” Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan dahil kay Herodias. Ang babaing ito’y asawa ni Felipe na kapatid ni Herodes ngunit kinakasama niya. Laging sinasabi sa kanya ni Juan, “Hindi matuwid na kunin ninyo ang asawa ng inyong kapatid.” Kaya’t si Herodias ay nagkimkim ng galit kay Juan. Hinangad niyang ipapatay ito, ngunit hindi niya magawa, sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Alam niyang ito’y taong matuwid at banal, kaya’t ipinagsasanggalang niya. Gustung-gusto niyang makinig kay Juan, bagamat labis siyang nababagabag sa mga sinasabi nito.

Sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataon si Herodias nang anyayahan ni Herodes sa kanyang kaarawan ang kanyang mga kagawad, mga pinuno ng hukbo, at ang mga pangunahing mamamayan ng Galilea. Pumasok ang anak na babae ni Herodias at nagsayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga panauhin, kaya’t sinabi ng hari sa dalaga, “Hingin mo sa akin ang anumang ibig mo at ibibigay ko sa iyo.” At naisumpa pa niyang ibibigay kahit ang kalahati ng kanyang kaharian kung ito ang hihilingin. Lumabas ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, “Ano ang hihilingin ko?” “Ang ulo ni Juan Bautista,” sagot ng ina. Dali-daling nagbalik ang dalaga sa kinaroroonan ng hari. “Ang ibig ko po’y ibigay ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista,” sabi niya. Labis na nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang sumpa na narinig ng kanyang mga panauhin, hindi niya matanggihan ang dalaga. Kaagad niyang iniutos sa isang bantay na dalhin sa kanya ang ulo ni Juan. Sumunod ang bantay at pinugutan si Juan sa bilangguan, inilagay ang ulo sa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga. Ibinigay naman iyon ng dalaga sa kanyang ina. Nang mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan, kinuha nila ang kanyang bangkay at inilibing.

05/02/2026

Purihin ang Diyos ng lahat, S’ya’y aking Tagapagligtas.

05/02/2026

UNANG PAGBASA
Sirak 47, 2-13

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Si David ay hinirang sa lahat ng kalalakihan sa Israel,
parang taba na inihiwalay sa handog na iniaalay.
Pinaglaruan lamang niya ang leon na wari’y bisirong kambing,
at ang mga oso na wari’y maliliit na tupa.
Binatilyo pa lamang siya nang patayin niya ang higante
at sagipin sa kahihiyan ang bayang Israel.
Pinabagsak niya ang palalong si Goliat,
sa pamamagitan ng isang bato na ibinala niya sa kanyang saltik.
Sapagkat nanawagan siya sa Panginoong Kataas-taasan,
pinag-ibayo nito ang lakas ng kanyang bisig,
at napatay niya ang batikang mandirigma ng kaaway,
upang igalang ng mga bansa ang kapangyarihan ng kanyang bayan.
Kaya’t tinawag siyang “ang nagwagi sa sampu-sampung libo,”
at noong igawad sa kanya ang korona ng pagkahari,
ipinagdiwang siya ng bayan sapagkat hinirang siya ng Panginoon.
Nilupig niya ang kaaway na Filisteo
at pinasuko sila hanggang sa panahong ito.
Nagpasalamat siya sa Diyos, sa lahat niyang nagawa;
sa Kataas-taasan at Kabanal-banalan niya iniukol ang karangalan.
Humabi siya ng mga awit na nagmumula sa kaibuturan ng puso,
upang ipakilala ang pag-ibig niya sa Maykapal.
Naglagay siya ng mga mang-aawit at manunugtog,
upang umawit sa harap ng altar sa saliw ng mga alpa.
Pinaringal niya ang pagdiriwang ng mga pista,
at itinakda ang kanilang mga araw sa loob ng isang taon;
anupa’t umalingawngaw sa tahanan ng Panginoon
ang papuri sa kanyang banal na pangalan,
mula sa pagbukang-liwayway hanggang sa paglubog ng araw.
Pinatawad siya ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan,
at ibinigay sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman.
Iginawad sa kanya ang korona ng pagkahari
at ipinangako sa kanyang angkan ang trono ng Israel.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 17, 31. 47 at 50. 51.

Purihin ang D’yos ng lahat,
s’ya’y aking Tagapagligtas.

Ang Diyos na ito ay ganap ang gawa,
at maaasahan ang kanyang salita;
siya ay kalasag ng mayroong nasa
at naghahanap ng kanyang kalinga.

Purihin ang D’yos ng lahat,
s’ya’y aking Tagapagligtas.

Panginoo’y buhay, s’ya’y Tagapagligtas,
matibay kong moog, purihin ng lahat!
Kaya, pupurihin kita’t aawitan
sa lahat ng bansa nitong daigdigan.
Ako ay aawit sa iyong harapan.

Purihin ang D’yos ng lahat,
s’ya’y aking Tagapagligtas.

Sa piniling hari, dakilang tagumpay,
ang kaloob ng D’yos sa kanyang hinirang;
ang pag-ibig niya’y walang katapusan,
kay David at lahat niyang mga angkan.

Purihin ang D’yos ng lahat,
s’ya’y aking Tagapagligtas.

ALELUYA
Lucas 8, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang Salitang mula sa Diyos
kapag isinasaloob
ay mamumunga nang lubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 14-29

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nakarating kay Haring Herodes ang balita tungkol kay Hesus, sapagkat bantog na bantog na ang pangalan nito. May nagsasabi, “Siya’y si Juan Bautista na muling binuhay, kaya nakagagawa siya ng mga himala.” May nagsasabi naman, “Siya’y si Elias.” “Siya’y propeta, katulad ng mga propeta noong una,” anang iba pa.

Sinabi naman ni Herodes nang mabalitaan niya ito, “Muling nabuhay si Juan na pinapugutan ko.” Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan dahil kay Herodias. Ang babaing ito’y asawa ni Felipe na kapatid ni Herodes ngunit kinakasama niya. Laging sinasabi sa kanya ni Juan, “Hindi matuwid na kunin ninyo ang asawa ng inyong kapatid.” Kaya’t si Herodias ay nagkimkim ng galit kay Juan. Hinangad niyang ipapatay ito, ngunit hindi niya magawa, sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Alam niyang ito’y taong matuwid at banal, kaya’t ipinagsasanggalang niya. Gustung-gusto niyang makinig kay Juan, bagamat labis siyang nababagabag sa mga sinasabi nito.

Sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataon si Herodias nang anyayahan ni Herodes sa kanyang kaarawan ang kanyang mga kagawad, mga pinuno ng hukbo, at ang mga pangunahing mamamayan ng Galilea. Pumasok ang anak na babae ni Herodes at nagsayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga panauhin, kaya’t sinabi ng hari sa dalaga, “Hingin mo sa akin ang anumang ibig mo at ibibigay ko sa iyo.” At naisumpa pa niyang ibibigay kahit ang kalahati ng kanyang kaharian kung ito ang hihilingin. Lumabas ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, “Ano ang hihilingin ko?” “Ang ulo ni Juan Bautista,” sagot ng ina. Dali-daling nagbalik ang dalaga sa kinaroroonan ng hari. “Ang ibig ko po’y ibigay ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista,” sabi niya. Labis na nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang sumpa na narinig ng kanyang mga panauhin, hindi niya matanggihan ang dalaga. Kaagad niyang iniutos sa isang bantay na dalhin sa kanya ang ulo ni Juan. Sumunod ang bantay at pinugutan si Juan sa bilangguan, inilagay ang ulo sa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga. Ibinigay naman iyon ng dalaga sa kanyang ina. Nang mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan, kinuha nila ang kanyang bangkay at inilibing.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Cavite
Carmona
4117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Binhi ng Salita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share