Nuestra Señora del Santisimo Rosario Parish - Lantic, Carmona, Cavite

Nuestra Señora del Santisimo Rosario Parish - Lantic, Carmona, Cavite The official page of the Nuestra Señora del Santisimo Rosario Parish - Carmona, Cavite. Lantic, Carmona, Cavite, under the Vicariate of St.

Page handled by the Ministri sa Pananaliksik at Panlipunang Komunikasyon. The Official page of the Nuestra Señora del Santisimo Rosario Parish of Carmona Estates, Brgy. Joseph of the Diocese of Imus. PANGARAP
Isang sambayanang nagtatalaga sa Diyos, sa marubdob na pakikibahagi sa buhay ng Simbahan, at naglilingkod sa kapwa at buong sangnilikha, sa pamamatnubay ng ating Patrona, Nuestra Señora del Santisimo Rosario. MISYON
Bilang sambayanan, tayo ay nagtatalaga sa patuloy na:
- Pagdiriwang ng mga Sakramento upang matanggap at lumago sa buhay Kristiyano.
- Panghihikayat ng mga mananampalatayang maging aktibong kabahagi sa Munting Sambayanang Kristiyano.
- Paghuhubog sa lahat ng mga lingkod simbahan na mapalalim ang ugnayan sa Diyos at sa kapwa.
- Pagsisikap na makalikom ng katugunan sa mga pangangailangan ng Simbahan, sa pagpapanatili ng kaayusan at sa pangangasiwa ng mga pag-aari nito,
sa pagmamalasakit sa kapwa, at sa pagsasagawa ng iba’t-ibang pamamaraan upang maisakatuparan ang mga programang pansimbahan.

𝐅𝐄𝐀𝐒𝐓 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐋𝐀𝐃𝐘 𝐎𝐅 𝐒𝐎𝐑𝐑𝐎𝐖𝐒 | Setyembre 15, 2026Sa araw na ito, buong-puso nating alalahanin ang matinding hapis at pag...
15/09/2026

𝐅𝐄𝐀𝐒𝐓 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐋𝐀𝐃𝐘 𝐎𝐅 𝐒𝐎𝐑𝐑𝐎𝐖𝐒 | Setyembre 15, 2026

Sa araw na ito, buong-puso nating alalahanin ang matinding hapis at pagdadalamhati ng Mahal na Birheng Maria sa paanan ng Krus kung saan ipinako ang ating Panginoong Hesus.

Ang "Stabat Mater"—isang sinaunang himnong Latin na nangangahulugang "Ang Inang Nakatayo"—ay isang paanyaya sa atin na magnilay. Sa kabila ng matinding pagdurusa ng sariling Anak, hindi tumalikod si Maria. Siya ay nanatiling matatag, tahimik, at buong-pananampalatayang nakatayo sa piling ng Kristo.

Nawa'y tumatak sa ating mga puso at isipan na sa harap ng ating sariling mga pagsubok at dalamhati, matuto tayong manatiling nakatayo at nakakapit sa Diyos.


Sama-sama nating ipagdiwang ang ating Mahal na Ina, Patron nin Kabikolan sa Kapistahan ng Peñafrancia!Inaanyayahan po an...
14/09/2026

Sama-sama nating ipagdiwang ang ating Mahal na Ina, Patron nin Kabikolan sa Kapistahan ng Peñafrancia!

Inaanyayahan po ang lahat, lalo na ang mga Bikolano at mga deboto ng patrona, na makiisa sa ating Pamparokyang Pagdiriwang para sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia.

SCHEDULE OF ACTIVITIES

➡ Sept. 17-19,2026 - Triduum of Our Lady of Peñafrancia

➡ Sept. 20,2026 (Sunday) - FEAST DAY
📍 4:00 PM Holy Mass (Bicol Dialect Mass)
Susundan ng prusisyon pagkatapos ng Banal na Misa

Maraming salamat po!

Viva La Virgen! Viva El Divino Rostro!

Happy Blessed Birthday to His Holiness, Pope Leo XIV!We thank God for your ministry, and may He continue to give you wis...
14/09/2026

Happy Blessed Birthday to His Holiness, Pope Leo XIV!

We thank God for your ministry, and may He continue to give you wisdom, strength, and good health as you guide and serve the Church.

Nuestra Señora del Santisimo Rosario,
intercede for us.

FEAST OF OUR LADY OF SORROWS🗓 September 12-14, 2026Sentenario (Triduum sa Mahal na Ina ng Hapis)🗓 September 15, 2026 (Tu...
12/09/2026

FEAST OF OUR LADY OF SORROWS

🗓 September 12-14, 2026
Sentenario (Triduum sa Mahal na Ina ng Hapis)

🗓 September 15, 2026 (Tuesday) - Feast Day
6:00 PM Holy Mass

Let us remember the Blessed Virgin Mary's suffering and grief during the life and passion of Jesus Christ.

Dalaw Birhen 2026 | September 12, 2026Sa ating pagninilay ngayong araw, inaanyayahan tayo ng Panginoon na matutong magpa...
12/09/2026

Dalaw Birhen 2026 | September 12, 2026

Sa ating pagninilay ngayong araw, inaanyayahan tayo ng Panginoon na matutong magpatawad at magpakumbaba. Sa ating pakikitungo sa kapwa, hindi maiiwasan ang mga pagkakataong tayo ay nasasaktan, nagkakamali, o hindi nagkakaunawaan. Gayunpaman, ipinapaalala sa atin ni Kristo na ang tunay na pagmamahal ay marunong umunawa, magpatawad nang walang sawa.

“Bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo tulad ng pag-ibig ko sa inyo.” Sa pamamagitan ng mga salitang ito, tinuturuan tayo ni Hesus na magmahal hindi lamang sa panahon ng pagkakasundo at kasiyahan, kundi maging sa gitna ng mga pagsubok at hindi pagkakaunawaan. Ang pagpapatawad ay hindi tanda ng kahinaan, kundi pagpapakita ng kababaang-loob at pagtitiwala sa awa ng Diyos. Sa bawat pagpapatawad, binibigyan natin ng pagkakataon ang ating puso na mapalaya mula sa sama ng loob at mapalitan ito ng kapayapaan.

Taos-pusong pasasalamat sa Mofan-Lopez Family sa pagpapatuloy sa Mahal na Birhen.

10/09/2026

DALAW BIRHEN 2026 | PHASE 7B

Dalaw Birhen 2026 | September 10, 2026Sa ating pagninilay ngayong araw, inaanyayahan tayo ng Panginoon na ibigin ang ati...
10/09/2026

Dalaw Birhen 2026 | September 10, 2026

Sa ating pagninilay ngayong araw, inaanyayahan tayo ng Panginoon na ibigin ang ating mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa atin. Huwag nawa nating limitahan ang ating kakayahang maglingkod sa kapwa—ialay natin ang ating buong sarili alang-alang sa iba, sapagkat ganyan ang ginawang pagpapakasakit ng Panginoon para sa iyo.

Ang mismong haligi ng ating pananampalataya ay ang Panginoon: maging mahabagin kayo, kung paanong ang inyong Ama sa langit ay mahabagin.

Matutong magpatawad at magmahal nang walang pasubali, upang ating matamo ang biyayang siksik, liglig, at umaapaw—ang buhay na walang hanggan.

Taos-pusong pasasalamat sa De Jesus Family sa pagtanggap sa Mahal na Birhen.


10/09/2026

KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA | SEPT 08, 2026

𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 | Setyembre 08, 2026Ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng Mahal na Ina ...
08/09/2026

𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 | Setyembre 08, 2026

Ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng Mahal na Ina dahil siya ang Bukang-Liwayway o Dawn of Salvation—ang panimulang pagtupad ng Panginoon sa kaniyang pangako ng kapatawaran sa ating mga kasalanan.

Ang Mahal na Ina ay buhay na tanda ng pag-asa. Kahit ang tao ay nagkakasala, ang Diyos ay patuloy na nagpapadala ng babala at tanda ng pag-asa para sa ating lahat.

Sa tuwing ating makikita ang bukang-liwayway, nawa'y ating maalala na kahit tayo ay tumatalikod sa Panginoon, may pag-asa pa rin.

Maligayang Kaarawan, Inang Maria!


HAPPY BIRTHDAY MAMA MARY!Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria 🗓 September 8, 20263:30 PM - Motorcade5:30 PM...
07/09/2026

HAPPY BIRTHDAY MAMA MARY!

Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria
🗓 September 8, 2026
3:30 PM - Motorcade
5:30 PM - Pagrorosaryo
6:00 PM - Banal na Misa (Main Parish)
7:00 PM - Pag-aalay ng bulaklak at Harana kay Maria

Address

Carmona Estates
Carmona
4116

Opening Hours

Tuesday 8am - 11:30am
2pm - 6pm
Wednesday 8am - 11:30am
2pm - 6pm
Thursday 8am - 11:30am
2pm - 6pm
Friday 8am - 11:30am
2pm - 6pm
Saturday 8am - 11:30am
2pm - 6pm
Sunday 8am - 11:30am
2pm - 6pm

Telephone

+63464436751

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora del Santisimo Rosario Parish - Lantic, Carmona, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Nuestra Señora del Santisimo Rosario Parish - Lantic, Carmona, Cavite:

Shortcuts

Share