Jesus is my Everything

Jesus is my Everything "Sharing daily prayers and Bible verses to strengthen your faith. ✝️ Jesus is my everything, and He can be yours too."

22/10/2025
18/10/2025

Kapag pakiramdam mo ay gusto mo nang sumuko sa buhay, magdasal ka. Makipagusap ka sa Diyos. Maaaring hindi Siya agad sumagot, pero mararamdaman mong gumagaan ang pakiramdam mo. At sa paglipas ng mga araw, unti unti mong mapapansin na lumilinaw ang mga suliranin mo at nagiging magaan ang lahat. KAPIT LANG.

16/10/2025

🙏 Dasal sa Umaga

Panginoon, salamat po sa panibagong araw na ibinigay Ninyo.
Salamat sa paggising, sa hangin na malalanghap,
at sa pagkakataong mag-umpisa muli.

Gabayan N’yo po ako sa lahat ng gagawin ko ngayon
sa trabaho, sa bahay, at sa mga makakasalamuha ko.
Bigyan Ninyo po ako ng lakas kapag napapagod,
ng kalma kapag nalilito,
at ng tapang kapag may pagsubok.

Tulungan Ninyo po akong maging mabuti sa iba,
maging mapagpasensya, at laging magpasalamat
kahit sa maliliit na bagay.

Kasama Kayo sa bawat hakbang ko ngayon, Lord.
Kayo po ang bahala sa lahat.
Amen. 🌼

16/10/2025

Lord, salamat sa araw na ‘to.
Alagaan N’yo po ako habang natutulog,
at bigyan ng pahinga ang isip at puso ko.
Bukas ulit, bagong simula.
Amen. 🤍

15/10/2025

Lord, salamat sa bagong araw.
Gabayan N’yo po ako sa lahat ng gagawin ko ngayon.
Bigyan ng lakas, saya, at tamang desisyon.
Amen. ☀️

15/10/2025

🙏 Dasal Bago Matulog

Panginoon,
maraming salamat po sa araw na ito
sa mga biyayang natanggap,
sa lakas na ibinigay,
at sa pag-iingat Ninyo sa amin.

Patawarin N’yo po kami
kung may mga pagkukulang o pagkakamali kami ngayong araw.
Linisin N’yo po ang aming puso at isipan.

Ngayong gabi, hinihiling ko po
ang payapang pagtulog,
malayo sa anumang sakit, takot, o masamang panaginip.
Yakapin N’yo po kami ng Inyong pag-ibig
at gisingin kaming muli bukas
na may bagong pag-asa at lakas.

Amen. 🌙

14/10/2025
14/10/2025

Address

Carmona
4116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus is my Everything posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share