23/08/2026
Makikita ba sa paraan ng ating pamumuhay na tunay nating iginagalang at sinusunod ang Diyos? 🤍
📖 “Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran, ang sa kanya’y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan.” — Mga Kawikaan 16:6
Ang tunay na paggalang sa Panginoon ay hindi lamang nasa salita. Nakikita ito sa pagpili nating sumunod sa Kanya at lumayo sa kasalanan, kahit walang ibang nakakakita.
🙏 Panginoon, tulungan Mo kaming mamuhay nang tapat, sumunod sa Iyong kalooban, at lumayo sa anumang hindi nakalulugod sa Iyo.