Be a Servant of Living God

Be a Servant of Living God If they hear you they hear me if they reject you then they reject me and the one who sent me.

Bakit ang IGLESIA KATOLIKA ay nagbabautismo hindi Lang mga adults kundi pati mga babies pa lang? Ang infant baptism  po ...
12/05/2020

Bakit ang IGLESIA KATOLIKA ay nagbabautismo hindi Lang mga adults kundi pati mga babies pa lang?

Ang infant baptism po ay nakaugat sa aral ng Lumang Tipan at Bagong Tipan, ito rin ang ginawa at unawa ng mga sinaunang mga cristiano.

Simple lang naman at madaling unawain ang paniniwalang katoliko tungkol dito basta bukas lang ang isipan at unawain ang ATING binabasa ayon sa kontexto ng banal na kasulatan.

Ang ating Panginoon Jesus ay nangaral na DAPAT ang tao ay kailangan MAIPANGANAK MULI sa pamamagitan ng tubig at Espiritu, ito ang bautismo o binyag para makapasok sa KAHARIAN ng DIOS.

Eto po ang sinabi:

Juan 3:5 “Sagot naman ni Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi ito makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Mababasa natin dyan na sinabi ng Panginoon na ang tao ay dapat ipanganak muli. Ang bata po ba ay HINDI pa isang tao? Syempre ang mga sanggol ay mga tao din kaya pasok sila sa sinabihan ni Cristo na dapat ay “ipanganak muli”.

Paano tayo mase-save sa pamamagitan ng bautismo? Dahil tayo ay ipinanganak sa laman ayon kay Adan at Eba. Ang gusto nga Dios ay tayo ay ipanganak muli sa pamamagitan ni Cristo na siyang ikalawang Adan. Tayo ay magiging bagong nilikha sa pamamagitan ng Espiritu Santo, kung gayon at tayo ay magiging anak ng Ama.

Kaya naman tayo ay dapat mababautismuhan sa PANGALAN ng Ama at Anak at ng Espiritu Santo.(Mateo 28:19).

Eto po naman ang sinabi ni San Pablo:

2 Mga Taga-Corinto 5:17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.”

Sa English:

2 Corinthians 5:17 NRSV
[17] So if anyone is in Christ, there is a new creation: everything old has passed away; see, everything has become new!

Sa pamamagitan ni Cristo tayo maging ay adopted adopted children ng Ama.

Sabi ni San Pablo:

Mga Taga-Efeso 1:5 tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban.

Mga Taga-Roma 8:15 Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya nakatatawag tayo sa kanya ng “Ama, Ama ko!”

Ang MGA BATA ay tao rin na ipinanganak, sila rin ay kailangan mapunta sa KAHARIAN ng Dios, hindi po ba?

Eto ang Sabi ng Panginoon:

Lucas 18:16 Ngunit tinawag ni Jesus ang mga alagad at sinabihang, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa KAHARIAN ng Diyos.”

Maliwanag na para makapasok ang tao sa kaharian ng Dios dapat tayo ay ipanganak muli sa tubig at sa Espiritu o bautismo kasama na ang mga bata.

Mababasa natin sa Gawa 2:38-39 ang sinabi ng San Pedro na ang mga ADULTS na mga kausap niya na sila ay dapat magsisi sa kanilang mga kasalanan pagkatapos nun ay magpabautismo. Sinabi rin niya na kasama ang mga bata o kanilang mga anak sa pangako na ito, pero maliwanag na WALANG SINABI na requirement sa mga bata bago bautismuhan.

Eto ang sinabi:

Mga Gawa 2:38 Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo.
Mga Gawa 2:39 Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”

Bakit walang sinabing requirement bago bautismuhan ang mga bata? Ano ba ang kaibahan ng adult sa mga bata? Ang mga bata po ay hindi pa KANYANG gumawa ng kasalanan. Kaya naman sinabi ni Cristo na liban kung maging kagaya tayo ng isang bata ay hindi tayo makakapasok sa KAHARIAN ng Dios. Syempre hindi na kailangan ng mga bata na katulad ng isang bata dahil sila na ay mga bata! Sa pagkakataon na nasisi ang mga adults ng KANYANG mga kasalanan sila ay maging kagaya na ng mga bata, handa na sila para ipanganak muli Kay Cristo.

Mateo 18:3 at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at NAGING KATULAD ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.”

Uulitin ko:

Kaya naman, bago bautismuhan ang mga ADULTS ay kailangan ng pagsisisi para maging katulad na sila ng mga bata na Wala ng personal na kasalanan. Doon ay PAREHAS na ang matanda at bata (adult at infant ) na READY na silang ipanganak ulit sa pamamagitan ng BAUTISMO! Hindi na kailangan pang antayin maging matanda at magkasala bago bautismuhan ang tao. Bakit? Hindi naman requirement na MAGKASALA MUNA BAGO BAUTISMO, it’s the other way around, MAGSISI MUNA para maging kaparehas natin ang mga bata, then tayo ay bautismuhan!

WALANG sinabi si Cristo na magkasala ka muna bago ka ipanganak muli o bautismuhan.

Para mas lalo natin maunawaan ang bautismo at kung bakit hindi lang pang matanda pero para din sa mga bata, dapat unawain natin ang aral ng mga apostol.

Ang BAUTISMO o binyag ay hinalintulad ni San Pablo na sa pagtutuli o circumcision. (Pagtutuli hindi sa pamamagitan ng kamay).

Mga Taga-Colosas 2:11 Sa pamamagitan din ni Cristo, kayo'y tinuli hindi ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu.
Mga Taga-Colosas 2:12 Sa pamamagitan ng bautismo, nailibing kayong kasama ni Cristo at muli rin kayong nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya.”

Dahil ang mga tinutuli noong sa LUMANG Tipan ay HINDI LANG mga matatanda, ang mga batang lalake sa kanilang ikawalong araw ay sila ay ay sumailim sila sa pagtutuli. Yong mga adult na nakokonvert sa Judaism ay sumasailalim sa proseso, pero ang mga bata ay HINDI prerequisite ang mga ito.

Dahil din sa naunawaan ng mga apostol at mga unang cristiano ang konseptong ito, Hindi na kailangan bangitin na may mga batang binautismuhan. Maliwanag ito sa kasaysayan at implied din ito sa Bible. Kaya yong sense na hindi nabanggit na may batang nabautismuhan ay hindi pruweba against sa pagbabautismo sa mga bata. Ang masmabigat ay yong walang pagbabawal at walang age requirement na nakasaad sa banal na kasulatan.

Pruweba na ang mga bata ay tinutuli sa ikawalong araw:

Genesis 17:12 Lahat ng lalaki na isisilang sa inyong lahi ay tutuliin pagsapit ng ikawalong araw, kasama rito ang mga aliping isinilang sa inyong SAMBAHAYAN, gayundin ang mga aliping binili sa DAYUHAN.”

So, maliwanag na kabilang dito ang MGA MATATANDA NA, MGA BATA, at mga DAYUHAN. Ito rin ang mensahe ni SAN Pedro tungkol sa bautismo!

Basa:

Mga Gawa 2:39 Sapagkat ang pangako ay para sa INYO at sa inyong MGA ANAK, at sa lahat ng nasa MALAYO, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”

Sa lumang Tipan ang PAGTUTULI ay:

Sa mga Adult, babies, dayuhan.

Sa Bagong Tipan:

Sa mga Adult, children/babies at sa mga nasa malayo, ibig sabihin ay hindi mga Hudio o dayuhan.

Ang PAGTUTULI at gayon din ang BAUTISMO ay GINAGAWA sa BUONG SAMBAHAYAN.

Wala tayong mababasa na IPINAGBAWAL ang pag bautismo sa mga bata. Ito ay nagbibigay patibay na HINDI BAWAL ito, at more importantly dahil sa kanilang PANINIWALA gaya ng turo ni SAN Pablo na ito ay gaya ng pagtutuli ay HINDI na kailangan specific na banggitin na may mga batang na bautismuhan, bakit? dahil sa naunawaan na nila ito.

In fact, ang pinaka maagang kontrobersyal tungkol sa binyag o bautismo tungkol sa mga bata SA HISTORY ng cristianismo ay HINDI TUNGKOL sa question kung ang mga bata ay dapat bautismuhan, kundi kung dapat ay binyagan bago pa man sa ikawalong araw.

Noong AD 253 sa Council of Carthage ay kinondena ang pagbabawal ng bautismo bago sa ikawalong araw. Alam ng mga unang cristiano ang pag katulad ng pagtutuli sa Lumang Tipan at sa bautismo. Pero dahil ang IGLESIA na itinayo ni Cristo ay binigyan din ng kapangyarihan ituro ang kagustuhan ng Dios, ang IGLESIA KATOLIKA ay itinuro sa mga cristiano na pwede nang bautismuhan mula sa araw ng pagkapanganak ang mga bata.

Eto ang patotoo ng isang cristiano na nabuhay at natoto sa katotohanan kung ano ang pananampalataya at practices ng mga unang cristiano:

Irenaeus
“He [Jesus] came to save all through himself; all, I say, who through him are reborn in God: infants, and children, and youths, and old men. Therefore he passed through every age, becoming an infant for infants, sanctifying infants; a child for children, sanctifying those who are of that age . . . [so that] he might be the perfect teacher in all things, perfect not only in respect to the setting forth of truth, perfect also in respect to relative age” (Against Heresies 2:22:4 [A.D. 189]).

Sa Diyos wala po tayong maililihim, ang lahat po ay hayag at batid po ng Diyos. Ang lahat po ng ating mga ginagawa, mabu...
12/05/2020

Sa Diyos wala po tayong maililihim, ang lahat po ay hayag at batid po ng Diyos. Ang lahat po ng ating mga ginagawa, mabuti man po o masama, ito po ay nakikita ng Diyos.
Maitago man po natin sa tao ang ating mga ginagawang mga kasamaan, gaya nang panglalamang sa ating kapwa.
Pero sa Diyos, wala po tayong maililihim, ang lahat po ay nakikita ng Diyos.
At alam ng Diyos, maging ang laman ng ating isipan.
Kaya samantalahin po natin ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa, hangga’t may pagkakataon pa, na tayo po ay nabubuhay pa dito sa mundong ibabaw.
Iwasan na po natin na makasakit o makapanglamang, at gumawa ng masama sa ating kapwa.
Dahil kung ano po ang ating mga ginawa sa ating kapwa, parang ginawa na rin po natin sa Diyos na siyang lumalang sa atin.
Kaya magtanim po tayo ng kabutihan, at aani po tayo ng kabutihan mula sa Diyos.

Kaya magbago na po tayo hangga’t may pagkakataon pa, at hindi pa po huli ang lahat, dahil hindi po natin madadaya ang Diyos.
Pagdating po ng takdang panahon, tayo pong lahat ay huhukuman ng Diyos, ayon po sa ating mga ginawa, mabuti man po o masama.
Kaya huwag po tayong magsawa sa paggawa ng mabuti, at pagsumikapan po natin ang mga bagay na ukol sa Espiritu.
Iwasan na po natin ang mga bagay na gawa at tukso ng mundo, na nagiging sanhi po ng ating pagkakasala.
Upang makamit po natin ang buhay na walang hanggan, na pangako po ng Diyos sa atin.

GALACIA 6:7-10 MBB
7 Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; ang Diyos ay di madadaya ninuman. Kung ano ang inihasik ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang nagsisikap sa mga bagay ukol sa laman ay aani ng kamatayan. Ang nagsisikap sa mga bagay ukol sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan. 9 Kaya’t huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon, tayo’y mag-aani kung hindi tayo magsasawa. 10 Samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

PURIHIN ANG DIYOS! AMEN

Balewala ang pera Balewala ang magagarang sasakyanBalewala ang malaking mansyon o bahayBalewala ang malaking negosyoBale...
25/04/2020

Balewala ang pera
Balewala ang magagarang sasakyan
Balewala ang malaking mansyon o bahay
Balewala ang malaking negosyo
Balewala ang masasarap na pagkain
Balewala ang mga mamahaling gamit
Balewala ang lahat ng luho
Balewala ang kagandahan at kagwapohan
Balewala ang lahat ng pagpapakasaya
- At higit sa lahat balewala ang lahat ng sinasabi mo!
Dahil lahat ng iyan ay pweding maglaho gaya mo!
Kaya mo ipagmalaki kung ano ang meron ka dahil hindi napapanahon upang gawin yaon.

Ngunit isa lang ang hindi mo dapat balewalain, lalo ngayon nasa sitwasyon tayo ng Pandaigdigang Pandemic

Ang salita ng 'DIYOS' kailanman ay hindi pweding balewalain 💕🙏

Amen.. Q: Do Catholics Worship Images?  A: Catholics do not worship idols or images.  Bowing before an image does not me...
10/04/2020

Amen..

Q: Do Catholics Worship Images?


A: Catholics do not worship idols or images. Bowing before an image does not mean a Catholic is worshipping that image or picture. If it is the image of Jesus, a Catholic is merely giving honor to Him who is represented by the image or picture. It is like the statues of our national heroes that are honored. It doesn’t mean however that we worship such statues or that we believe them to be the same as the persons and heroes they represent. It is also like the photos of our loved ones we keep in our wallets or put in our walls. They remind us of our loved ones. We even kiss such photos out of love for those whom they represent. We DO NOT love the photos for their own sake. We know that they ARE NOT are families and friends.



EXPLANATION:



1. The first commandment forbids making images or idols that people will serve as gods. Catholics HOWEVER, do not serve images of Jesus or Mary or the saints. They are mere representations that are honored in love and in respect of those whom they represent.



God spoke all these words, saying, “I am the LORD your God, who brought you out of the land of Egypt, out of the house of bo***ge.



“You shall have no other gods before me.



“You shall not make for yourselves an idol, nor any image of anything that is in the heavens above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth: you shall not bow yourself down to them, nor serve them, for I, the LORD your God, am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers on the children, on the third and on the fourth generation of those who hate me, and showing loving kindness to thousands of those who love me and keep my commandments.

-Exodus 20:1-6, WEB-BE



Catechism of the Catholic Church states:



2132 The Christian veneration of images is not contrary to the first commandment which proscribes idols. Indeed, "the honor rendered to an image passes to its prototype," and "whoever venerates an image venerates the person portrayed in it." The honor paid to sacred images is a "respectful veneration," not the adoration due to God alone:



Religious worship is not directed to images in themselves, considered as mere things, but under their distinctive aspect as images leading us on to God incarnate. The movement toward the image does not terminate in it as image, but tends toward that whose image it is. (St. Thomas Aquinas)



2. If it is ABSOLUTELY forbidden to make ANY IMAGES in a literal sense in the Old Testament, why then was the instruction to make several graven images in the form of cherubs, flowers and even of a snake?



The LORD said to Moses, “Make a venomous snake, and set it on a pole. It shall happen, that everyone who is bitten, when he sees it, shall live.” Moses made a serpent of brass, and set it on the pole. If a serpent had bitten any man, when he looked at the serpent of brass, he lived. – Numbers 21:8-9, WEB-BE



You shall make two cherubim of hammered gold. You shall make them at the two ends of the mercy seat. Make one cherub at the one end, and one cherub at the other end. You shall make the cherubim on its two ends of one piece with the mercy seat. The cherubim shall spread out their wings upward, covering the mercy seat with their wings, with their faces towards one another. The faces of the cherubim shall be towards the mercy seat. You shall put the mercy seat on top of the ark, and in the ark you shall put the testimony that I will give you. There I will meet with you, and I will tell you from above the mercy seat, from between the two cherubim which are on the ark of the testimony, all that I command you for the children of Israel. – Exodus 25:18-22, WEB-BE



The LORD spoke to Moses, saying, “Speak to Aaron, and tell him, ‘When you light the lamps, the seven lamps shall give light in front of the lamp stand.’”



Aaron did so. He lit its lamps to light the area in front of the lamp stand, as the LORD commanded Moses. This was the workmanship of the lamp stand, beaten work of gold. From its base to its flowers, it was beaten work: according to the pattern which the LORD had shown Moses, so he made the lamp stand.



-Numbers 8:1-4, WEB-BE



It is clear that such IMAGES have been allowed because the intention was NOT to worship such images but to serve other purposes e.g. to decorate, to be an instrument of God’s healing.



It is very different however when the Israelites made the image of a golden calf to SPECIFICALLY AND INTENTIONALLY WORSHIP IT:



The LORD spoke to Moses, “Go, get down; for your people, who you brought up out of the land of Egypt, have corrupted themselves! They have turned away quickly out of the way which I commanded them. They have made themselves a molten calf, and have worshipped it, and have sacrificed to it, and said, ‘These are your gods, Israel, which brought you up out of the land of Egypt.’” – Exodus 32:7-8, WEB-BE





3. When the Lord commanded the Israelites not to make any graven images, it is to help them avoid the temptation of worshipping anything that is not GOD Himself. During that time, God has not yet revealed His image to them. When Jesus came however, the image of God has finally been revealed to men. Thus, when we make statues or pictures depicting Jesus, we are worshipping God Himself. Not that we worship the statue or the picture itself, but the very One whom they depict – Jesus, the very image of God.





Be very careful, for you saw no kind of form on the day that the LORD spoke to you in Horeb out of the middle of the fire, lest you corrupt yourselves, and make yourself a carved image in the form of any figure, the likeness of male or female, the likeness of any animal that is on the earth, the likeness of any winged bird that flies in the sky, the likeness of anything that creeps on the ground, the likeness of any fish that is in the water under the earth; and lest you lift up your eyes to the sky, and when you see the sun and the moon and the stars, even all the army of the sky, you are drawn away and worship them, and serve them, which the LORD your God has allotted to all the peoples under the whole sky. – Deuteronomy 4:15-19, WEB-BE



God, having in the past spoken to the fathers through the prophets at many times and in various ways, has at the end of these days spoken to us by his Son, whom he appointed heir of all things, through whom also he made the worlds. His Son is the radiance of his glory, the very image of his substance, and upholding all things by the word of his power, who, when he had by himself purified us of our sins, sat down on the right hand of the Majesty on high; having become so much better than the angels, as he has inherited a more excellent name than they have. – Hebrews 1:1-4, WEB-BE



NOTE:



More than the literal issue of making a graven image, we should concern ourselves about the true nature of idolatry because idolatry consists of worshipping things other than GOD. When we put other things in our hearts above the importance we are giving to God, we are creating idols for ourselves to worship.



Catechism of the Catholic Church states:



2113 Idolatry not only refers to false pagan worship. It remains a constant temptation to faith. Idolatry consists in divinizing what is not God. Man commits idolatry whenever he honors and reveres a creature in place of God, whether this be gods or demons (for example, satanism), power, pleasure, race, ancestors, the state, money, etc. Jesus says, "You cannot serve God and mammon." Many martyrs died for not adoring "the Beast" refusing even to simulate such worship. Idolatry rejects the unique Lordship of God; it is therefore incompatible with communion with God.

Address

Phase 3
Carmona
4116

Telephone

+639263875625

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Be a Servant of Living God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Be a Servant of Living God:

Share