30/11/2025
๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ๐น ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐
๐๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐
Si San Andres ang "Unang tinawag" ayon sa mga ebanghelyo ay isa sa mga Labindalawang Apostol ni Jesus at kapatid ni San Pedro. Ang pangalang "Andres" ay mula sa Andreia, "pagkalalake, katapangan". Walang pangalan si Andres na naitala sa wikang Hebreo o Aramaiko. Si Andres ay itinuturing na tagapagtatag at ang unang obispo ng Simbahang ng Byzantium. Siya ay itinuturing na isang santong patron ng Ekumenikal na Patriarkada ng Constantinople. Sinasabing namatay si Andres dahil sa pagkakapako sa krus na hugis "X" o ekis, kaya't nagkaroon ng tinatawag na krus ni San Andres.
PANALANGIN
O Malualhating San Andres, ikaw ang unang nakakilala at sumunod sa Kordero ng Diyos . Kasama ang iyong kaibigang si San Juan, nanatili ka sa piling ni Hesus para sa unang araw na yaon. Para sa buo mong buhay, ngayon, para magpakailanman.
Kung paano mo inakay ang iyong kapatid na si San Pedro, at marami pang iba pagkatapos niya tungo kay Kristo. Gayun din naman ako ay ilapit mo ako sa Kanya. Turuan mong akayin ko rin ang iba patungo kay Kristo sa pamamagitan ng pagmamahal sa Kanya at paghahandog ng sarili para Kanyang paglilingkod. Tulungan mo akong matutunan ang aral ng Krus at mabata ang aking pang araw araw na Krus ng walang pagdaing upang maihatid ako nito kay Hesus. Amen.
Apostol San Andres
Ipanalangin mo kami