Subay First Assembly of God Church

Subay First Assembly of God Church Subay Assembly of God

24/05/2026

Welcome, Sunday Worship Service
Subay Assemblies of God

May 24, 2026

“Magbantay kayo, manatiling matatag sa pananampalataya, magpakatapang kayo at magpakatibay.” 1 Corinto 16:13 Sa buhay na...
22/05/2026

“Magbantay kayo, manatiling matatag sa pananampalataya, magpakatapang kayo at magpakatibay.”

1 Corinto 16:13

Sa buhay natin, may mga pagkakataon na nawawalan tayo ng pag-asa, nawawala ng dahilan para magpatuloy, may mga pagkakataon na gusto na nating umayaw. Pero ang 1 Corinto 16:13 ay paalala sa atin na, the Christian life is not a life of fear, but a life of courage anchored in God.

Sa panahon ng pagod, uncertainty, at iba’t ibang pagsubok, tinatawag tayo ng Panginoon na maging handa, mapanalanginin, at hindi basta sumusuko. Ang pagiging matatag sa pananampalataya ay nangangahulugang patuloy tayong kumakapit sa Diyos kahit hindi natin naiintindihan ang lahat ng nangyayari. Ang pagiging matapang ay hindi kawalan ng takot, kundi ang pagpiling magtiwala sa Diyos sa kabila ng takot. Habang nananatili tayong tapat sa Kanya, Siya mismo ang magpapalakas sa ating puso, magbibigay ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan, at gagabay sa atin sa bawat hakbang.

Kaya anuman ang laban na kinakaharap mo ngayon, manatiling nakatingin kay Kristo, dahil sa Kanya, may lakas tayong magpatuloy at magtagumpay.

Pagpalain tayo palagi ng Panginoon!
Mahal ka ng Diyos. ❤️

17/05/2026

Blessed Sunday everyone!
Let us worship the Lord. Come and be blessed! ❤️

17/05/2026

Happy Sunday Everyone!!🥰

5|17|2026

The secret of life is not success, money, or fame.It is knowing God and living by His Word. When we allow His Word to fi...
11/05/2026

The secret of life is not success, money, or fame.
It is knowing God and living by His Word. When we allow His Word to fill our hearts, it changes the way we think, live, and face every challenge in life. Kahit dumaan tayo sa failures, heartbreaks, disappointments, at trials, mananatili tayong matatag dahil ang pundasyon ng ating pananampalataya ay ang Diyos.
Sa dami ng boses sa mundo, piliin nating pakinggan ang Salita ng Diyos, piliin nating pakinggan ang boses ng Diyos. Dahil dito natin matatagpuan ang tunay na buhay at kapayapaan.

Mga Kawikaan 4:20-23
[20] Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. [21] Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim. [22] Pagkat itong kaalaman ay daan ng buhay, nagbibigay kalusuga't kagalingan ng katawan. [23] Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.

10/05/2026

Happy Mother’s Day to a woman of faith and grace. May the Lord continue to strengthen and bless you. Happy Mother’s Day! God bless you always!

Happy Mother’s day! “She is clothed with strength and dignity; she can laugh at the days to come. She speaks with wisdom...
10/05/2026

Happy Mother’s day!

“She is clothed with strength and dignity;
she can laugh at the days to come.
She speaks with wisdom, and faithful instruction is on her tongue. She watches over the affairs of her household and does not eat the bread of idleness.
Her children arise and call her blessed; her husband also, and he praises her: “Many women do noble things, but you surpass them all.””
‭‭Proverbs‬ ‭31‬:‭25‬-‭29‬ ‭

Natatangi kayo, aming mga Ina! Pag-ibig niyo’y tunay na walang kupas at walang kapantay. Pagpalain kayong palagi ng Diyos. Mahal na mahal namin kayo!

Maligayang araw ng mga Nanay! ❤️

10/05/2026

Happy Sunday Everyone!

05|10|2026

Galacia 2:19-21“Ako'y namatay na sa Kautusan sa pamamagitan rin ng Kautusan upang ngayo'y mabuhay para sa Diyos. Namatay...
06/05/2026

Galacia 2:19-21

“Ako'y namatay na sa Kautusan sa pamamagitan rin ng Kautusan upang ngayo'y mabuhay para sa Diyos. Namatay na akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin. Hindi ko maaaring tanggihan ang kagandahang-loob ng Diyos. Kung ang tao'y mapapawalang-sala sa pamamagitan ng Kautusan, walang kabuluhan ang pagkamatay ni Cristo!”

Who is living inside of you?
“Hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin.”

Kapag si Kristo ang nasa sentro ng buhay natin, hindi na tayo basta nabubuhay para sa sarili natin. Ang bawat salita, kilos, at desisyon natin ay nagiging salamin ng Kanyang pag-ibig. Hindi na “ako,” kundi “Siya sa akin.” Kapag si Kristo ang namumuhay sa atin, nagiging buhay na patotoo ang bawat galaw natin.

Minsan kagaya rin tayo ni Pedro, matapang kapag komportable, pero nagdadalawang-isip kapag may takot, pressure, o kapag nalalagay sa panganib ang sariling seguridad.

Bilang tao, may likas tayong kahinaan at tendencies. Madalas umaasa tayo sa sarili nating lakas at karunungan. Ngunit ang tawag ni Cristo ay hindi self-improvement, kundi self-surrender.

Hindi tayo mapupuno ng Diyos kung punong-puno pa tayo ng sarili. We must deny ourselves and empty ourselves, sapagkat kasama na nating ipinako ang dating pagkatao kay Cristo sa krus, pati ang ating mga makataong tendencies.

We were created with Purpose, at ang tunay na kahulugan ng buhay ay matatagpuan lamang kapag si Cristo ang nabubuhay sa atin.

✨ Yet not I, but Christ in me.

Tanong: Sino ang tunay na nabubuhay sa loob mo?

‎Don’t let evil conquer you, but conquer evil by doing good.‎ ~Romans 12:21 ‎Good reminder po sa ating buhay. Dahil nasa...
04/05/2026

‎Don’t let evil conquer you, but conquer evil by doing good.
‎ ~Romans 12:21

‎Good reminder po sa ating buhay. Dahil nasa mundo po tayo na punong-puno ng kasalanan at kasamaan.

Sabi nga po na kung tunay na mananampalataya ang isang tao, makikita po ito at malalaman sa way po ng kanilang pananalita (words) or sa pagiging good examples nila (actions). Madali pong maging mabuti sa mata ng karamihan or in public pero paano na po tayo or sino na po tayo kapag nag iisa nalang po tayo? Do we still call ourselves Christian? Born again?

Palagi po natin tatandaan na hindi po sa dami ng ating mabubuting ginagawa o dahil wala tayong taong tinatapakan na ibang tao matatawag na po tayo agad na Kristiyano or follower of Christ. Pero sa kung paano po tayo talaga "nagbubunga" CHRIST-LIFE /CHRIST-LIKE.

Kung si Jesus po tinukso pa ng kaaway naka prayer and fasting na ng 40 days and 40 nights tayo pa kayang hindi man lang po maka isang oras na pagpeprayer and devotion. Think about it mga kapatid…How will you conquer evil ? Kung personal time kay Lord wala ka. Paano natin mamahalin o patatawarin ang mga taong nakapanakit sa atin o nanira sa atin kung hindi naman talaga natin naiintindihan ang tunay na pag-ibig na nagmumula kay Kristo.

Mga kapatid maganda po ang paalala sa atin ng Panginoon ngayung araw hindi lang basta mahalin si Lord o ang kaaway mo kundi, ipakita mo na si Hesus talaga ang namumuhay sa buhay mo. Let the fruits of the Holy spirit rest and live upon you!

Sa pagsasabuhay natin ng bunga ng espiritu, nawa’y mabunga din tayo bilang isang Kristyano.


‎Mapagpalang araw mga kapatid! ✨

Address

Purok 5, Dela Paz Street
Cardona
1950

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Subay First Assembly of God Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share