11/07/2025
Hulyo 11 | PAGGUNITA KAY SAN BENITO, abad
Ama ng Monastisismong Kanluranin at Patron laban sa Pagkalason, at ng Europa
Manalangin tayo:
Ama naming makapangyarihan,
itinampok mo ang abad na si San Benito
bilang dakilang tagapagturo
sa mga nagpapakadalubhasa sa paglilingkod sa iyo.
Tanging pag-ibig sa iyo ang amin nawang mapahalagahan
para taluntunin naming maliksi at bigay na bigay
ang landas ng pagsunod sa iyong kautusan,
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
San Benito ng Nursia, ipanalangin mo kami.