06/04/2026
Ang pagiging camarero ay hindi lamang simpleng paglilingkod ito ay isang tahimik na panata. Sa bawat pagbuhat ng banal na imahen, kasabay nito ang pagbubuhat ng sariling krus mga pagod, hirap, at sakripisyong hindi nakikita ng iba. Ngunit sa likod ng bawat hakbang, may dasal; sa likod ng bawat pawis, may pagmamahal. Dito nasusubok ang tunay na debosyon hindi sa lakas ng katawan, kundi sa tibay ng pananampalataya. Sapagkat ang pagiging camarero ay hindi lang tungkulin tuwing Semana Santa, kundi isang paanyaya na isabuhay araw-araw ang kababaang-loob, pagtitiis, at wagas na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.
Santa Maria Ina ni Juan Marcos
Camarero: Eric & Rosalie Delos Reyes