Bethel Christian Church - DUBAI

Bethel Christian Church - DUBAI BethEL is a Hebrew word for HOUSE [beth] of GOD [eL].

13/08/2026

HANGAL/FOOL 2026
shortened video

13/08/2026
29/07/2026

LAKAS NANG MGA TATAY... June 2026 (trimmed video)

18/06/2026

BAKIT KAILANGAN PANG MAMATAY SI JESUS SA KRUS PARA SA IYO? 2026

LINDOL NA NAMAN!!Minsan na naman tayong ginulantang nang isang malakas na lindol. Actually hindi lang tayo maging sa Sai...
08/06/2026

LINDOL NA NAMAN!!
Minsan na naman tayong ginulantang nang isang malakas na lindol. Actually hindi lang tayo maging sa Saipan at nagkaruon pa nang Tsunami threat duon. Hindi na bago ang ganitong balita sa atin, taon taon na lang ay nililindol tayo at asahan natin marami pang lindol tayong mararanasan.
Subalit kapag maraming damaged at namamatay ang nababalita, hindi maiwasan nang mga tao ang mabahala, mahintakutan at mapaisip sa katapusan nang mundo. Sabagay tama lamang naman ito, sapagkat kada lindol ay isang paalala sa ating mga tao, sapagkat madali kasi tayong makalimot, na malapit nang bumalik si Lord.
Matthew 24:
6 Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. 7 Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. 8 Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.
Ang sabi, t.6 “bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo”, t.7 “ito’y pasimula pa lamang.” Ibig sabihin paramdam pa lang o patikim.
Ang balita ay sa Mindanao at Saipan pa lamang.
Subalit pagdating nang 3 ½ taon nang Great Tribulation, sa pagbuhos ng sobrang galit ng Dios sa mundo, isang sobrang grabeng napakalakas na lindol ang magaganap sa lahat nang mga bansa sa buong mundo nang magkakasunod kung di man magkakasabay.
Kung ang Pilipinas ay naghihintay nang the BIG ONE, ang mundo naman ay naghihintay nang THE BIGGEST O GREATEST ONE EVER!
Pahayag 16:18-21 MBB
18 Kumidlat, kumulog, at lumindol nang napakalakas. Ito ang pinakamalakas na lindol mula pa nang likhain ang tao dito sa lupa. 19 Nahati sa tatlong bahagi ang malaking lungsod, at nawasak ang lahat ng lungsod sa buong daigdig. Hindi nga nakaligtas sa parusa ng Diyos ang tanyag na Babilonia. Pinainom siya ng Diyos ng alak mula sa kopa ng kanyang matinding p**t. 20 Umalis ang lahat ng mga pulo at nawala ang lahat ng mga bundok.
Patuloy pa rin ang panawagan nang Dios sa sangkatauhan.
2 Pedro 3:9 mbb
Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.
Habang may panahon pa isuko mo na ang buhay mo sa Dios. Huwag ka nang magmatigas pa sa Dios.

TITLE:Mamili Ka: Maging Lingkod ng Panginoon o Maging Alipin ng Diablo?Ako nga ba'y lingkod ng Panginoon? Sino ba talaga...
08/06/2026

TITLE:Mamili Ka: Maging Lingkod ng Panginoon o Maging Alipin ng Diablo?
Ako nga ba'y lingkod ng Panginoon?
Sino ba talaga ang aking pinaglilingkuran sa araw-araw?
Ang mga desisyon ko ba ay nagpapakita ng pagsunod sa Diyos o sa kasalanan?
Kung ngayon ang huling araw ng aking buhay, kanino ako nabibilang?
Tinawag tayo ng Diyo upang maging lingkod Niya.
Nais nga ba nating maging alagad ng Panginoon?
Mateo 28:19-20 MBBTAG12
[19] Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. [20] Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
Juan 15:16 MBBTAG12
[16] Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo.
Sa panahon ngayon, maraming tao ang nagsasabing sila ay malaya. Ngunit ayon sa Biblia, walang tao ang tunay na walang pinaglilingkuran. Ang bawat isa ay may sinusunod na panginoon. Maaaring tayo ay lingkod ng Diyos o alipin ng kasalanan at ni Satanas.
Ang tanong ay hindi kung may pinaglilingkuran tayo kundi kung sino ang ating pinaglilingkuran.
Take Note!
Lingkod
Ang lingkod ay kusang-loob na naglilingkod dahil sa pagmamahal, pagtitiwala, at paggalang sa kanyang Panginoon. Siya ay may relasyon sa kanyang pinaglilingkuran.
Alipin
Ang alipin ay nasa ilalim ng kontrol at kapangyarihan ng kanyang amo. Siya ay bihag at walang kalayaang gumawa ng tama dahil siya ay nakatali sa kanyang kalagayan.
SCRIPTURE:
Josue 24:15 MBBTAG12
[15] At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.”
Isa sa pinakamahalagang desisyon sa buhay ay kung sino ang ating paglilingkuran. Maraming tao ang nag-aakala na maaari silang manatiling neutral.
Ngunit ang sabi ng Panginoon, walang gitnang daan. Kung hindi tayo sumusunod sa Diyos, tayo ay nasa ilalim ng impluwensya ng kaaway.
Ang hamon ni Josue sa Israel ay hamon din sa atin ngayon: "Piliin ninyo sa araw na ito." Hindi bukas. Hindi sa susunod na taon. Kundi ngayon.
Nasa ating mga kamay ang desisyon kung tayo ay magiging lingkod ng Panginoon o alipin ng diyablo.
Ang Diyos ay hindi namimilit. Binibigyan Niya tayo ng kalayaan upang pumili. Ngunit ang bawat pagpili ay may kaakibat na bunga.
Kapag pinili natin ang Diyos, tumatanggap tayo ng buhay, kapayapaan, at kaligtasan.
Kapag pinili natin ang kasalanan, inilalagay natin ang ating sarili sa ilalim ng kapangyarihan ng kaaway.
I. Ang Lingkod ng Diyos ay Kusang Naglilingkod, Ang Alipin ni Satanas ay Nakagapos sa Kasalanan
Mga Taga-Roma 6:16 MBBTAG12
[16] Hindi ba ninyo alam na kapag nagpasakop kayo sa sinumang inyong sinusunod, kayo'y nagiging alipin nito, maging ito'y kasalanang hahantong sa kamatayan, o ang pagsunod sa Diyos na hahantong sa pagiging matuwid?
Ang lingkod ng Diyos ay naglilingkod dahil sa pag-ibig at pananampalataya. Ang alipin ni Satanas naman ay nakakadena sa kasalanan.
Kapag ang tao ay patuloy na nagpapasakop sa kasalanan, unti-unti siyang nagiging bihag nito.
Juan 8:34 MBBTAG12
[34] Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: ang gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan.
Hindi tayo nilikha ng Diyos upang maging alipin ng kasalanan. Tayo ay nilikha upang magkaroon ng kaugnayan sa Kanya.
II. Ang Lingkod ng Diyos ay May Kalayaan, Ang Alipin ni Satanas ay May Pagkagapos
2 Mga Taga-Corinto 3:17 MBBTAG12
[17] Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon ay mayroong kalayaan.
Ang tunay na kalayaan ay hindi paggawa ng kahit ano ang gusto natin. Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang gawin ang tama sa harapan ng Diyos.
Juan 8:36 MBBTAG12
[36] Kung ang Anak ang magpalaya sa inyo, kayo nga'y magiging tunay na malaya.
Maraming tao ang akala nila ay malaya habang sila ay nalululong sa bisyo, imoralidad, kasakiman, at kasalanan. Ngunit ang katotohanan, sila ay nakatali.
Tanging si Cristo lamang ang makapagpapalaya.
III. Ang Lingkod ng Diyos ay Pinararangalan, Ang Alipin ni Satanas ay Sinisira
Juan 12:26 MBBTAG12
[26] Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroroon din siya. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.”
Napakalaking pribilehiyo ang maging lingkod ng Hari ng mga Hari.
Hindi tayo basta utusan lamang ng Diyos. Tayo ay Kanyang mga anak, kaibigan, at tagapagmana ng Kanyang kaharian.
1 Pedro 2:9-10 MBBTAG12
[9] Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. [10] Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap na kayo ng kanyang habag.
Samantalang si Satanas ay walang ibang layunin kundi gamitin at sirain ang tao.
Juan 10:10 MBBTAG12
[10] Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.
Kapag natapos nang gamitin ni Satanas ang isang tao, iiwan niya itong wasak.
Ngunit kapag naglingkod tayo sa Diyos, tayo ay Kanyang pinagpapala at pinararangalan.
IV. Ang Lingkod ng Diyos ay Tumatanggap ng Buhay na Walang Hanggan, Ang Alipin ni Satanas ay Patungo sa Kapahamakan
Mga Taga-Roma 6:23 MBBTAG12
[23] Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
May dalawang destinasyon lamang.
Ang daan ng kasalanan ay patungo sa kapahamakan.
Ang daan ng pagsunod sa Diyos ay patungo sa buhay na walang hanggan.
Mateo 7:13-14 MBBTAG12
[13] “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. [14] Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”
Ang pagpili ay nasa ating mga kamay.
APPLICATION :
1. Suriin kung sino ang tunay na naghahari sa iyong buhay.
Mga Taga-Galacia 2:20 MBBTAG12
[20] Kaya hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin.
Kung si Cristo ang Panginoon ng ating buhay, makikita ito sa ating mga desisyon, salita, at pamumuhay.
2. Talikuran ang anumang nag-aalipin sa iyo.
Mga Gawa 3:19 MBBTAG12
[19] Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin ang inyong mga kasalanan,
Hindi kailangang manatili sa tanikala ng kasalanan sapagkat may kapatawaran sa Panginoon.
3. Piliing maglingkod sa Diyos araw-araw.
Mga Taga-Colosas 3:23-24 MBBTAG12
[23] Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. [24] Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.
Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi pabigat kundi isang karangalan.
4. Huwag magpalinlang at huwag magpaalipin kay Satanas.
Mga Taga-Efeso 4:27 MBBTAG12
[27] Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.
Maraming paraan ang kaaway upang ilayo tayo sa Diyos. Maging mapagbantay at manatiling tapat sa Panginoon.
CONCLUSION:
Mga kapatid, ang buhay ay puno ng pagpili. Ngunit walang pagpiling mas mahalaga kaysa sa pagpili kung sino ang ating paglilingkuran.
Maaari tayong maging lingkod ng Diyos o alipin ng diyablo. Hindi maaaring pareho.
Ang lingkod ng Diyos ay may kapayapaan, kalayaan, karangalan, at buhay na walang hanggan.
Ang alipin ni Satanas ay nakatali sa kasalanan at patungo sa kapahamakan.
Kaya ngayong araw, pakinggan natin ang panawagan ni Josue:
"Piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran."
Huwag tayong magpaalipin kay Satanas. Talikuran natin ang kasalanan. Yakapin natin ang biyaya ng Diyos.
Sapagkat isang napakalaking pribilehiyo ang maging lingkod ng Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.

✨ If this message blessed you, encouraged you, or spoke to your heart…
Please don’t keep it to yourself.
👉 Like.
👉 Share.
👉 Follow MarkHisWords.
Let’s spread God’s Word together. 🙏
God bless you abundantly!

https://www.facebook.com/share/p/1Dv36o7sow/
31/05/2026

https://www.facebook.com/share/p/1Dv36o7sow/

"Anak, kapag lumalalim tayo sa Diyos, nagiging consistent din tayo sa ating prayer and devotion. Hahanap hanapin mo araw-araw ang pananalangin at pagbabasa ng Salita ng Diyos."

Joshua 1:8: "Keep this Book of the Law always on your lips; meditate on it day and night, so that you may be careful to do everything written in it."

> Follow our Usapang Discipleship page for more discipleship talks everyday. Thank you

> Follow us also on Instagram👇
https://instagram.com/usapangdiscipleship?igshid=1tlfemrpahasi

26/05/2026

SPIRITUAL WARFARE 2026 (shortened video)
PRAYER AT ANG DAIGDIG NANG ESPIRITU/ANGHEL
MATATAG NA PAMILYANG LUMALABAN SA DIABLO

Address

Capas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bethel Christian Church - DUBAI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share