24/12/2025
Para ito sa lahat ng mga kapwa Pilipino nating magpapaskong pinalubog ng baha at hindi pa alam kung paano magsisimula,
mga Pilipinong nawalan ng mahal sa buhay,
mga Pilipinong hindi makakasama ang pamilya dahil sa kakulangan ng oportunidad dito sa ating bansa,
mga Pilipinong patuloy na ninanakawan.
Ilang buwan na ang lumipasโsamuโt saring isyu ng korapsyon, ibaโt ibang anyo ng pagmamalabis pero hindi na pinag-uusapan. Wala ng mga post sa Facebook, wala ng mga rally sa daan, wala ng galit, at wala ng naniningil.
๐ก๐๐ก๐๐๐ง๐ข ๐๐๐ ๐. ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ข๐ง.
Kabahagi ninyo kami. Hindi kami tatahimik.
Hindi kami sasabay sa paglimot.
Sa gitna ng kandila, awit, at dasal, patuloy naming tatawagin ang pananagutan, ipapaalala ang at patuloy na pagsusulong sa tapat na paglilingkod.
Ito ang aming paninindigan:habang may Pilipinong naghihirap, habang may hustisyang ipinagkakait, habang may Paskong hindi makatarungan mananatili kaming nandito. Gising. Naniningil.
Maging tanda ang pagdating ni Kristo ng isang pag-asa para sa ating bansa, na nawaโy patuloy tayong iligtas mula sa kawalang-pakialam,
mula sa takot at katahimikan,
at mula sa sistemang patuloy na umaapi sa ating bayan.