28/08/2026
โANG BAWAT HAKBANG NA SA BUHAY KO, SAโYO MARIA INIHAHABILIN KOโ
Sa bawat pagdating ng Sabado, muling nagkakaisa ang mga puso ng mga deboto upang magbigay-pugay at manalangin sa Mahal na Birhen ng Candelaria, ang Ina ng Bayan ng Candelaria, isang milagrosang imahe na naging bukal ng kabanalan, pag-asa, liwanag, at gabay para sa kanyang mga anak.
Ang Mahal na Birhen ng Candelaria ay patuloy na nagpapaalala sa atin ng tunay na pinagmumulan ng liwanag. Sa panahong tayo ay nangangailangan ng liwanag sa gitna ng mga pagsubok at dilim ng buhay, itinuturo niya sa atin ang kanyang Anak, Ang Panginoong Hesukristo, ang tunay na Liwanag ng sanlibutan. Sa pamamagitan ni Maria, mas lalo nating nakikilala, minamahal, at napapalapit ang ating mga puso sa Diyos Ama.
Sa patuloy na pag-usbong at paglawak ng debosyon sa Mahal na Ina, halina at sama-sama nating patatagin ang ating pananampalataya at patuloy na magbigay ng karapat-dapat na pagpaparangal sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Candelaria. Nawaโy ang bawat panalangin, kandila, at munting alay ng bawat deboto ay maging tanda ng isang pusong buong pagtitiwalang sumasampalataya sa Diyos.
Ang Mahal na Birhen ng Candelaria ay isang buhay na patunay ng matatag na pananampalataya ng mga Kristiyano. Sa paglipas ng maraming taon, lalo pang lumalalim ang debosyon ng mga tao sa kanyang banal na imahe. Isa sa mga natatanging pagpaparangal na iniaalay sa kanya ay ang Sayaw Parangal, isang tradisyong nagbibigay-buhay sa pananampalataya at nagpapakita ng pagmamahal at pasasalamat ng mga deboto sa Mahal na Ina tuwing sumasapit ang kanyang Dakilang Kapistahan.
Sa panahon ng kapistahan, libo-libong deboto mula sa ibaโt ibang panig ng bansa ang dumadayo sa Candelaria upang makiisa sa pagdiriwang at masaksihan ang Orihinal at Milagrosang Imahe ng Mahal na Birhen ng Candelaria. Kasabay ng maringal na paglabas ng Orihinal na Imahe ay ang pagsasagawa ng Sayaw Parangal bilang isang natatanging pagpupugay sa Mahal na Ina. isang pagpapahayag ng pananampalataya, pasasalamat, at pag-ibig ng kanyang mga anak.
At hindi lamang tuwing kapistahan na naipapakita ang ating debosyon. Tuwing Sabado, ganap na ika-6:00 ng umaga, muling nagtitipon ang mga deboto para sa araw ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Candelaria. Isinasagawa rito ang isang natatanging tradisyon ng pagpuputong ng Mahal na Birhen sa ulo ng bawat deboto, bilang tanda ng kanilang pagtanggap sa kanyang paggabay, pag-iingat, at pagiging Ina sa kanilang buhay.
Kasabay nito ang pagbababasbas ng mga kandilang dala ng bawat deboto, na sumasagisag sa liwanag ni Kristo na patuloy na nagniningning sa ating mga puso at tahanan. Ang bawat kandila ay tila panalangin, isang munting liwanag na iniaalay sa Diyos, dala ang mga kahilingan, pasasalamat, pag-asa, at hangarin ng bawat pamilyang lumalapit sa Mahal na Ina.
Sa paglipas ng panahon, patuloy na dumarami ang mga debotong lumalapit sa Mahal na Birhen ng Candelaria. Mula sa mga matatanda hanggang sa mga kabataan, patuloy na naipapasa ang debosyon mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Sa kanyang taglay na kadakilaan at sa pamamagitan ng kanyang mapagmahal na paggabay, patuloy niyang inaakay ang Bayan ng Candelaria tungo sa kanyang Anak na si Hesukristo.
Halina, mga deboto!
Makiisa sa banal na debosyon tuwing Sabado, ika-6:00 ng umaga, at sama-sama nating sindihan ang liwanag ng pananampalataya sa ating mga puso.
Mahal na Birhen ng Candelaria,
Ina ng Bayan ng Candelaria,
Ilaw at gabay ng iyong mga anak,
ipanalangin mo kami at akayin patungo kay Hesukristo.
Viva la Virgen de Candelaria!
Viva la Virgen!