18/08/2026
Taken on my Archived videos year 2022.
Thereβs no pain he is now in the bossom of our Lord Jesus Christ. Kahit noong nabubuhay ka pa di ko nalilimutan na magpasalamat sa iyo alam ng ating kapatid yan na sa simulaβt simula ay nakasama ka na ng member ng OIC Candelaria, mula sa bible study pa lang at hindi pa church talaga. Ikaw yung tao na hanggat na may maiitutulong na makakaya niyang gawin. Hindi po siya maramot, giver po sya. Siya ang nagregalo after ng christmas year 2022 sa Oic Candelaria ng bagong sound mixer Kasa-kasama namin sya sa pioneering ng Oic Candelaria hanggang dinala na kami ni Lord sa magandang lugar na pagtitipon.
Ang pag suporta nya sa Oic Candelaria ay hanggang ganun na lang. Every 4th sunday of the month sya ay nag volunteer na mag preach para matulungan ako sa pulpit ministry kasama ang kanyang pamilya ate liezel, samuel at eman.
Si ate liezel ang worship leader, si sam naman ang guitarist at eman ang nag set up ng sounds system and lights kasama ang kanyang ama.
Siya rin po ang kasasama namin para kausapin ang owner sa unang location ng ating Oic Candelaria para sa lugar ng pananambahan.
Siya ay yung taong palaging mag ooffer ng tulong. May kusang palo , ito yung natutunan namin nung kami ay mga binata pa sa leadership ng Oic Family at mga bilang singing group noon. Strict kami sa oras dahil yan ang itinuro sa amin ng aming Spiritual Father Ps Mar Malibiran, Jr na kung maging maayos ka sa oras ay masasabi na maayos ka ring kausap na tao.
Ang interest nya ay pag usapan ang mga current events, latest news about the issues of the government about sa Oic Gibanga as pioneering din na ano pa ang pwedeng gawin nya.
Kahit mahirap na ang sitwasyon nya kahit nakasaklay na siya, tuloy pa rin ang preaching niya ng 4th sunday sa Oic Candelaria. Sabi nya sa congregation wag ninyo ako kakaawaan. Hindi hadlang ang mga ito para hindi makapaglingkod sa Diyos!
Maraming memories ang aking ma-mimiss sa kanya, his opinions and vision about the ministry na isang araw it will be fulfilled. Siya ay palaging on Call sa pakikipag usap. It will last 4 hours ang aming convo.
May kasama na mga tawanan, funny jokes sa isang seryosong tao na kapag di mo sya kilala parang palaging seryoso na bibilhin mo ang ngiti nya.
Pero hindi. Masarap makasama sya, yung wisdom nya ay naroon. Ang lahat ng ito, ay palagi ko sinasabi sa kanya salamat nung nabubuhay pa. Dahil kapag wala na sya, di na niya maririnig ang mga ito. Marami pang kwento mula sa kanya.
Ps audie, you Fight the good fight of Faith! Glory to God.
Mula po sa Oic Candelaria and members ang aming taus-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa pamilya na naiwan ni Pastor audie Valdez. Ang ating Panginoong Hesus ang ating kalakasan sa tuwina.
Glory to God!