22/08/2026
𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗧𝗢𝗟, 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔
Buong galak at pasasalamat na inaanyayahan ang lahat sa Banal na Pagdiriwang ng Eukaristiya at Rito ng Kanonikal na Pagtatalaga kay
REV. FR. ARWIN E. YSONZA
bilang ating Bagong Kura Paroko at Pastol ng
Parokya ni San Vicente Ferrer – Candelaria, Zambales.
Kasabay nito ang Pormal na Pagtanggap at Pagbati sa ating Bagong Pastol, gayundin ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan bilang pasasalamat sa Diyos sa biyaya ng kanyang buhay at bokasyon.
Agosto 26, 2026 | 9:00 N.U.
Parokya ni San Vicente Ferrer
Candelaria, Zambales
Ang Banal na Misa ay pangungunahan ng
Lub. Kgg. Most Rev. Bartolome G. Santos Jr., D.D.
Bishop of Iba
Halina't makiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito habang sama-sama nating tinatanggap ang ating bagong pastol at ipinagkakatiwala sa Panginoon ang kanyang paglilingkod sa ating pamayanang parokyal.