Mary Help Of Christians

Mary Help Of Christians Pray for Covid

Maikling Kasaysayan ng Debosyon Kay Maria Mapag-amponPatuloy na nararanasan ng mga Kristiano ang bisa ng tulong ni Maria...
24/05/2026

Maikling Kasaysayan ng Debosyon Kay Maria Mapag-ampon

Patuloy na nararanasan ng mga Kristiano ang bisa ng tulong ni Maria sa lahat ng panahon at pagkakataon. Dahil dito, patuloy rin ang kanilang pagdulog kay Maria, sa matibay na pananalig na kanilang matatanggap ang kaniyang pagkalinga at tulong sa lahat ng kanilang pangangailangan at paghihirap, pangkalahatan man o pansarili.
Subalit ang makapangyarihang pamamagitang ito ay higit na naipamalas nang may ganap na kaluwalhatian noong taong 1572, nang makamit ng hukbo ng Krus, salamat sa tulong ni Maria, ang tahasan at ganap na tagumpay sa digmaang-pandagat ng Lepanto laban sa hukbong dagat ng mga Turko. Bilang paggunita sa natatanging tagumpay na ito, itinakda ni Papa San Pio V ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Kabanal-banalang Rosaryo at ang pagdaragdag sa Litaniya ng Mahal na Birhen ng panalanging AUXILIUM CHRISTIANORUM, ORA PRO NOBIS! MAPAG-AMPON SA MGA KRISTIYANO, IPANALANGIN MO KAMI!
Di nagtagal, ang Mahal na Birhen ay muling sumaklolo sa hukbo ng mga Kristiyano laban sa mga Turko na malapit na sa muog ng Vienna noong 1682. Bilang pasasalamat, itinatag ni Papa Inocente XII ang kauna-unahang Kapatiran ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano. At noong Mayo 24, 1814, matagumpay na bumalik sa Roma si Pio VII pagkatapos ng kanyang matagal na pagkabihag at pagkatapon sa ilalim ng kapangyarihan ni Napoleon. Bilang pasasalamat sa tulong na kanyang natanggap kay Maria na patuloy niyang tinatawagan sa taguring AUXILIADORA, itinalaga niyang panghabang panahon na ang araw na iyon ay ipatungkol sa Mahal na Birhen. Sa madaling salita ay natatag ang kapistahan ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano.
Gayunpaman, maaaring nabaon na lamang sa limot ang maluwalhati at kalugud-lugod na debosyong ito kung hindi dahil sa isang tapat na anak ni Maria na naghatid ng bagong paningin at pagpapalaganap nito. Siya si San Juan Bosco (1815-1888 na siyang nagtatag, sa pamamagitan ng inspirasyon, sa ilalim ng pamamatnubay, at kasama ang tahasang pakikipagtulungan ng Mahal na Birhen, ng isang gawaing laganap sa buong daigdig para sa kapakanan ng kabataan - ang apostolado ng Kongregasyon ng mga Salesyano. Itinayo ni San Juan Bosco noong 1868 sa Torino ang matayog na Basilica ni Maria Mapag-ampon, na naging bunga ng napakaraming himala. Marami pa siyang ginawang himala sa tulong ng panalangin kay Maria. At bilang pasasalamat sa kanyang tagapag-adya sa langit, itinatag din ni Don Bosco ang Kongregasyon ng mga Anak ni Maria Auxiliadora para sa kababaihang handang gawin para sa mga kabataang babae ang ginagawa ng mga Salesyano para sa mga kabataang lalaki.
Hanggang ngayon, ang ating Ina sa langit, si Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano ay patuloy na tinatawagan at minamahal sa lahat ng dako ng daigdig. Siya naman ay patuloy sa pagkalinga sa kanyang mga anak na sa kanya’y namimintuho sa pamamagitan ng pagsasagawa para sa kanila ng mga di mabilang at walang hanggang himala.

Tara na po dine sa bulihan at maki-isa sa pag diriwang ng banal na misa bilang pag hahanda sa pag silang ng ating Pangin...
14/12/2025

Tara na po dine sa bulihan at maki-isa sa pag diriwang ng banal na misa bilang pag hahanda sa pag silang ng ating Panginoon at tagalagligtas na si Hesukristo. Amen. Alleluia.

MEETING 2025
16/06/2025

MEETING 2025

Mapagpalang Buwan ng Hunyo sa ating lahat!Ngayon po ay buwan na ng Hunyo, na nangangahulugang nalalapit na ang kapistaha...
31/05/2025

Mapagpalang Buwan ng Hunyo sa ating lahat!

Ngayon po ay buwan na ng Hunyo, na nangangahulugang nalalapit na ang kapistahan ng ating mahal na patrona, Santa Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano, dito po sa MSK Bulihan, Kinatihan I, Candelaria, Quezon.

Kaya’t ano pa po ang hinihintay ninyo? Inaanyayahan po namin kayong makiisa at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang ating natatanggap sa pamamagitan ng panalangin at tulong ng Mahal na Birheng Maria.

Inaanyayahan ko po kayong dumalo sa Banal na Misa sa ganap na ika-8:00 ng umaga, sa pangunguna ni RDO Fr. Jay Mark Jaluague. Hinihikayat din po namin kayong dumating bago mag-ika-7:30 ng umaga upang makiisa sa panalangin ng Banal na Santo Rosario.

Maraming salamat po, at taimtim naming inaasahan ang inyong pagdalo sa ating munting Tuklong.

HAPPY FIESTA, MSK BULIHAN! πŸŽ‰πŸ™
Viva Santa Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano!

05/06/2024

Thank you po sa lahat ng tumulong, nag pagal at nag pagod para sa ating Fiesta dito sa Sitio Bulihan Kinatihan I lubos po ang aming pasasalamat sa inyo. Hindi ko man po maisa isa sa dami po ng taong Kabahagi ng fiestaang ito, maging malaki man po o maliit ang inyong naibigay ay alam na po ni Lord ang inyong ginawa at naitulong sa ating mahal na chapel dito sa kinatihan 1. Salamat po sa inyong lahat pag palain nawa kayong lahat ng ating mahal na Panginoong Hesukristo. Nawa ay wag po tayong mag sawang tumulong at mag paganda ng ating chapel dito sa ating Barangay. Nag papasalamat rin po ako sa atin pong Parokya San Pedro Bautista Parish sa walang sawang pag tulong at pag suporta rin po sa ating tulong, salamat po, lalo na sa ating minamahal na kura paroko RDO. P. FRANCISCO BINGCO sa pag suporta sa ating Tuklong. Salamat po sa inyong lahat, sumaatin nawa ang Panginoon, ang pagpapala, pag mamahal, pag bibiyaya, at pag gabay sa ating lahat, Salamat po!πŸ₯°

05/06/2024

Thank you so much po sa lahat ng nanood, nag puyat, kumanta, sumigaw, at sumuporta sa aming pa-amateur singing contest 2024, at salamat din po sa lahat ng nag sponsors at nag asikaso ng ating Amateur singing contest. Salamat po Direct Fidel aldea sa wlang sawang pag suporta, pag tulong at pag mamahal sa ating tuklong dito sa kinatihan 1 Sitio Bulihan, at salamat din sa naging host sa gabing ito Hershey and fifi, at sa nagpatugtug, nagbigay ng liwanag, at bumuhay ng ating amateur singing contest, walang iba kundi ang Jmd Lights And Sounds
At syempre wag natin kalimutan ang Panginoon na syang dahilan ng lahat ng ito, lagi sayang pasalamatan at papurihan, dahil hindi sya nag sasawa na tayoy biyayaan at mahalin. Salamat po sa lahat.πŸ’œπŸ’œπŸ’œ

Thank you poπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
05/06/2024

Thank you poπŸ’œπŸ’œπŸ’œ

*AMATEUR SINGING CONTEST 2024*First of all thank you po direct Fidel aldea sa pag aasikaso ng lahat pong ito at syempre ...
04/06/2024

*AMATEUR SINGING CONTEST 2024*

First of all thank you po direct Fidel aldea sa pag aasikaso ng lahat pong ito at syempre salamat din po sa lahat ng officer at sa lahat ng tumulong para maging , napakasaya at talagang nakaka WOW na performance at naging successful po itong ating amateur singing contest 2024. Salamat din po sa lahat ng nanood at nakikanta sa ating mga contestant, kung hindi po dahil sa inyo ay hindi po magiging successful itong aming PA ganap na ito kaya maraming salamat po, Salamat rin po sa lahat nga nag sponsors para sa mga papremyo na talagang nag pasaya at nag pakantaa sa napakaraming manonood, at lalo't higit sa lahat maraming salamat po sa ating Panginoon Hesukristo na sa kanya ang lahat ng pasasalamat sa pag bibigay sa atin ng napakaayos na panahon, napaka aayos na performance ng ating mga kalahok na nang galing sa Ibat Ibang lugar, at salahat ng mga biyaya kung bakit itoy naging matagumpay Dahil yun sa kanya. Salamat po Panginoon sa lahat ng biyayaπŸ’œπŸ’œπŸ’œ Muli ipinaaabot ng lahat ng officer, HERMANOS at HERMANAS ang Lubos na pasasalamat sa lahat at lalot higit sa wlang sawang pag suporta sa aming tuklong

Sitio Bulihan Kinatihan, Candelaria Quezon.
Mary Help of Christians. Pray for us.

Maligayang Fiesta Sitio Bulihan, Kinatihan IMary Help of Christians πŸ’œ
04/06/2024

Maligayang Fiesta Sitio Bulihan, Kinatihan I
Mary Help of Christians πŸ’œ

Address

Candelaria
4323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mary Help Of Christians posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Mary Help Of Christians:

Share

Category