27/02/2022
๐ป๐น๐ป๐น๐ป๐น๐ป๐น๐ป๐น๐ป
๐๐ค๐-๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง (๐)
๐๐ข๐ซ๐๐ค ๐๐, ๐-๐
๐๐๐ฅ๐ฆ๐จ ๐๐, ๐-๐. ๐๐-๐๐. ๐๐-๐๐
๐๐จ๐ญ๐จ๐จ๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ฎ๐ ๐ฎ๐-๐ฅ๐ฎ๐ ๐จ๐
๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐โ๐ฒ๐จ๐ฌ.
๐ ๐๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐๐, ๐๐-๐๐
๐๐ฎ๐๐๐ฌ ๐, ๐๐-๐๐
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad nang patalinghaga: โMaaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. Walang alagad na higit sa kanyang g**o; ngunit kapag lubusang naturuan, siyaโy magiging katulad ng kanyang g**o.
โAng tinitingnan moโy ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid, โKapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,โ gayung hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayoโy maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.โ
โWalang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahay sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag. Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
๐ป๐น๐ป๐น๐ป๐น๐ป๐น๐ป๐น๐ป