03/08/2026
YOUTH DEVOTION | August 02, 2026 đź“–
From Ptr. Fredie Casulla's Message
Topic: "Pamamahala ng Emosyon"
📌Takeaways Summary:
— Sis. Michelle Sulit
"Yung nararamdmaan natin na matinding emosyon, hindi naman masama, as long as hindi natin hahayaan na controlin no'n ang sarili natin... Sa tuwing matindi ang nararamdaaman natin, sundin natin yung payo ng Diyos."
— Sis. Gillian Imbien
"Hindi naman ibig-sabihin ng pagiging Christ-like ay pagiging manhid. Piliin pa rin na hindi makasakit kahit nasasaktan ka. Magpatawad kahit nagagalit ka... Kailangan macontrol natin, hindi para magpanggap na okay tayo, kundi para makita pa rin sa buhay natin ang pagiging Christ-like."
— Bro. Adriel Badongen
"Huwag tayong maging impulsive sa ating mga desisyon, lalo na kung may bibilhin o may kailangan tayong pagpasyahan upang masunod lamang agad ang gusto natin... Lapitan at harapin natin lahat ng bagay sa paraang makikita ang ating pagiging Kristiyano sa ating buhay at pagkatao."
— Sis. Knisha Espiritu
"Kapag tayo hindi marunong magregulate ng emotions, maraming pwedeng mawala. Tulad ng mga relasyon na vinavalue natin just because of a word. It can kill or it can give life. Mas piliin natin makainspire, makapagbigay ng good vibes... Tayo ang pang 67 na book. Sa buhay natin nakikita yung buhay ni Lord, so let's try to be better."
— Bro. Jilson Baltazar
"'Pag pinairal natin yung galit, yung inggit, tayo rin ang nasasaktan, huwag natin hayaan na pangunahan ng emosyon... Pangalagaan natin na hindi tayo madala o makontrol ng emosyon. Nang sa gayon ang mga gagawin natin ay maging kalugod-lugod lang para sa Diyos."
— Bro. Rainier Caliwag
"As a Christian, tayo yung may hawak nung emosyon na ilalabas natin. Binigyan tayo ng free will, kung anong emosyon yung gagamitin natin in a particular situation. Yung emosyon, yes, dumadating dahil tao tayo, pero yun yung nagtutulak satin kung anong magiging response natin... Lagi natin tatandaan na bago tayo mag respond, si Christ pa rin ba yung center, yung kumiklos sa emosyon natin?"
— Sis. Jianne Arcangel
"It's not only about the situation, maybe it's all about our response to it. 'Pag may problema tayo, ano yung nagiging reaction natin? Kung magalit tayo, from that moment sira na yung araw natin. While kung piliin natin yung peace, from then on okay tayo. We cannot choose our circumstances, but we can control our character."
— Ptr. John Garcia
"Dadating sa buhay na mapupuno yung pasensya, 'di maiiwasan na may mabibitawang salita.... Pano ba natin masosolusyunan agad bilang Kristyano kasi andyan na e? Prayer... In a Christian way, darating tayo sa situation na mapupuno tayo, stop, at manalangin. Simpleng paraan pero malaking epekto."
— Bro. JJ Salas
"Bakit natapon yung laman ng baso? Hindi dahil nasunggo yung braso kundi dahil may kape sa loob. Tayo, sa tuwing masusunggo tayo ng pagsubok sa buhay, ano yung tatapon satin? Yung cup ba natin ay full of anger? Peace? As a Christian dapat makita ng mga tao kung ano ba yung tatapon sa cup natin, ano ba yung lalabas na emotion from us."