Nuestro Señor de la Paciencia - Pulong Gubat

Nuestro Señor de la Paciencia - Pulong Gubat The Official page of Mahal na Señor de la Paciencia Chapel - Pulong Gubat Candaba
(2)

ORATIO IMPERATA | Panalangin para Ipag-adya sa mga KalamidadAmang makapangyarihan, itinataas namin sa Iyo ang aming puso...
29/08/2026

ORATIO IMPERATA | Panalangin para Ipag-adya sa mga Kalamidad
Amang makapangyarihan, itinataas namin sa Iyo ang aming pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng mundong nilikha kung saan kami ay bahagi, sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan, at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.
Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang Iyong utos na pangasiwaan ang daigdig.
Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian, at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang global warming ay laganap na. Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan at iba pang mga kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta.
Lumalapit kami sa Iyo, mapagmahal na Ama, at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan. Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay, at pinagpagurang ari-arian ay ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao. Iniluluhog naming gawin kaming mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Amen.

28/08/2026
22/08/2026

Banal na Misa | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Agosto 23, 2026

Tagapagdiwang: Reb. Padre John Paul P. Cabrera

Parokya ng Nuestra Señora de la Merced
Bahay Pare, Candaba, Pampanga

𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 17, 2026 | 𝐒𝐀𝐘𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐍𝐔𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀 2026Bisita ni Nuestro Señor dela Paciencia Pulong Gubat Candaba, Pampanga Ina...
18/08/2026

𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 17, 2026 | 𝐒𝐀𝐘𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐍𝐔𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀 2026

Bisita ni Nuestro Señor dela Paciencia
Pulong Gubat Candaba, Pampanga

Ina namin at Pintakasi, Nuestra Señora de la Merced, Ipanalangin mo po kami.
Santo Cristo Redentor, Kaawaan Mo po kami.
Nuestro Señor dela Paciencia, Kaawaan Mo po kami.

Viva Nuestra! Viva Mahal na Señor! Viva Redentor!


17/08/2026

𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 17, 2026 | 𝐒𝐀𝐘𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐍𝐔𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀 2026

Bisita ni Nuestro Señor dela Paciencia
Pulong Gubat Candaba, Pampanga


17/08/2026
SALAMAT, NUESTRA! SALAMAT, REDENTOR!Sa inyo pong pagdalaw sa aming Bisita sa loob ng ilang araw at pagpapamalas ng walan...
17/08/2026

SALAMAT, NUESTRA! SALAMAT, REDENTOR!

Sa inyo pong pagdalaw sa aming Bisita sa loob ng ilang araw at pagpapamalas ng walang hanggang biyaya, pagpapala, at makainang paglingap at pagmamahal sa aming barangay, ang amin pong taos-pusong pasasalamat, Mahal naming Ina ng Awa, Nuestra Señora de la Merced at aming Panginoong Manunubos, Santo Cristo Redentor!

Baunin po ninyo ang aming pagmamahal at ang aming matimyas na panalangin sa inyo, Mahal naming Ina, at aming Panginoong Hesukristo. Manatili po nawa ang mga grasya at pagmamahal na inyong walang sawang ibinubuhos sa aming barangay at sa mga mananampalataya ng aming Bisita ni Nuestro Señor dela Paciencia.

Maraming Salamat, Apung de la Merced! Maraming Salamat, Santo Cristo Redentor!

Viva Nuestra!
Viva Redentor!
Viva Mahal na Señor!


16/08/2026

Ang huling gabi ng pamamalagi sa ating bisita ng Cruzada de la Merced, Nawa'y magsilbing pag-asa ang iiwanang pagmamahal upang manatili ang pagkakaisa't kapayapaan mula sa makainang lingap ng Nuestra Señora de la Merced, sa bawat panalangin maihatid nawa sa kanyang Anak ang Awa't habag sa atin ng Panginoong Manunubus, ang Sto. Cristo Redentor.

Address

Pulong Gubat Candaba Pampanga
Candaba
2013

Telephone

+639351462548

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestro Señor de la Paciencia - Pulong Gubat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share