23/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
(May 23, 2009 - May 23, 2026)
Sa loob ng labing-pitong taon, naging tahanan ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod ang Parokya ng Virgen de Lourdes ng Parish Youth Ministry. Mula sa simpleng pagtitipon hanggang sa mas malalim na paghubog ng kabataan, patuloy tayong ginagabayan ng Diyos sa bawat hakbang ng ating misyon. Ang bawat ngiti, sakripisyo, at serbisyong inialay ay naging patunay ng buhay na pananampalatayang pinanday ng pagmamahal at pananampalataya.
Sa pagdiriwang ng ika-17 taong pagkakatatag, taos-puso nating pinasasalamatan ang lahat ng mga naging bahagi ng ministeryong. Kayo ang naging ilaw at inspirasyon upang mas mapalawak pa ang ating paglilingkod sa simbahan at komunidad. Tunay ngang sa sama-samang pagkilos ng kabataan, mas nagiging buhay at makabuluhan ang ating pananampalataya at ang isang parokya.
Patuloy nawa nating pag-alabin ang apoy ng paglilingkod at pagmamahal para sa Diyos at sa ating kapwa. Nawaโy magsilbing inspirasyon ang ating 17 taong paglalakbay upang mas marami pang kabataan ang mahikayat na makiisa at maglingkod.
Patuloy nawa tayong pagpalain ng Mahal na Birheng Lourdes sa mga susunod pang taon ng misyon at pananampalataya.
Virgen de Lourdes Parish | Talang, Candaba, Pampanga