23/09/2024
PANALANGIN NG BAYAN SA MAHAL NA BIRHEN DELA MERCED
O Maria, Ina ng Awa at Reyna ng aming tahanan, patnubayan mo kami na iyong mga anak dito sa lupa ng iyong mapagkalingang pagmamahal. Bigkisin mo kami sa pagkakaisa, pagkakaugnayan at pagbabahaginan sa ngalan ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo. Bago mamatay ang iyong Anak na si Hesus sa Krus ay ipinagkaloob ka Niya sa amin bilang aming Ina na ang puso ay nag-aalab sa pag-ibig sa sangkatauhan. Nawa ay patuloy mong patnubayan at pagningasin ang bokasyon sa pagsunod sa tawag ng Panginoon, kalingain mo at aliwin ang mga manggagawa sa aming bayan lalung-lalo na ang lahat ng mga manggagawang Katoliko sa aming pamayanang Kristiyano at marapatin mong maging matibay ang aming mga puso sa pagsamba sa Panginoong Diyos. Kasama mo, manatili nawa kaming nananalig kay Kristo bilang aming Daan, Katotohanan at Buhay at sa pamamagitan nito ay lalo pang magningas ang aming pagmamahal at paglilingkod kay Kristo at sa aming kapwa.
O Maria, Nuestra Seรฑora de la Merced, ipanalangin mo kami. Amen.
DALIT SA MAHAL NA BIRHEN DE LA MERCED
Sa tulong mo, Birheng liyag
Na lunas ng nasa hirap,
Dalitan mong iligtas
Ang sa salaโy nabibihag.
Ang puso mong mahabagin
Sa Kristiyanong inaalipin
Ng mga Morong suwail
Ay tinagos ng patalim
Ang lupang iyong nilakad
Sa sinta mo sa may hirap.
Koro:
Nuestra Seรฑora de la Merced,
Mahal na Birhen ng Awa,
Inang liyag, Inang dakila,
ipanalangin mo kami.
Si Raymundo at si Nolasco,
Kapwa dakilang santo
At si Jaimeng lingkod mo,
Ang iyong pinasaklolo
Sa Kristiyanong nag-iiyak
Sa kaalipinan sa paghihirap.
Itinayo nilang lubos
Ang Orden mo sa pagsakop
Sa kamay ng mga Moro
Ang nasawing mga Kristiyano
Aliw kang kaliyag-liyag
Ng Kristiyanong nasa hirap.
Barcelona at ibang bayan
Ay binigyan kang galang
At kanilang natikman
Sa puso mo ang katamisan
Silaโy iyong iniligtas
Sa sari-saring paghihirap.
Ang sa iyoโy tumatawag
Pinakikinggan mo agad
Dala ng malaking habag
Silaโy iyong pinapagkapalad
Ang Kristiyanong naghihirap
Ang tulong mong walang liwag.
Inang kalinis-linisan
Pintakasi ng aming bayan,
Tanang ditoโy napipisan
Iadya sa kahapisan
Tanggulan ng naghihirap
Emperatriz na marilag.
Dalitain mong iligtas
Ang sa salaโy nabibihag
Sa tulong mo, Birheng liyag
Na lunas ng nasa hirap.
Namumuno: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.
Lahat: Nang kami ay maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon. Ang tanang kinapal sa langit at sa lupa ay naninikluhod sa iyong mahal na harapan at nagbabati na ang wikaโy: โAba, Ina ng Awa, aliw ng kahapisan, manunubos ng mga aliping Kristiyano, ikaw nga ang kaluwalhatian ng Herusalem, ang katuwaan ng Israel at kapurihan ng ating bayan.โ
Namumuno: Ilingon mo, Ina ng Diyos ang mga mata mong maawain dito sa iyong bayan.
Lahat: Iyong dalawin at pagkahusayin, yayamang iyong pag-aari.