Manaquem True Vine Christian Team

Manaquem True Vine Christian Team Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Manaquem True Vine Christian Team, Religious organisation, Brgy. Manaquem, Tarlac, Camiling.

How the Lord works in your life is worth sharing - God will use it to inspire and transform others. Don’t waste the oppo...
15/04/2020

How the Lord works in your life is worth sharing - God will use it to inspire and transform others. Don’t waste the opportunity to share the Lord’s goodness. Those struggling is waiting for your story.

Share your testimony anonymously by clicking the link below. Fill out the form and we will share it in our page.

God bless! ❤️

How the Lord works in your life is worth sharing - God use it to inspire and transform others. Don’t waste the opportunity to share the Lord’s goodness. Those struggling is waiting for your story.

15/04/2020

This testimony showed how God's conviction work when there is distraction, and His Faithfulness even He got rejection from you.

My testimony entitled

" God's Conviction vs enemy's Distraction"

Nabuo ang aking testimonyo nung ako'y lumipat ng bahay, dahil nga sa ECQ , marahil wala akong sapat na kwarto for prayer, devotion, and worship, di gaya nung isa naming bahay na meron.

Magmula nung lumipat ako dahil nga wala akong sariling room to do my commitments, naging problema yun sa akin, lalo na at dinagdagan pa nito ang pagkaadik ko sa cellphone.

12 days ng nakalipas nun ng paglipat namin at 12 days na din na , no devotion at no worship, at 2 times a day nalang ang pananalangin ko. Pagsapit ng gabi pag oras na hawak na ang phone, inaatake na ako ng katamaran, tanging atensyon ko ay sa cellphone nakatuon, minsan umaabot na ng madaling araw pag natulog, naadik sa kakashare ng memes at kakabasa at kakachat at sa oras na matutulog na ako, sobrang inaantok na at hindi na nakakapagdasal dahil natulugan na pala.

Ganun ang aking gawain sa loob ng 12 days magmula nung kami ay lumipat, scroll scroll sa fb, hugot, chat, share memes, hanggang sa...
dumating ang gabing tila ba ako ay hindi matahimik, ang isip ko'y hindi maintindihan ang nais, sobrang gulo ng takbo at walang ideya kung bakit. Hanggang sa nanalangin ako ng ganito “Panginoon kung ano man po itong gulo sa aking isipan na hindi ko maintindihan, maaari po bang iyong ipaalam sakin at kahit hindi na sakin ikaw ay mangusap at gumamit nalang ng tao at habang ako ay nananalagin at salitang nabuo sa aking isipan ay " Pagsuko o Surrendering" at bigla akong napaisip,.Lord why?? Ano kaya ang ibig mong iparating.

At pagkatapos akong manalangin, chinat ko ang leader ko sa church, nagtanong tanong ako, hanggang sa dumating na nga ang kasagutan sa aking bagabag na isipan. Sa bawat pagbigkas niya ng salita, tila ba'y nagkakaroon ako ng kapayapaan at katahimikan sa aking isipan, at dun ko napagtanto siya ang ginamit ng Panginoon para malaman ko ang sagot. 12:00 am na nun ng madaling araw at umiiyak ako nun kay Lord nagsosorry at nangungusap siya sa puso ko.

Sabi ng leader ko sakin "God is a jealous God" At bigla akong napatigil nun dahil nag isip ako at siniyasat ko ang sarili ko,
Binigyan ako ng awareness ni Lord to realized everything,
Wala na akong time sa kanya, nirereject ko ang bawat paalala niya at nawawalan ng gana na makipagusap sa mga tao, naging tamad sa commitment dahilan ng pagkaadik sa cellphone after ng gabing yun..

Kaumagahan gumising nalang ako na tila ba ang saya saya ng puso ko grabe ang galak at payapa ang aking pakiramdam, pagkagising ko kinausap ko agad c Lord nagpasalamat ako sa Kaniya at patuloy niyang pinapaalala kung gaano ako kahalaga ka important at ayaw niya na lumayo ang mga Anak niya, napakasweet ni Lord.

At Thankful ako sa mga kaibigan ko sa church sa prayer nila sakin at siyempre kay Lord na nagrestored ng joy, peace at happiness sa puso at hanggang ngayon na manage ko na ang time ko kay Lord at sa pagcecellphone,

Hindi ko kailangan ng room kasi madaming peaceful place sa labas at ang natutunan ko...

Ang nagustuhan kong sinabi ng leader ko " hindi nawawala ang distraction sa buhay natin, pero kailangan mas matalino tayo, at gumawa ng strategy how to overcome it."

Minsan hindi natin namamalayan na ginagamit na pala ng kaaway ang cellphone, inaagaw yung time at ginagawa kang tamad.

Kaya sa mga katulad ko pong nakakaranas ng ganito, what will you choose to hear;
God's conviction or enemy's distraction?

If you obey God's Conviction there is Salvation, kaya always choose to do things na nakakabuti sayo at kalugod lugod sa Panginoon. There were so many voice to hear in this world but just listen to THE VOICE OF TRUTH, the sweet voice of Jesus and His salvation.

TOGODBETHEHIGHESTGLORY☝🏿☝🏿☝🏿

God Bless us all!

- God's Warrior

14/03/2020

"You say, 'I am allowed to do anything' - but not everything is good for you. And even though, 'I am allowed to do anything,' I must not become a slave of anything."
-1 Corinthians 6:12

Be wise enough. Maging maingat!

“Tatanggapin pa kaya ako?” ‘Yan ang tanong mo.Tuwing sumusubok kang ihakbang ang mga paa mo, bumabalik ang lahat ng naga...
08/03/2020

“Tatanggapin pa kaya ako?” ‘Yan ang tanong mo.

Tuwing sumusubok kang ihakbang ang mga paa mo, bumabalik ang lahat ng nagawa mo — ang mga kasalanan mo, pagkakamali mo, pagkukulang mo, mga maling desisyon mo. Alam mong napalayo ka. Gusto mong bumalik ngunit hindi mo alam kung pwede pa ba.

Maraming gumugulo sa ‘yong isipan. Isali mo pa diyan ang mapanghusgang mata ng lipunan nung mga panahong ikaw ay biglang nadapa at nagkulang.

“Hindi na siguro. Sa dami ng nagawa ko, wala na akong karapatang bumalik. Nabigo at nasaktan ko Siya. Siguro nga’y huli na!”

Ngunit hindi ‘yan ang sinasabi ng Panginoon.

Hindi pa huli ang lahat.

Pwede ka pang bumalik. Tatanggapin ka Niya. Sa katunayan hinihintay ka niya. Sa paghingi mo ng tawad at pagpapakatotoo sa kaniya, muli mong ihakbang ang iyong mga paa. ‘Wag mong isipin ang sasabihin ng iba habang nakikita kang bumabalik sa Kaniya.

Punong-puno ka man ngayon ng hiya dahil sa mga nagawa mong hindi maganda sa harap Niya, sa iyong paglapit, paghingi ng tawad, at pagpapakumbaba, makakaasa kang hindi ka mapapahiya. Muli ay tatanggapin ka Niya.

Maaaring dahil sa sitwasyong kinaroroonan mo ngayon, tuwing iniisip mo ang future, nahihirapan kang mag-expect ng magaga...
05/03/2020

Maaaring dahil sa sitwasyong kinaroroonan mo ngayon, tuwing iniisip mo ang future, nahihirapan kang mag-expect ng magagandang bagay na pwede pang mangyari.

'Wag ka sanang mawawalan ng pag-asa gaano man kahirap sa ngayon ang maniwala.

Kung paanong napalitan noon ng pagsubok ang iyong saya, ganoon ding mapapalitan ang madilim mong sitwasyon ng ligaya.

Sa paglipas ng gabi, araw ay sisikat.
Masisilayan mo rin ang liwanag.

Pag-asa ay patuloy mong panghawakan.
Pagtitiwala sa Panginoon ay 'wag mong bitawan.

Mahirap sa ngayon pero malalampasan mo 'yan.

Tandaan mo.
Hangga't nandiyan ang Lord, may magtatayo sa 'yo.

“Asking forgiveness is giving hope that you will do better next time.”
01/03/2020

“Asking forgiveness is giving hope that you will do better next time.”

Dear Warrior of God,It may seem that you’re going through the hardest battle of your life right now and the enemy seems ...
29/02/2020

Dear Warrior of God,

It may seem that you’re going through the hardest battle of your life right now and the enemy seems to be winning over your life. Seems you can no longer find the strength to stand and fight. But take heart. Please, don’t give up. If you can no longer stand against that battle, that’s okay. You can kneel.

Warrior of God, please don’t forget that ‘Spiritual war is fought and won on your knees.’

Use your gifts not to impress but to bless
27/02/2020

Use your gifts not to impress but to bless

27/02/2020

What can you really do when your strength comes from the Lord?

Sharing one of revelations during Life Jam ❤️Kung may isang bagay tayong dapat ingatan, ‘yun ay ang relasyon natin sa Pa...
26/02/2020

Sharing one of revelations during Life Jam ❤️
Kung may isang bagay tayong dapat ingatan, ‘yun ay ang relasyon natin sa Panginoon. 🔥

February 14 is our Love Party 2020 ❤️“The best way to know how to love is to love Jesus.”“You can never go wrong by lovi...
16/02/2020

February 14 is our Love Party 2020 ❤️

“The best way to know how to love is to love Jesus.”
“You can never go wrong by loving Jesus.”
-Pastor Andi

Wala na raw at . Puro na raw



It’s pillow night on our Life Jam ❤️Life Jam exhortation:“Hahayaan mo bang hanggang tanaw ka na lang sa lupang ipinangak...
03/02/2020

It’s pillow night on our Life Jam ❤️

Life Jam exhortation:
“Hahayaan mo bang hanggang tanaw ka na lang sa lupang ipinangako sa ‘yo ng Panginoon?”

Hindi natin hahayaang manatiling pangako ang mga pangako ng Panginoon. We will chase it. We will experience His promises!

(Further readings: Deutoronomy 34)

Should you wanna join us, our Life Jam is every Friday, 7:00 p.m. in our church in Brgy. Manaquem, Camiling, Tarlac. See you 😍

Address

Brgy. Manaquem, Tarlac
Camiling
2306

Telephone

+639276545463

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manaquem True Vine Christian Team posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share