Albay Sovereign Grace Community Church

Directions

Albay Sovereign Grace Community Church The core of our faith is the Bible, the inspired and authoritative Word of God.

We believe in the Sovereignty of God, the sufficiency of Christ's atoning sacrifice, and the necessity of faith for salvation.

07/10/2026

Today's Bible Reading
Isaiah 30:1-31:9 ; Philippians 4

Isaias 30
Walang Kabuluhang Pakikipagkasundo sa Egipto
1Sinabi ni Yahweh,
“Kawawa ang mga suwail na anak,
na ang ginagawa'y hindi ayon sa aking kalooban;
nakikipagkaisa sila sa iba nang labag sa aking kagustuhan,
palala nang palala ang kanilang kasalanan.
2Nagmamadali silang pumunta sa Egipto
upang humingi ng tulong sa Faraon;
ngunit hindi man lamang sila sumangguni sa akin.
3Mabibigo lamang kayo sa hinahangad ninyong tulong,
at kahihiyan lamang ang idudulot ng inaasahan ninyong proteksyon.
4Bagama't nasa Zoan ang kanilang mga pinuno,
at ang mga sugo nila'y umabot pa hanggang Hanes,
5mapapahiya lamang kayong lahat,
dahil sa mga taong walang pakinabang,
hindi naman tumutulong at hindi rin maaasahan,
wala silang matatamo kundi kabiguan at kahihiyan.”
6Ito ang mensahe ng Diyos tungkol sa mga hayop sa katimugang disyerto:
Sa lupain ng kaguluhan at dalamhati,
sa lugar na pinamamahayan ng mga leon,
ng mga ulupong at mga lumilipad na dragon;
ikinakarga nila ang kanilang kayamanan sa mga a**o at mga kamelyo,
upang ibigay sa mga taong walang maitutulong.
7Ang bansang Egipto'y hindi maaasahan,
kaya tinawag ko siyang, “Inutil na Dragon.”
Tumangging Makinig ang Israel
8Halika, at isulat mo sa isang aklat,
kung anong uri ng mga tao sila;
upang maging tagapagpaalala magpakailanman,
kung gaano kalaki ang kanilang kasalanan.
9Sapagkat sila'y mapaghimagsik laban sa Diyos,
sinungaling at ayaw makinig sa aral ni Yahweh.
10Sinasabi nila sa mga tagapaglingkod, “Huwag kayong magsasabi ng katotohanan.”
At sa mga propeta, “Huwag kayong magpapahayag ng tama.
Mga salitang maganda sa aming pandinig ang inyong banggitin sa amin,
at ang mga hulang hindi matutupad.
11Umalis kayo sa aming daraanan,
at ang tungkol sa Banal na Diyos ng Israel ay ayaw na naming mapakinggan.”
12Kaya ito ang sabi ng Banal na Diyos ng Israel:
“Tinanggihan mo ang aking salita,
at sa pang-aapi at pandaraya ka nagtiwala.
13Kaya darating sa iyo ang malagim na wakas,
tulad ng pagguho ng isang marupok na pader
na bigla na lamang babagsak.
14Madudurog kang parang palayok
na ibinagsak nang walang awa;
wala kahit isang pirasong malalagyan ng apoy,
o pansalok man lamang ng tubig sa balon.”
Magtiwala kay Yahweh
15Sinabi pa ng Panginoong Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel,
“Maliligtas kayo kapag kayo'y nagbalik-loob at nagtiwala sa akin;
kayo'y aking palalakasin at patatatagin.”
Ngunit kayo'y tumanggi.
16Sinabi ninyong makakatakas kayo,
sapagkat mabibilis ang sasakyan ninyong kabayo,
ngunit mas mabibilis ang hahabol sa inyo!
17Sa banta ng isa, sanlibo'y tatakas,
sa banta ng lima'y tatakas ang lahat;
matutulad kayo sa tagdan ng bandila
na doon naiwan sa tuktok ng burol.
18Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan;
sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan;
mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.
Pagpapalain ng Diyos ang Kanyang Bayan
19Mga taga-Jerusalem, hindi na kayo mananaghoy kailanman. Si Yahweh ay mahabagin. Kayo'y diringgin niya kapag kayo'y tumawag sa kanya. 20Kung ipahintulot man niya na kayo'y magkasakit o magdanas ng hirap, siya na inyong G**o ay hindi magtatago sa inyo. 21Saan man kayo pumaling, sa kaliwa o sa kanan, maririnig ninyo ang kanyang tinig na nagsasabing, “Ito ang daan; dito kayo lumakad.” 22Tatalikuran na ninyo ang mga diyus-diyosang yari sa pilak at ginto; ibabasura ninyo ang mga iyon at sasabihing: “Lumayo kayo sa akin!”
23Bibigyan niya kayo ng masaganang ulan para sa inyong mga tanim upang kayo'y mag-ani nang sagana. Ang inyong mga kawan naman ay manginginain sa malawak na pastulan.
24Ang mga baka at a**o na ginagamit ninyo sa pagsasaka ay kakain sa pinakamaiinam na pagkain ng hayop. 25Mula sa matataas ninyong mga bundok at burol, aagos ang mga batis, pagdating ng panahon ng kakila-kilabot na pagpuksa at pagwasak sa mga tore. 26Magliliwanag ang buwan na animo'y araw, at ang araw nama'y magliliwanag nang pitong ibayo, parang liwanag ng pitong araw na pinagsama-sama. Ito'y mangyayari sa araw na gamutin at pagalingin ni Yahweh ang sugat ng kanyang bayan.
Paparusahan ng Diyos ang Asiria
27Tingnan ninyo, dumarating na si Yahweh,
nag-aapoy sa galit, sa gitna ng mga ulap;
ang mga labi niya'y nanginginig sa galit,
at ang dila niya'y tila apoy na nagliliyab.
28Magpapadala siya ng malakas na hangin
na tila bahang tumatangay sa lahat ng madaanan.
Wawasakin nito ang mga bansa
at wawakasan ang kanilang masasamang panukala.
29Masaya kayong aawit sa pagdiriwang ninyo sa gabi ng banal na kapistahan. At sa himig ng tugtog ng plauta, aakyat kayong masaya sa bundok ni Yahweh, ang tagapagtanggol ng Israel. 30Maririnig ang makapangyarihang tinig ni Yahweh at makikita ang pinsalang idudulot ng kanyang kamay dahil sa tindi ng galit na parang apoy na tumutupok at hanging rumaragasa kung may malakas na bagyo. 31Paghaharian ng takot ang mga taga-Asiria kapag narinig nila ang tinig ni Yahweh na nagbabanta ng pagpaparusa. 32Ang bawat hampas ng parusang igagawad sa kanila ni Yahweh ay may kasaliw pang tunog ng mga tamburin at lira. 33Matagal nang nakahanda ang lugar na pagsusunugan sa hari, isang maluwang at malalim na lugar. Hindi mamamatay ang apoy dito at hindi rin mauubos ang panggatong. Ang hininga ni Yahweh na parang nag-aalab na asupre ang patuloy na magpapalagablab sa sunugang iyon.

Isaias 31
Ipagtatanggol ng Diyos ang Jerusalem
1Kahabag-habag kayong umaasa sa tulong ng Egipto
at nagtitiwala sa bilis ng kanilang mga kabayo,
nananalig sa dami ng kanilang mga karwahe,
at sa matatapang nilang mangangabayo,
sa halip na sumangguni at umasa kay Yahweh,
ang Banal na Diyos ng Israel.
2Alam ni Yahweh ang kanyang ginagawa, nagpapadala siya ng salot.
At gagawin niya ang kanyang sinabi.
Paparusahan niya ang gumagawa ng masama
at ang mga tumutulong sa kanila.
3Hindi Diyos ang mga Egipcio; sila'y mga tao rin,
karaniwang hayop din ang kanilang mga kabayo at hindi espiritu.
Pagkilos ni Yahweh, babagsak ang malakas na bansa,
pati ang mga tinulungan nito.
Sila'y pare-parehong mawawasak.
4Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh:
“Walang makakapigil sa akin sa pagtatanggol sa Bundok ng Zion,
kung paanong ang leon ay hindi mapipigil sa paglapa nito sa kanyang biktima,
kahit pa magsisigaw ang mga pastol.
Kaya't sa pagdating ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay walang makakapigil,
upang ipagtanggol ang Zion at ang mga burol nito.
5Tulad ng pag-aalaga ng ibon sa kanyang inakay,
gayon iingatan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang Jerusalem.
Ipagtatanggol niya ito at ililigtas;
hindi niya ito pababayaan.”
Magbalik-loob kay Yahweh
6Sinabi ng Diyos, “Bayang Israel, magbalik-loob ka sa akin,
labis-labis na ang ginawa mong paghihimagsik.
7Pagdating ng araw na iyon, itatapon ng bawat isa
ang kanyang mga diyus-diyosang pilak at ginto
na sila-sila rin ang gumawa.
8“Ang mga taga-Asiria'y malulupig sa digmaan, ngunit hindi tao ang wawasak sa kanila;
sila'y magtatangkang tumakas,
ngunit aalipinin ang kanilang mga kabataan.
9Sa tindi ng takot, tatakas ang kanyang pinakapinuno,
at iiwan ng mga opisyal ang kanilang bandila.”
Ito ang sabi ni Yahweh,
ang Diyos na sinasamba at hinahandugan sa Jerusalem.

Mga Taga-Filipos 4
Ilang mga Tagubilin
1Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinapanabikan, aking kagalakan at karangalan, magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon.
2Nakikiusap ako kina Euodia at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong kasama, na tulungan mo ang dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa ko. Ang pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay.
4Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo! 5Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. 6Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
8Bilang pagtatapos, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Salamat sa Inyong Tulong
10Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong matulungan ako. 11Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. 12Naranasan ko na ang maghikahos; naranasan ko na rin ang managana; natutuhan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. 13Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.
14Gayunman, ikinagagalak ko ang ginawa ninyong pagtulong sa aking mga paghihirap. 15Alam naman ninyo, mga taga-Filipos, na kayo lamang ang iglesyang nakahati ko sa hirap at ginhawa nang umalis ako sa Macedonia noong ako'y nagsisimula pa lamang sa pangangaral ng Magandang Balita. 16Noong ako'y nasa Tesalonica na, makailang ulit ding pinadalhan ninyo ako ng tulong. 17Hindi sa hangad kong laging tumanggap ng mga kaloob, kundi ang nais ko ay makatanggap kayo ng masaganang gantimpala. 18Narito ngayon ang katibayan ng labis-labis na kaloob ninyo sa akin. Higit pa sa pangangailangan ko ang tulong ninyo sa akin na hatid ni Epafrodito. Ang mga ito ay tulad ng mabangong handog sa Diyos, mga alay na katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa kanya. 19At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 20Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen.
Pangwakas na Pagbati
21Paratingin ninyo sa lahat ng hinirang ng Diyos at nananalig kay Cristo Jesus ang aking pagbati at ng ating mga kapatid na kasama ko rito. 22Binabati kayo ng lahat ng mga hinirang ng Diyos, lalo na ng mga naglilingkod dito sa palasyo ng Emperador.
23Nawa'y sumainyong lahat ang pagpapala ng Panginoong Jesu-Cristo.

Send a message to learn more

Parable of the Rich Fool
07/10/2026

Parable of the Rich Fool

Greed is more than an inappropriate love of wealth. Most fundamentally, it is a lack of gratitude to God. Today, R.C. Sproul voices the warning Jesus presents in His parable of the rich fool.

06/10/2026

Today's Bible Reading
Isaiah 28:1-29:24 ; Philippians 3

Isaias 28
Babala sa Israel
1Kawawa ang Israel, sapagkat naglalaho na ang kanyang karangalan;
parang kumukupas na kagandahan ng bulaklak sa ulo ng mga lasenggong pinuno.
May pabango nga sila sa ulo ngunit animo'y patay na nakahiga dahil sa kalasingan.
2Narito, may inihanda na ang Panginoon, isang taong malakas at makapangyarihan;
sinlakas ito ng isang mapaminsalang bagyo,
taglay ang malakas na hangin, ulan at rumaragasang baha,
upang palubugin ang buong lupa.
3Yuyurakan ang ipinagmamalaking karangalan
ng mga lasenggong pinuno ng Israel.
4Mabilis ang pagkawala ng kanyang nagniningning na kagandahan
tulad ng pagkaubos ng mga unang bunga ng igos,
na agad kinukuha at kinakain kapag nahinog.
5Sa araw na iyon, si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat
ang magiging maningning na korona ng mga nalabing hinirang.
6Siya ang papatnubay sa mga hukom upang maging makatarungan sa paghatol;
at magbibigay ng tapang at lakas
sa mga tagapagtanggol ng bayan laban sa mga kaaway.
Si Isaias at ang mga Lasenggong Propeta ng Juda
7Sumusuray na sa kalasingan
ang mga pari at mga propeta kaya sila'y nalilito.
Hindi na maunawaan ng mga propeta ang nakikita nilang pangitain;
at hindi na matuwid ang paghatol ng mga pari.
8Ang lahat ng mesa'y punô ng kanilang s**a,
nakakapandiri ang buong paligid.
9Ganito ang sinasabi nila laban sa akin:
“Ano kaya ang palagay ng taong ito sa atin;
sino bang nais niyang turuan at pagpaliwanagan?
Ang sinabi niya'y para lamang sa mga batang musmos
na nangangailangan pa ng gatas.
10Sinong makikinig sa kanyang pamamaraan:
Isa-isang letra, isa-isang linya,
at isa-isang aralin!”
11Kaya naman magsasalita si Yahweh sa bayang ito
sa pamamagitan ng mga dayuhan, siya'y magtuturo.
12Ganito ang kanyang sasabihin:
“Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal,”
ngunit hindi nila ito pinakinggan.
13Kaya ganito ang pagtuturo ni Yahweh sa kanila:
“Isa-isang letra, isa-isang linya,
at isa-isang aralin;”
at sa kanilang paglakad, sila'y mabubuwal,
mahuhulog sa bitag, masasaktan at mabibihag.
Isang Batong Saligan Para sa Zion
14Kaya't ngayon ay dinggin ninyo si Yahweh, kayong mga walang galang na pinuno,
na namamahala sa Lunsod ng Jerusalem.
15Sapagkat sinabi ninyo, “Nakipagkasundo na kami sa kamatayan,
gayundin sa daigdig ng mga patay.
Kaya hindi na kami mapapahamak
dumating man ang malagim na sakuna;
ginawa na naming kuta ang kasinungalingan,
at pandaraya ang aming kanlungan.”
16Ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong Yahweh:
“Naglalagay ako sa Zion ng batong-panulukan,
subok, mahalaga, at matatag na pundasyon;
‘Ang magtiwala rito'y hindi mapapahiya.’
17Gagawin kong panukat ang katarungan,
at pamantayan ang katuwiran;
wawasakin ng bagyo
at aanurin ng baha ang lahat ng silungan ng kasinungalingan.”
18Ang pakikipagkasundo mo sa kamatayan
at sa daigdig ng mga patay ay mawawalan ng bisa at masisira,
at kapag dumating ang baha,
lahat kayo'y matatangay.
19Araw-araw, sa umaga't gabi
ang bahang ito'y daraan at kayo'y tatangayin;
maghahasik ito ng sindak at takot
upang maunawaan ang mensahe nito.
20Sapagkat mangyayari sa inyo ang isinasaad ng kasabihan:
‘Maikli ang kamang inyong higaan,
at makitid ang kumot para sa katawan.’
21Sapagkat tulad ng ginawa sa Bundok ng Perazim,
tatayo si Yahweh at ipadarama ang kanyang galit;
tulad din ng ginawa niya sa Libis ng Gibeon,
gagawin niya ang kanyang magustuhan kahit hindi siya maunawaan,
at tanging siya lang ang nakakaalam.
22Kaya huwag ka nang magyabang,
baka ang gapos mo ay lalong higpitan.
Sapagkat narinig ko na ang utos ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,
na wasakin ang buong lupain.
Ang Karunungan ng Diyos
23Itong aking tinig ay iyong dinggin,
ang sinasabi ko'y iyong unawain.
24Ang nagsasaka ba'y lagi na lamang pag-aararo
at pagsusuyod ang gagawin sa kanyang bukid?
25Hindi ba't kung maihanda na ang lupa,
ito'y sinasabugan niya ng anis at linga?
Hindi ba tinatamnan niya ito ng trigo't sebada
at sa mga gilid naman ay espelta?
26Iyan ang tamang gawain
na itinuro ng Diyos sa tao.
27Ang anis at linga ay hindi ginagamitan
ng gulong o mabigat na panggiik.
Banayad lamang itong nililiglig o pinapalo.
28Dinudurog ba ang butil na ginagawang tinapay?
Hindi ito ginigiik nang walang tigil,
pinararaanan ito sa hinihilang kariton
ngunit hindi pinupulbos.
29Ang mensaheng ito'y mula kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,
mahusay ang kanyang payo
at kahanga-hanga ang kanyang karunungan.

Isaias 29
Kinubkob ang Jerusalem
1Kawawa ang Jerusalem,
ang lunsod na himpilan ni David!
Hayaang dumaan ang taunang pagdiriwang ng mga kapistahan,
2at pagkatapos ay wawasakin ko ang lunsod na tinatawag na “altar ng Diyos!”
Maririnig dito ang panaghoy at pagtangis,
ang buong lunsod ay magiging parang altar na tigmak ng dugo.
3Kukubkubin kita,
at magtatayo ako ng mga kuta sa paligid mo.
4Dahil dito, ikaw ay daraing mula sa lupa,
maririnig mo ang iyong tinig na nakakapangilabot,
nakakatakot na parang tinig ng isang multo,
at parang bulong mula sa alabok.
5Ngunit ang lulusob sa iyo ay liliparin na parang abo,
parang ipang tatangayin ng hangin ang nakakatakot nilang hukbo.
6Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay biglang magpapadala
ng dumadagundong na kulog, lindol,
buhawi, at naglalagablab na apoy upang iligtas ka.
7Ang lahat ng bansang kumalaban sa Jerusalem,
ang kanilang mga sandata at kagamitan,
ay maglalahong parang isang panaginip, parang isang pangitain sa gabi.
8Parang isang taong gutom na nanaginip na kumakain,
at nagising na gutom pa rin;
o taong uhaw na nanaginip na umiinom,
ngunit uhaw na uhaw pa rin nang siya'y magising.
Gayon ang sasapitin,
ng lahat ng bansang lumalaban sa Jerusalem.
Bulag at Mapagmalaki ang Israel
9Magwalang-bahala kayo at mag-asal mangmang,
bulagin ang sarili at nang hindi makakita!
Malasing kayo ngunit hindi sa alak,
sumuray kayo kahit hindi nakainom.
10Sapagkat pinadalhan kayo ni Yahweh
ng espiritu ng matinding antok;
tinakpan niya ang inyong mga mata, kayong mga propeta,
tinakpan din niya ang inyong mga ulo, kayong mga manghuhula.
11Ang kahulugan ng lahat ng pangitaing ito ay parang aklat na nakasara. Kung ipababasa mo ito sa taong nakakaunawa, ang sasabihin niya'y, “Ayoko, hindi ko mababasa sapagkat nakasara.” 12Kung ipababasa mo naman sa hindi marunong bumasa, ito ang isasagot sa iyo, “Hindi ako marunong bumasa.”
13Sasabihin naman ni Yahweh,
“Sa salita lamang malapit sa akin ang mga taong ito,
at sa bibig lamang nila ako iginagalang,
subalit inilayo nila sa akin ang kanilang puso,
at ayon lamang sa utos ng tao ang kanilang paglilingkod.
14Kaya muli akong gagawa
ng kababalaghan sa harapan nila,
mga bagay na kahanga-hanga at kataka-taka;
mawawalang-saysay ang karunungan ng kanilang mga matatalino,
at maglalaho ang katalinuhan ng kanilang matatalino.”
Ang Pag-asa sa Hinaharap
15Kaawa-awa ang mga nagtatago kay Yahweh habang sila'y gumagawa ng mga panukala.
Sila na nagsasabing: “Doon kami sa gitna ng dilim
upang walang makakakilala o makakakita sa amin!”
16Binabaligtad ninyo ang katotohanan!
Masasabi ba ng palayok sa gumagawa nito,
“Hindi naman ikaw ang humugis sa akin;”
at masasabi ba ng nilikha sa lumikha sa kanya,
“Hindi mo alam ang iyong ginagawa”?
17Tulad ng kasabihan:
“Hindi magtatagal
at magiging bukirin ang kagubatan ng Lebanon,
at ang bukirin naman ay magiging kagubatan.”
18Sa araw na iyon maririnig ng bingi
ang pagbasa sa isang kasulatan;
at mula sa kadiliman,
makakakita ang mga bulag.
19Ang nalulungkot ay muling liligaya sa piling ni Yahweh,
at pupurihin ng mga dukha ang Banal na Diyos ng Israel.
20Sapagkat mawawala na ang malupit at mapang-api,
gayon din ang lahat ng mahilig sa kasamaan.
21Lilipulin ni Yahweh ang lahat ng naninirang-puri,
mga sinungaling na saksi
at mga nagkakait ng katarungan sa matuwid.
22Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, ang tumubos kay Abraham,
tungkol sa sambahayan ni Jacob:
“Wala nang dapat ikahiya o ikatakot man,
ang bayang ito mula ngayon.
23Kapag nakita nila ang kanilang mga anak
na ginawa kong dakilang bansa,
makikilala nila na ako ang Banal na Diyos ni Jacob;
igagalang nila ang itinatanging Diyos ni Israel.
24Magtatamo ng kaunawaan ang mga napapalayo sa katotohanan,
at tatanggap ng pangaral ang mga matitigas ang ulo.”

Mga Taga-Filipos 3
Ang Tunay na Pagiging Matuwid
1Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Hindi kaabalahan para sa akin na ulitin ang naisulat ko na, dahil ito naman ay para malayo kayo sa kapahamakan.
2Mag-ingat kayo sa mga taong asal-aso, sa mga taong mahilig sa paggawa ng masama. Sila'y mga taong naghihiwa ng kanilang katawan. 3Tayo ang tumanggap ng tunay na pagtutuli, tayong mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Ang ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus. Hindi tayo umaasa sa mga panlabas na seremonya.
4Ang totoo, ako'y may sapat na dahilan upang panghawakan ang mga panlabas na seremonya. Kung iniisip ninuman na siya'y may katuwirang umasa sa ganitong gawain, lalo na ako. 5Ako'y tinuli nang ikawalong araw mula nang ako'y isilang. Ako'y isang tunay na Israelita, buhat sa angkan ni Benjamin at katutubong Hebreo. Kung pagsunod naman sa Kautusan ang pag-uusapan, ako'y isang Pariseo. 6Dahil sa masugid kong pagsunod sa Kautusan, inusig ko ang iglesya. Kaya't kung sa pagiging matuwid ayon sa Kautusan, wala ring maisusumbat sa akin.
7Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon. 8Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan, makamtan ko lamang si Cristo 9at lubusang makasama niya. Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayo'y buhat sa Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya. 10Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan 11upang ako man ay muling buhayin mula sa mga patay.
Magpatuloy Tungo sa Hangganan
12Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako'y ganap na; ngunit sinisikap kong makamtan ang gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako'y tinawag ni Cristo Jesus. 13Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan. 14Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.
15Ganyan ang dapat maging kaisipan nating mga matatag na sa pananampalataya. Kung hindi ganito ang inyong pag-iisip, ipapaunawa iyan sa inyo ng Diyos. 16Ang mahalaga ay ipagpatuloy natin ang ating natutuhan.
17Mga kapatid, tumulad kayo sa halimbawang ipinakita ko sa inyo. Pag-ukulan din ninyo ng pansin ang lahat ng sumusunod sa aming halimbawa. 18Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo, at ngayo'y luhaang inuulit ko, marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo. 19Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga bagay na makalupa. 20Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Doon magmumula ang Tagapagligtas na hinihintay natin nang may pananabik, ang Panginoong Jesu-Cristo. 21Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang-lupa na may kahinaan ay babaguhin niya upang maging maluwalhating tulad ng kanyang katawan.

Send a message to learn more

Parable of the Unjust Judge
06/10/2026

Parable of the Unjust Judge

Our Father in heaven hears our prayers. We can approach Him confidently, knowing that He delights to care for our every need. Today, R.C. Sproul invites us to reflect on Jesus’ parable about persevering in prayer.

05/10/2026

Today's Bible Reading
Isaiah 26:1-27:13 ; Philippians 2

Isaias 26
Awit ng Pagtitiwala kay Yahweh
1Sa araw na iyo'y ganito ang aawitin sa Juda:
“Matatag na ang ating lunsod;
si Yahweh ang magtatanggol sa atin
at magbibigay ng tagumpay.
2Buksan ang pintuan,
at hayaang pumasok
ang matuwid na bansa na laging tapat.
3Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan
ang mga may matatag na paninindigan
at sa iyo'y nagtitiwala.
4Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman,
sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.
5Ibinababâ niya ang mga nasa itaas;
ibinabagsak niya ang lunsod na kanilang tinitirhan;
hanggang maging alabok ang mga pader nito.
6Ito'y tinapak-tapakan ng mga taong hinamak;
at ginagawang tuntungan ng mahihirap.”
7Patag ang daan ng taong matuwid,
at ikaw, O Yahweh ang dito'y pumatag.
8Sinusunod namin ang mga kautusan mo;
ikaw lamang ang aming inaasahan.
9Pagsapit ng gabi'y hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa,
nangungulila sa iyo ang aking espiritu.
Kapag hinatulan mo ang mga tao sa daigdig,
malalaman nila kung ano ang matuwid.
10Kahit mahabag ka sa taong masama,
hindi rin siya matututong mamuhay nang tapat;
kahit na kasama siya ng bayang matuwid,
kadakilaan ni Yahweh ay hindi pa rin mapapansin.
11Nagbabala ka ng parusa, O Yahweh, ngunit hindi rin nila ito pinansin.
Kaya ipadama mo sa kanila ang nakahandang parusa,
upang makita nila ang pagmamahal mo sa iyong bayan.
12Ikaw ang nagbibigay sa amin ng kapayapaan,
at anumang nagawa nami'y
dahil sa iyong kalooban.
13O Yahweh, aming Diyos, may ibang panginoong sa ami'y nanguna,
ngunit ang pangalan mo lamang ang aming kinikilala!
14Mga patay na sila at hindi na mabubuhay,
sapagkat pinarusahan mo at winasak na ganap,
hindi na sila maaalala kailanman.
15Pinaunlad mo ang iyong bansa, O Yahweh,
at pinalawak mo rin ang kanyang lupain.
Dahil dito'y karapat-dapat kang parangalan.
16Hinanap ka nila sa gitna ng hirap,
nang parusahan mo'y ikaw ang tinawag.
17Sa iyong harapan, katulad nami'y babaing manganganak,
na napapasigaw sa tindi ng hirap.
18Matinding hirap ang aming dinanas,
ngunit ito'y nawalan ng kabuluhan,
wala kaming napagtagumpayang labanan,
at wala kaming anak na magmamana ng lupain.
19Ngunit muling mabubuhay ang mga anak mong namatay,
mga bangkay ay gigising at aawit na may galak;
kung paanong ang hamog sa lupa ay nagpapasariwa,
ang espiritu ng Diyos ay nagbibigay-buhay.
Ang Kahatulan at Panunumbalik
20Pumasok kayo sa inyong bahay, bayan kong hinirang,
isara ninyo ang mga pinto,
magtago kayo hanggang humupa ang galit ni Yahweh.
21Sapagkat darating si Yahweh mula sa kalangitan,
upang parusahan ang mga tao sa daigdig dahil sa kanilang mga kasalanan.
Sa sandaling ito'y mahahayag ang mga lihim na pagpaslang
at mabubunyag pati ang kanilang libingan.

Isaias 27
Ililigtas ang Israel
1Sa araw na iyon, gagamitin ni Yahweh
ang kanyang malupit at matalim na espada;
paparusahan niya ang Leviatan, ang tumatakas na dragon,
at papatayin niya ang halimaw na nakatira sa dagat.
2Sa araw na iyon,
sasabihin niya sa kanyang mainam na ubasan,
3“Akong si Yahweh ang nag-aalaga ng ubasang ito
na dinidilig bawat sandali,
at binabantayan ko araw at gabi
upang walang manira.
4Hindi na ako galit sa aking ubasan,
ngunit sa sandaling may makita akong mga tinik,
ang mga ito'y titipunin ko
at saka susunugin.
5Ngunit kung nais nilang sila'y aking ingatan,
ang dapat nilang gawin, makipagkasundo sa akin.
6Darating ang araw na mag-uugat ang lahi ni Jacob,
mamumulaklak ang Israel, magbubunga ng marami
at mapupuno ang buong daigdig.
7Pinarusahan ba ng Diyos ang Israel gaya ng ginawa sa mga kaaway nito?
Pinatay ba niya ang mga Israelita tulad ng ginawa sa pumaslang sa kanila?
8Hinayaan ni Yahweh na mabihag ang kanyang bayan bilang parusa;
tinangay sila ng malakas na hangin buhat sa silangan.
9Patatawarin lang sila kung wawasakin nila ang mga altar
at itatapon ang larawan ng diyus-diyosang si Ashera,
at dudurugin ang altar na sunugan ng insenso.
10Wasak na ang lunsod na siyang tanggulan,
para itong disyerto na walang nakatira,
at ginawang pastulan na lamang ng mga baka.
11Nabali at natuyo ang mga sanga ng punongkahoy,
pupulutin naman ng mga babae at gagawing panggatong.
Sapagkat ang bayang ito'y walang pagkaunawa,
kaya hindi sila kahahabagan ng Diyos na kanilang Manlilikha.
12Sa araw na iyon ay titipunin ni Yahweh,
ang mga Israelita gaya ng inaning trigo;
mula sa Ilog Eufrates hanggang sa hangganan ng Egipto.
13Pagtunog ng trumpeta, tatawagin pabalik sa Jerusalem,
ang mga Israelitang nangalat sa Asiria at Egipto
upang sambahin nila si Yahweh sa banal na bundok sa Jerusalem.

Mga Taga-Filipos 2
Ang Halimbawa ni Cristo
1Kaya nga, sapagkat mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, 2lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. 3Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. 4Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. 5Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.
6Kahit siya'y likas at tunay na Diyos,
hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
7Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos,
at naging katulad ng isang alipin.
Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.
At nang si Cristo'y maging tao,
8nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.
9At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos,
at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.
10Sa gayon, sa pangalan ni Jesus
ay luluhod at magpupuri ang lahat
ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.
11At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama,
ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.
Maging Ulirang Anak ng Diyos
12Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, 13sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.
14Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo, 15upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan, 16habang ibinabalita ninyo sa kanila ang mensahe na nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa araw ng pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang aking mga pagpapagal sa inyo.
17Kung ang buhay ko ma'y maging handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo. 18Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan.
Sina Timoteo at Epafrodito
19Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko agad riyan si Timoteo upang mapanatag ang aking loob kapag aking malaman mula sa kanya ang inyong kalagayan. 20Wala nang hihigit sa kanya sa pakikiisa sa aking damdamin at pagmamalasakit para sa inyong kapakanan. 21Ang inaatupag lamang ng iba ay ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Cristo. 22Kayo na rin ang nakakaalam sa katapatan ni Timoteo. Kasama ko siya sa pangangaral ng Magandang Balita. Tinulungan niya ako tulad ng pagtulong ng isang anak sa kanyang ama. 23Kaya, binabalak kong papuntahin siya riyan pagkatapos kong matiyak ang magiging kalagayan ko rito. 24Subalit ako'y umaasa, sa tulong ng Panginoon, na ako rin ay makakapunta riyan sa lalong madaling panahon.
25Inisip kong kailangan nang pauwiin diyan ang ating kapatid na si Epafrodito, na aking kamanggagawa at kapwa kawal ng Diyos na isinugo ninyo upang magdala ng inyong kaloob, at upang makatulong rin dito. 26Sabik na sabik na siya sa inyong lahat. Nag-aalala siya dahil sa nabalitaan ninyong nagkasakit siya. 27Tunay ngang siya'y nagkasakit at muntik nang mamatay. Subalit kinahabagan siya ng Diyos, at hindi lamang siya kundi pati ako, upang huwag nang madagdagan pa ang aking kalungkutan.
28Kaya nga, nais ko ring makauwi na siya riyan sapagkat alam kong matutuwa kayong makita siyang muli. Sa gayon, mawawala na ang aking kalungkutan. 29Kaya, tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang isang tunay na lingkod ng Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya. 30Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang inyong kakulangan sa akin.

Send a message to learn more

Address

GF Orange Bldg. Maharlika Highway, Cabangan
Camalig
4502

Opening Hours

10am - 2pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Albay Sovereign Grace Community Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share