Nahasikan ng punla ng salita ng Diyos ang maliit na baryo sa Calumpit, sa pamamagitan ng mga Misyonerong Amerikano. Si Dr. William Viekendore, isang Misyonerong Amerikano ang unang naging pastor ng iglesiyang ito. Ilang sambahayan ang unang nahikayat na umanib sa Iglesya. Sila ang naging matatag na haligi ng Iglesya sa Gatbuca... binuksan ang sambahayan nina Joaquin de Jesus, Gavino Yanga, Bernard
o at Ponciano de Leon, Pantaleon at Toribio Poveli, Gabriel Centeno, Antonio at Valentino de Jesus at Francisco Gregorio na naging obispo ng IEMILIF, ang kanilang mga tahanan upang pagdausan ng mga gawain ng Panginoon. Kasabay noon ay ang pagbubukas ng kanilang mga puso sa bagong pananampalatayang natagpuan. Ngunit ang paglilingkod nga daw ay may kaakibat na mga pagsubok. Mga pagsubok na hindi nakahadlang sa pagpapatuloy ng misyon ng iglesya sa lugar na ito.. May ilang pagkakataong binabato ang mga mananampalataya sa panahon ng kanilang mga gawain ng pagbabahaginan ng salita ng Diyos. Tinawag silang mga โPutisโ o maiingay na mga palaka dahil sa kanilang maiglang pag-aawitan. May ilan rin sa kanila ang nakulong, subalit, dahil sa kanilang pag-aawitan sa loob ng selda ay pinalaya rin sila. Nagpatuloy ang matibay na pananampalatay sa kabila ng mga pagsubok na ito. S gabay ng Banal na Espiritu, lumaganap ang pananampalatayang Metodista sa Gatbuca. Noong 1903, ang sambahayan ni Joaquin de Jesus (ama nina Apya Umali at Kika Pagsanghan), ay tinawag ng Panginoon at taus-pusong nagkaloob ng isang lupa kung saan itatayo ang bahay sambahan ng Diyos. Dito itinayo ang unang kapilya na yari sa pawid at may mga upuang kawayan. Lalong nag-alab ang pananampalatay ng mga miyembro ng Iglesiya. Idineklara ng Conferencia Anwal noong 1952 na lagyan ng salitang โUnitedโ ang Methodist Church, at ang Iglesiya Metodista ng Gatbuca ay pinangalanang Ang Nagkakaisang Iglesiya Metodista ng Gatbuca o The Gatbuca United Methodist Church.
1962 nang itayo ng National Power Corporation ang kanilang transmission line sa Claumpit at kabilang ang Iglesya sa mga tinamaan nito. Subalit malalim na ang naitanim na pananampalatay a sa mga miyenbro. Hindi ito ang maaaring makapagpabagsak sa kanilang pananlig. Sa pamamahala ni Marcelino Alcoriza at sa pangunguna ni Pastor Brigido Villanueva, kasama na ang pagkilos ng mga miyembro bilang isang Iglesya, naityo ang isang Malaki at bagong sambahan na yari sa bato, tabla, at yero. Sa likuran nito ay itinayo ang bahay-pastoral na tinirhan ni Pastor Villanueva at ng kanyang pamilya. Subalit, dumating ang panahon ng matinding pagsubok. Sa pagkakataong nalipat ng destino ang pastor ng Iglesya, nagsimulang makaramdam ng panlalamig ang mga kaanib nito. Dumating ang panahon na sampu na lamang ang dumadalo sa mga Gawain. Dahil ditto, nabahala ang distrito kung kayaโt matapos ang kumperensiyang anwal ng MidPAC, nagtungo sa Gabuca ang ilang matataas na pinuno ng Iglesya Metodista upang alamin ang mga suliranin ng Gatbuca UMC. Ang tatlong mga nagsikap, sina Domingo Sadsad, Felipe Tarriza at Antonio Lejarde, ay hindi nag-aksaya ng panahon. Sinimulan nila ang pagbisita sa tahanan ng mga kaanib at hinikayat silang manumbalik sa Iglesya. At sapagkat kalugod-lugod sa ating Panginoon, ang mga nallamig na pananampalataya ay muling nag-init. Tulad ng uling, kung magkakahiwalay ay namamatay, muling nagsama-sama ang mga miyembro at ang kanilang pananampalataya ay nagningas, naglagablab at tuluyang nag-apoy. Nagpatuloy nga ang Gawain ng Panginoon sa lugar na ito. Taong 1975, kinaakitaan na ang bahay-sambahan ng paninira ng mga anay at ibon, kaya sa panunungkulan ni Higino Dungo Sr. at Pastor Domingo Sadsad ay nahamon ang lahat ng kaanib namuling pangarapin ang pagpapatayo ng isang bagong kapilya. Tumugon ang bawat isa sa pananalapi at kakayahang pisikal. Ika-27 ng Marso, taong 1977, itinalaga ang isang bago, malaki at magandang bahay-sambahan ng Panginoon, kasabay ng ika-75 taon ng pagkakatatag ng Iglesya.
1985. Nangarap ang isang manggagawang babae na makapagpatayo ang Gatbuca UMC ng isang paaralan. Sa pangunguna ni Mrs. Edith Mendoza, at sa tulong ni Pastor Jose Umali Jr. ay naitatag ang Cherubim Kiddie Center. Mga donasyong kagamitan mula sa mga miyembro ang nakapagpakumpleto s munting paaralan na pansamantalang idinaos sa bahay-pastoral. Ang paaralang ito ay nagging matagumpay ta naghuog sa karunungang pisikal at epirituwal ng mga bata. Labintatlong taon na ginanap sa gusaling ito ang mga pananambahan at Gawain ng Iglesya nang muling mangarap ang mga kaanib na makapagpagawa ng isang mas malaking bahay-sambahan. Hindi na magkasya ang dumaraming mga miyembro, kahit pa hiwalay na ang pananambahan ng mga bata, Nagpasya ang pamunuan ng Iglesya na lagyan ng ikalawang palapag ang kapilya. Subalit may mas magandang plano ang Panginoon para sa kanyang mga matapat na anak. Nakabili ang Iglesya ng isang loteng may sukat na humigit sa 2,000 metro kwadrado. Kay lawak at kay ganda ng lupang ito na ibinigay ng Panginoon. Tabing-ilog at puno ng mga halaman. Ngunit, paano makapagpapatayo ditto ng isang making sambahan gayong panahon ng kahirapan ng buhay? Subalit purihin ang Panginoon! Tunay na hindi siya nagkukulang sa mga nananampalataya sa kanya. Ang mga miyembro ay ibinigay ang lahat ng kanilang makakaya at tumugon sa panawagan. Nabakuran ng kongkreto ang lote, napalinis, at natambakan. Sinimulan noong ika-27 ng Enero, 1992 ang isang napakalaking hamon na itayo sa lugar na ito ang sambahan ng Panginoon. Setyembre 1992. Natupad na ang pangako ng Panginoon. Natapos na ang monument ng pananampalataya ng buong kapatiran ng Nagkaisang Iglesya Metodista ng Gatbuca. Marami ang nagsabing hindi lamang basta kapilya ito, kundi isang katedral. At patuloy nilang nadama ang kadakilaan ng Panginoon. Nobyembre 1992. Unang ginanap ang pananambahan sa bagong tayong Iglesya. Masaya, mainit ang pagsasamahan, matagumpay ang mga Gawain at maalab ang pananampalatayaโฆ tunay ngang isang inspirasyon ang napakagandang gusaling ito. Ika-9 ng Enero 1993 nang ganapin sa Iglesya ng Gatbuca ang Joint Special Session ng MidPAC at BulPAC na siyang nagbigay-daan sa isang malaking pagbabago sa kasaysayan ng Iglesya Metodista sa Pilipinas. Dito rin sa Gatbuca ginanap ang pagsasakatuparan ng yugtong iyon, ang pagsilang ng Bulacan Philippines Annual Conference noong Abril 1993. Disyembre 1993. Parang isang madilim na ulap ang tumakip sa kasiglahan ng kapatiran. Dumating ang isang pagsubok na iyang papanday sa tunay na pananampalataya ng mga kaanib. Totoo ngang sa kahit anong samahan ay may mga pagkakaiba-iba ng kaisipan, pananaw, damdamin, at layunin. Pebrero 1994. Hindi na nga magkakatugma ang mga paniniwala ng kapatiran. Ang pinakamalungkot na pahina ng kasaysayan ng ating Iglesya ay naganap. Ilang mga kapati natin sa Iglesyaaa ay umalis at nagtayo ng sariling sambahan. Ilang mga sambahayan ang nawala at umaib sa kanila. Hindi na nga maibabalik ang dating mainit na pagsasamahan. Nanlamig man ang pananampalataya sa mga di-inaasahang mga pangyayari, nagpakatibay at nagpakatatag ang mga manggagawa ng Panginoon. Nanatili sila sa paglilingkod sa kabila ng mga pang-aalipusta. Kasama natin sina Rev. Crisolito Mendoza at Ate Aileen Balatbat sa lungot at saya. Hindi naman pinabayaan ang Iglesya ng mga manggagawang lalake at babae ng BulPAC. Sa pangunguna ni D.S. Generoso Ocampo, matiyaga nilang sinamahan ang Iglesya sa gabi-gabing pananalangin upang manumbalik ang kasiglahan ng mga kaanib. Isang buwan ng taimtim na pagdarasal, na kadalasan ay inaabot hanggang pagsikat ng araw ay nagbunga at unti-unting nanumbalik ang kasiglahan, datapwat hindi na kaisa sa pananambahan ang ahat ng dating kaanib. Marso 1995 muling ginanap sa Gatbuca UMC ang matagumpay na Bulacan Philippines Annual Conference kung saan ito isinilang. Sa tulong ng Panginoon, sa gabay ng Espiritu Santo at sa masiglang pagkilos ng bawat organisasyon, naisagawa ang mga Gawain ng Iglesya. Nagpatuloy ang mga misyon, evangelism, Bible studies, Sunday school, visitation, outreach program, DVCS, mga pagtatanghal at marami pang iba na lalo pang nagpaalab sa pananampalataya ng buong Iglesya. Ikatatlumpuโt isa ng Marso, taong dalawang libo at dalawa. Isandaang ton ng paglilingkod sa Panginoon. Isang siglo ng pagbibigay ng espirituwal na tahanan sa mga kaanib. Sampung dekada ng pagbibigay kapayapaan sa pusong nangangailangan at kagalingan sa kaluluwang sugatan. Isandaan taonโฆ at ang Nagkakaisang Iglesya Metodista ng Gatbuca ay nagpapatuloy sa pagtataguyod ng pananampalatayang Metodista sa bawat salinlahi, patuloy na nananalig sa kanyang Diyos at tumatanaw sa usunod na isandaang taon ng pananampalataya at paglilingkod.