13/12/2025
SIMBANG GABI 2025
"Ang salita ay naging tao at nakipamuhay sa atin"- Juan 1:14
Halina't sama-sama tayong maghanda ng siyam na gabi para sa pagkakatawang tao ng salita ng Diyos. Ang Dakilang Kapistahan ng pagsilang ng ating Manunubos - Si HESUKRISTO.
Ito ay tanda ng pagbibigay pag-asa sa bawat isang mananampalataya.
Kaisa ng paghahanda ng ating Parokya sa pagdiriwang ng ika- 75 Guning Taon ng Pagkakatatag nito, ating itaas sa Panginoon na lalo pang pagyamanin ang ating Parokya at pagyabungin ang pananampalataya ng bawat isa.
Narito ang talatakdaan ng ating mga gawain.