Sto. Niño Parish - Calumpit, Bulacan

Sto. Niño Parish - Calumpit, Bulacan Parokya ng Sto. Niño sa Bayan ng Calumpit, Bulacan - Ang Simbahan ng Pag-asa Ang Parokya ng Sto. Kura Paroko: Reberendo Padre Vic A.

Niño sa Bayan ng Calumpit, Bulacan ay binubuo ng tatlong barangay: Caniogan, Pungo, at Santo Niño, na nasa sentro. Robles

TALATAKDAAN NG BANAL NA MISA

ARAW NG LINGGO
6:00 ng umaga
8:00 ng umaga
5:00 ng hapon
Simbahan ng Sto. Niño

MARTES HANGGANG SABADO
6:30 ng umaga
Simbahan ng Sto. Niño

SABADO (Misa ng Linggo)
5:00 ng hapon
Kapilya ng Pungo

6:30 ng gabi
Kapilya ng Caniogan

Para sa in

yong mga Donasyon at Pamisa:
Gcash
0956 750 8871
Vicente Robles

Metrobank
RCBMI - Sto. Niño Parish
7587 758 0073 80

Para sa ibang detalye, bumisita po sa Opisina ng Simbahan, Martes hanggang Linggo, 8 am - 4 pm, o tumawag sa 0956 750 8871 o sa landline number (044) 792 4005.

24/05/2026

MAY 24, 2026 | LINGGO NG PENTEKOSTES

ANG IKA - APAT NA PAROKYA SA BAYAN NG CALUMPIT, ANG SIMBAHAN NG PAG - ASA
ANG PAG-ASA AY NARITO, ANG PAG-ASA AY PARA SA IYO, ANG PAG-ASA AY BUHAY!

~NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED~

BANAL NA MISA - 5:00 N.H

----------
Para sa pagpapalalim ng ating Buhay Espiritwal, ating I-LIKE, FOLLOW and SHARE ang ating page https://www.facebook.com/stoninoparishcalumpit
----------





Vivat Paroecia Nostra, Vivat Ecclesia Catholica!Ngayong Linggo ng Pentekostes at Kaarawan ng Simbahan, buong galak natin...
24/05/2026

Vivat Paroecia Nostra, Vivat Ecclesia Catholica!

Ngayong Linggo ng Pentekostes at Kaarawan ng Simbahan, buong galak nating ipinagdiriwang ang Ika-8 Guning Taon ng Pagkatatag ng Parokya ng Sto. Niño, na ginunita noong ika-19 ng Mayo 2026.

Kaisa ng Parokya ng Sto. Niño sa pangunguna ni Reb. P. Vic Robles, taos-puso tayong nagpapasalamat sa lahat ng mga samahan, mga personalidad, at mga lingkod ng simbahan na naging daan upang maisakatuparan ang munting salu-salo o pika-pika sa ilalim ng ating simbahan bilang bahagi ng ating pagdiriwang.

Sa araw na ito ng Pentekostes, muli nating ginugunita ang pagbuhos ng Espiritu Santo at ang pagkakatatag ng Simbahan—isang paalala na bilang sambayanan ng Diyos, tayo ay tinatawag na magkaisa sa pananampalataya, pagmamahalan, at paglilingkod. Nawa’y patuloy na maging buhay ang ating parokya bilang tahanan ng pananalig at pagkakaisa, sa gabay at pagpapala ng Poong Sto. Niño.

Mabuhay ang ating Parokya, mabuhay ang Simbahang Katolika!

Tara na sa Calumpit, sa Bayan ni Juan!
24/05/2026

Tara na sa Calumpit, sa Bayan ni Juan!

𝐕𝐈𝐀𝐉𝐄 𝐍𝐈 𝐀𝐏𝐎 𝐉𝐔𝐀𝐍Mga Ka-Parokya, buong galak at pananampalataya nating salubungin ang Pintakasi ng ating bayan, si San J...
21/05/2026

𝐕𝐈𝐀𝐉𝐄 𝐍𝐈 𝐀𝐏𝐎 𝐉𝐔𝐀𝐍

Mga Ka-Parokya, buong galak at pananampalataya nating salubungin ang Pintakasi ng ating bayan, si San Juan Bautista, sa kaniyang banal na Viaje sa ating Parokya mula ika-22, 23, at 24 ng Mayo.

MANATILING NAKAANTABAY SA ATING FB PAGE PARA SA MGA DETALYE NG PAGDALAW NI APO JUAN.

Ating alalahanin at ipagpasalamat ang ating Inang Simbahan — ang Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Juan Bautista — na naging tahanan ng pananampalataya ng maraming mananampalataya bago pa man tayo hiranging isang ganap na parokya. Dito unang umusbong at lumalim ang debosyon, paglilingkod, at pagkakaisa ng sambayanan ng Diyos.

Nawa’y manatili sa ating puso ang pagpapahalaga sa mayamang kasaysayan at matibay na pananampalatayang ipinamana sa atin ng ating Inang Simbahan. Patuloy nating ipanalangin na sa gabay ni San Juan Bautista, lalo pa tayong maging buhay na saksi ni Kristo sa ating pamayanan.

PATRONG DAKILA, MABUHAY KA!


MALIGAYANG PAGBATI, REB. P. VINCENT REYES!Ang Parokya ng Sto. Niño ay buong pusong bumabati sa pagdiriwang ng ika-25 tao...
19/05/2026

MALIGAYANG PAGBATI, REB. P. VINCENT REYES!

Ang Parokya ng Sto. Niño ay buong pusong bumabati sa pagdiriwang ng ika-25 taong pagkakapari sa dating Kura Paroko ng ating simbahan, Reb. P. Vincent Reyes.

Sa loob ng dalawampu't limang taon ng tapat at masigasig na paglilingkod sa Panginoon at sa Kanyang sambayanan, naging buhay na saksi kayo ng pananampalataya, kababaang-loob, at pagmamahal sa Simbahan. Tunay na naging inspirasyon kayo sa maraming mananampalataya sa pamamagitan ng inyong paggabay, pangangaral, at malasakit sa bawat isa.

Dalangin po namin na patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas ng loob, at masaganang biyaya upang maipagpatuloy pa ninyo ang inyong banal na misyon bilang lingkod ng Diyos.

Nawa'y manatiling maningas ang apoy ng inyong bokasyon at patuloy kayong maging ilaw at pag-asa sa sambayanan ng Diyos.

Muli, maligayang ika-25 anibersaryo ng inyong pagpapari! Ad multos annos, Padre Vince!

𝐈𝐊𝐀-𝟖 𝐆𝐔𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀Ngayong ika-19 ng Mayo, buong galak at pasasalamat nating ipinagdiriwang...
19/05/2026

𝐈𝐊𝐀-𝟖 𝐆𝐔𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀

Ngayong ika-19 ng Mayo, buong galak at pasasalamat nating ipinagdiriwang ang ika-8 guning taon ng pagkakatatag ng ating minamahal na simbahan, Parokya ng Sto. Niño. Sa loob ng walong taon, naging tahanan ito ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal ng Diyos para sa bawat mananampalataya.

Patuloy tayong ginagabayan ng Mahal na Sto. Niño upang manatiling matatag ang ating pamayanan sa gitna ng mga pagsubok at hamon ng buhay. Nawa’y lalo pang magningas ang ating pananampalataya at paglilingkod bilang isang sambayanang nagkakaisa kay Kristo.

Sama-sama nating ipagpasalamat ang lahat ng biyaya, tagumpay, at mga biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa ating parokya. Dalangin natin na patuloy Niya tayong pagpalain, gabayan, at patibayin upang maipagpatuloy ang misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita.


17/05/2026

MAY 17, 2026 | ANG DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT

ANG IKA - APAT NA PAROKYA SA BAYAN NG CALUMPIT, ANG SIMBAHAN NG PAG - ASA
ANG PAG-ASA AY NARITO, ANG PAG-ASA AY PARA SA IYO, ANG PAG-ASA AY BUHAY!

~NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED~

PUNONG TAGAPAGDIWANG:
REB. P. VICENT PRAGASA
BANAL NA MISA - 8:00 N.U
----------
Para sa pagpapalalim ng ating Buhay Espiritwal, ating I-LIKE, FOLLOW and SHARE ang ating page https://www.facebook.com/stoninoparishcalumpit
----------




17/05/2026

MAY 17, 2026 | ANG DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT

ANG IKA - APAT NA PAROKYA SA BAYAN NG CALUMPIT, ANG SIMBAHAN NG PAG - ASA
ANG PAG-ASA AY NARITO, ANG PAG-ASA AY PARA SA IYO, ANG PAG-ASA AY BUHAY!

~NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED~
PUNONG TAGAPAGDIWANG:
REB. P. VICENTE A. ROBLES

BANAL NA MISA - 8:00 N.U
----------
Para sa pagpapalalim ng ating Buhay Espiritwal, ating I-LIKE, FOLLOW and SHARE ang ating page https://www.facebook.com/stoninoparishcalumpit
----------




16/05/2026

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat || World Communication Sunday
Ika-17 ng Mayo, 2026 || Punong Tagapagdiwang: Reb. Vic Robles ||
Sto. Niño Parish - Calumpit, Bulacan

Address

Sto. Niño
Calumpit
3003

Opening Hours

Tuesday 6:30am - 4pm
Wednesday 6:30am - 4pm
Thursday 6:30am - 4pm
Friday 6:30am - 4pm
Saturday 6:30am - 4pm
Sunday 6am - 5pm

Telephone

+639567508871

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño Parish - Calumpit, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sto. Niño Parish - Calumpit, Bulacan:

Share