06/01/2026
UNCHARTED: Discover. Trust. Go. โจ
Minsan sa buhay, may mga season na pakiramdam natin wala tayong malinaw na mapa. Hindi natin alam kung saan eksaktong patungo, kung ano ang susunod na mangyayari, at kung kakayanin ba natin. Pero sa gitna ng lahat ng ito, may isang paanyaya ang Diyosโna mag-discover, magtiwala, at humakbang kasama Siya.
Ang UNCHARTED Youth Retreat na ito ay naging patunay na kahit hindi malinaw ang lahat, sapat ang presensya ng Diyos para magpatuloy. 30 youth ang nag-yes sa tawag ng Diyosโnagtipon hindi lang para magsaya, kundi para mas makilala Siya, mas maunawaan ang Kanyang kalooban, at mas tumibay sa pananampalataya.
Sa bawat session, worship, kwentuhan, at tahimik na sandali, unti-unti naming nadiskubre kung sino ang Diyos sa gitna ng aming mga tanong at takot. Natutunan naming magtiwala kahit hindi pa kumpleto ang sagot. At higit sa lahat, hinamon kaming humakbangโkahit maliit manโpatungo sa layuning inihanda Niya para sa amin.
Lubos ang aming pasasalamat sa mga sponsors na ginamit ng Diyos bilang daluyan ng Kanyang provision, lalo na sa pagkain at iba pang pangangailangan. Dahil sa inyo, naisakatuparan ang retreat na ito at naranasan namin ang pag-aalaga ng Diyos sa napaka-praktikal na paraan. ๐ค
Maraming salamat sa tagapagsalita ng devotion, si Ptr. Jovito Mendoza, sa mensaheng nagpatibay at nagpaalala sa amin ng presensya ng Diyos sa bawat uncharted season ng buhay.
Maraming salamat din sa tagapagsalita ng Session 1, si Ptr. Aaron Merciadez, sa makapangyarihang mensaheng may pamagat na โLost but Seenโโisang paalala na kahit minsan kami ay naliligaw, hindi kailanman nawawala sa paningin ng Diyos.
Maraming salamat din sa lahat ng Youth Officers na nagtiyaga, nagsakripisyo, at nag-pursigi mula sa pagpaplano hanggang sa aktwal na retreat. Hindi naging madali ang lahat, pero dahil sa inyong puso ng paglilingkod, naisakatuparan ang gawaing ito.
Isang espesyal at taos-pusong pasasalamat sa aming kasamang Deaconessโkayo ang isa sa mga pangunahing ginamit ng Diyos upang maisakatuparan ang retreat na ito. Salamat sa inyong walang sawang suporta, paggabay, sakripisyo, at malasakit sa amin. Kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging posible ang retreat na ito. ๐ค
Lubos din naming pinasasalamatan ang aming Council sa walang sawang paggabay, payo, at suporta sa amin throughout the retreat. Malaking pagpapala ang inyong presensya at pamumuno sa amin bilang kabataan.
Hindi pa tapos ang kwento.
Ito pa lang ang simula.
UNCHARTED: Discover. Trust. Go.
Sa Diyos ang lahat ng papuri at pasasalamat. ๐โจ
01-03-26