Columbian Squires - Kalumpit St. John the Baptist Circle #4154

Columbian Squires - Kalumpit St. John the Baptist Circle #4154 Columbian Squires is an International youth organization for young Catholic men ages 10-17

Ngayong Agosto 18, 2026, patuloy na nakiisa ang Knights of Columbus Kalumpit St. John the Baptist 10582 at Columbian Squ...
18/08/2026

Ngayong Agosto 18, 2026, patuloy na nakiisa ang Knights of Columbus Kalumpit St. John the Baptist 10582 at Columbian Squires - Kalumpit St. John the Baptist Circle #4154, sa pamamahagi ng relief goods sa iba’t ibang barangay sa Calumpit, Bulacan para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.

Ang gawaing ito ay isinagawa sa pangunguna ng Commission on Social Action ng Diocesan Shrine and Parish of St. John the Baptist, Calumpit, Bulacan, kasama si Sis. Imelda Ortiz.

Patuloy ang ating panalangin para sa lahat ng pamilyang naapektuhan ng pagbaha. Nawa’y patuloy silang bigyan ng Diyos ng lakas, pag-asa, at kaligtasan.



16/08/2026
August 15, 2026Nakibahagi ang Columbian Squires - Kalumpit St. John the Baptist Circle  #4154 at Knights of Columbus Kal...
15/08/2026

August 15, 2026

Nakibahagi ang Columbian Squires - Kalumpit St. John the Baptist Circle #4154 at Knights of Columbus Kalumpit St. John the Baptist 10582 sa pamamahagi ng relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan ng baha sa Barangay Gugo at Gatbuca, Calumpit, Bulacan.

Ang gawaing ito ay isinagawa sa pangunguna ng Commission on Social Action ng Diocesan and Parish of St. John the Baptist, Calumpit, Bulacan, sa pangunguna ni Sis. Imelda Ortiz.

Sa panahon ng pagsubok, sama-sama tayong tumulong at maging sandigan ng bawat pamilyang nangangailangan.



Ang Columbian Squires – Kalumpit St. John the Baptist Circle  #4154 ay nakiisa sa pamamahagi ng relief goods sa mga pami...
12/08/2026

Ang Columbian Squires – Kalumpit St. John the Baptist Circle #4154 ay nakiisa sa pamamahagi ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa ilang barangay sa Calumpit, Bulacan.

Isinagawa ang relief operation sa pangunguna ng Commission on Social Action ng Diocesan Shrine and Parish of St. John the Baptist, bilang tugon sa pangangailangan ng ating mga kababayang nasalanta ng baha.

Sa simpleng paraan, ang mga Squires ay naglaan ng oras, lakas, at serbisyo upang makatulong sa ating mga kababayan sa panahon ng pagsubok. 💙

🙏 Sama-sama tayo sa pagtulong at pagbangon.

Ikaanim na Araw ng Novena sa Karangalan ni Blessed Fr. Michael J. McGivneyAgosto 9, 2026Sa pagpapatuloy ng ating Novena ...
09/08/2026

Ikaanim na Araw ng Novena sa Karangalan ni Blessed Fr. Michael J. McGivney
Agosto 9, 2026

Sa pagpapatuloy ng ating Novena sa Karangalan ni Blessed Fr. Michael J. McGivney, pinangunahan ni Worthy Grand Knight Bro. Danilo F. Aquino III ang pananalangin ng Novena mula sa kanyang tahanan.

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, isinama sa kanyang mga panalangin ang kaligtasan, pag-iingat, at proteksyon ng bawat pamilya, lalo na ang mga naapektuhan ng masamang panahon. Nawa’y patuloy tayong gabayan at ilayo sa anumang kapahamakan.

Hinihiling din natin sa pamamagitan ng panalangin ni Blessed Fr. Michael J. McGivney ang pagkakaisa, katatagan, at malasakit sa isa’t isa sa mga panahong nangangailangan tayo ng higit na pag-iingat at pagtutulungan.

Blessed Fr. Michael J. McGivney, ipanalangin mo kami. 🙏

Ikalimang Araw ng Novena sa Karangalan ni Blessed Fr. Michael J. McGivneyAgosto 8, 2026Sa pagpapatuloy ng ating Novena s...
08/08/2026

Ikalimang Araw ng Novena sa Karangalan ni Blessed Fr. Michael J. McGivney
Agosto 8, 2026

Sa pagpapatuloy ng ating Novena sa Karangalan ni Blessed Fr. Michael J. McGivney, pinangunahan ni Chief Squire Lanspher T. Alfonso ng Columbian Squires ang pananalangin ng Novena mula sa kanyang tahanan.

Ang simpleng pananalanging ito ay pagpapakita ng patuloy na debosyon at pakikiisa sa ating paghahanda bilang isang komunidad ng pananampalataya, bilang pagsunod sa halimbawa ni Blessed Fr. Michael J. McGivney, tagapagtatag ng Knights of Columbus.

Blessed Fr. Michael J. McGivney, ipanalangin mo kami!

Sa unang tatlong araw ng Novena sa Karangalan ni Blessed Fr. Michael J. McGivney, ang ating mga Brother Knights at Colum...
07/08/2026

Sa unang tatlong araw ng Novena sa Karangalan ni Blessed Fr. Michael J. McGivney, ang ating mga Brother Knights at Columbian Squires ay nagkaisa sa panalangin mula sa kani-kanilang mga tahanan, kasama ang kanilang mga pamilya.

Pinangunahan ang pagnonobena nina Worthy Membership Director Bro. Rodolfo Manumbas, PGK, PFN, FDD, Sqr. Miko Lucas, Worthy Warden, at Bro. Melchor Lanzaderas noong Agosto 4–6, 2026, bilang pagpapakita ng kanilang debosyon at pananampalataya sa ating tagapagtatag.

Nawa’y magsilbing inspirasyon si Blessed Fr. Michael J. McGivney upang patuloy nating isabuhay ang pagkakaisa, paglilingkod, at pagmamahal sa Diyos at sa ating mga pamilya.

Blessed Fr. Michael J. McGivney, ipanalangin mo kami!

Isang Maligaya at Mapagpalang Kaarawan!🥳Bro. Miko LucasWorthy SquireEsto Dignus, Be Worthy, Maging Karapat-dapat
04/08/2026

Isang Maligaya at Mapagpalang Kaarawan!🥳
Bro. Miko Lucas
Worthy Squire

Esto Dignus, Be Worthy, Maging Karapat-dapat


Isang Maligaya at Mapagpalang Kaarawan!🥳Bro. Ralph Austria LustreWorthy MemberEsto Dignus, Be Worthy, Maging Karapat-dap...
04/08/2026

Isang Maligaya at Mapagpalang Kaarawan!🥳
Bro. Ralph Austria Lustre
Worthy Member

Esto Dignus, Be Worthy, Maging Karapat-dapat.


Address

Poblacion
Calumpit

Telephone

+639954505325

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Columbian Squires - Kalumpit St. John the Baptist Circle #4154 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share