IRM Ministries - Bulacan IV

IRM Ministries - Bulacan IV A Church that exists to glorify God by obeying the Great Commandment and fulfilling the Great Commission.

๐Ÿ”ฅ THE IRM BULACAN DISTRICT IV BASKETBALL FELLOWSHIP IS ON! ๐Ÿ”ฅBragging rights? Healthy competition? Inspiring sportsmanshi...
29/05/2026

๐Ÿ”ฅ THE IRM BULACAN DISTRICT IV BASKETBALL FELLOWSHIP IS ON! ๐Ÿ”ฅ

Bragging rights? Healthy competition? Inspiring sportsmanship? Weโ€™ve got it all! The different local churches of Bulacan District IV are hitting the court to showcase not just athletic talent, but the love of Christ through sports.

Bring your banners, your loudest cheers, and your church family to support your home team! Who will take home the championship trophy this year? ๐Ÿ†

๐Ÿ“– Verse of the Day:
"And whatever you do, whether in word or deed, do it all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through him." โ€” Colossians 3:17

24/05/2026

Distance is never a barrier when we are ON OUR KNEES. ๐Ÿ›
Magkakaibang dako man ang ating kinalalagyan , iisang Panginoon naman ang ating tinatawagan. Sama-sama tayong magpakumbaba, magkaisa sa panalangin, at manalig sa Kanyang kapangyarihan.
Makiisa sa ating oras ng pananalangin . Isang puso, isang tinig, kahit nasaan ka man.
Letโ€™s bend our knees and lift our faith. ๐ŸŒŸ

IRM Bulacan District 4
Tagapanguna: IRM Ministries - Cupang

14/05/2026

PAALALA!

Sa LAHAT ng mga kapatiran at mga manggagawa ng IRM Bulacan District IV.

Pagbati sa inyo sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Sa mga panahong ito na mainit at maselan ang usapin tungkol sa pulitika at ibaโ€™t ibang kaganapan sa ating bansa, kami po ay magalang na namamanhik sa bawat isa na maging mahinahon, maingat, at mapanalanginin sa lahat ng ating ipopost, ikokomento, at magiging reaksyon lalo na sa social media at sa mga pampublikong pahayag.

Hindi po ipinagbabawal ng ating simbahan ang freedom of speech at malayang pagpapahayag ng damdamin at opinyon. Gayunman, bilang mga lingkod ng Panginoon, kaakibat ng kalayaang ito ang mataas na pananagutan na tayo ay maging responsable, may kabanalan, at nagbibigay luwalhati sa Diyos sa lahat ng ating sinasabi at ginagawa.

Ipinaalala sa atin ng Salita ng Diyos:
โ€œAng inyong pananalita ay laging may biyaya, na timplahan ng asin, upang inyong maalaman kung paano dapat sagutin ang bawat isa.โ€ (Colosas 4:6)

Bilang mga manggagawa ng Panginoon, tayo ay higit na inaasahang makikitaan ng bunga ng Banal na Espiritu sa ating buhay. Nawa ay manaig sa atin ang pag-ibig, kahinahunan, pagpipigil sa sarili, at kapayapaan kaysa galit, pagtatalo, at pagkakabaha-bahagi.

โ€œDatapuwaโ€™t ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil.โ€ (Galacia 5:22-23)

Inaanyayahan din natin ang bawat isa na iwasan ang pakikipagtalo at mga sagutang nagdudulot lamang ng alitan at pagkasira ng patotoo ng isang mananampalataya.

โ€œAt ang alipin ng Panginoon ay hindi dapat makipagtalo kundi maging maamo sa lahat.โ€ (2 Timoteo 2:24)

Tandaan natin na tayo ay tinawag ng Diyos upang maging tagapagtaguyod ng kapayapaan at hindi tagapagpasimula ng alitan.

โ€œMapapalad ang mga mapagpayapa sapagkaโ€™t silaโ€™y tatawaging mga anak ng Diyos.โ€(Mateo 5:9)

Sa lahat ng ating kinakaharap bilang mamamayan ng bansang ito, lagi nating tandaan na ang ating tanging pag-asa ay hindi nakasalalay sa mga pamunuan o sistema ng mundong ito kundi sa ating buhay na Diyos. Si Cristo ang ulo ng Iglesia at ang ating tunay na tahanan ay ang langit. Tayo ay mga manlalakbay at dayuhan lamang sa mundong ito.

โ€œNguniโ€™t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit.โ€ (Filipos 3:20)

โ€œHuwag kayong magsitiwala sa mga prinsipe, ni sa anak man ng tao, na hindi makapagliligtas.โ€ (Awit 146:3)

Kayaโ€™t ilagak natin ang ating pag-asa kay Cristo at hindi sa tao. Patuloy tayong maging asin at ilaw sa sanlibutan sa pamamagitan ng ating mga salita, kilos, at patotoo.

Nawa ang Panginoon ang magbigay sa ating lahat ng karunungan, pag-iingat, at pusong puspos ng biyaya upang sa lahat ng bagay ay maitaas natin ang pangalan ni Cristo.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na paglilingkod sa gawain ng Panginoon. Patuloy po tayong magkaisa sa pag-ibig, katotohanan, at kabanalan.

Lubos na gumagalang,
Rev. Jerome Caparas - IRMEC Bulacan 4 DSDRB Chairman

Sa kabatiran:
Rev. Joemar Caparas - IRMEC Bulacan 4 District Superintendent

01/05/2026

Walang hindi kayang gawin ang Diyos sa buhay mo. Magtiwala ka lang at ipaubaya ang lahat sa Kanya. Huwag mawalan ng pag-asa, dahil ang ating Panginoon ang kasama natin sa lahat ng laban.

Magkaisa po tayo sa pananalangin at sama-samang magtiwala sa kayang gawin ng Panginoon sa ating mga buhay, sa ating pamilya, sa ating iglesya, bansa at mundo.

On Our Knees
IRM Bulacan District 4
Tagapanguna: IRM Ministries - Metro San Marcos

IRM Bulacan IVWorkers and Family Team Building April 9-10, 2026Subic, Zambales
16/04/2026

IRM Bulacan IV
Workers and Family Team Building
April 9-10, 2026
Subic, Zambales

IRM Ministries Bulacan IVWorkers and Family Team BuildingApril 9-10, 2026Subic, Zambales
10/04/2026

IRM Ministries Bulacan IV
Workers and Family Team Building
April 9-10, 2026
Subic, Zambales

The 7 Last WordIRM Ministries - Bulacan IV
09/04/2026

The 7 Last Word

IRM Ministries - Bulacan IV

Isama po natin sa panalangin. โ™ฅ๏ธ
07/04/2026

Isama po natin sa panalangin. โ™ฅ๏ธ

Come and reflect on the cross, where Godโ€™s holy justice and steadfast love meet, and where Christ willingly bore the pen...
31/03/2026

Come and reflect on the cross, where Godโ€™s holy justice and steadfast love meet, and where Christ willingly bore the penalty for sinners, accomplishing redemption in full.

๏ผด๏ผจ๏ผฅ ๏ผ— ๏ผฌ๏ผก๏ผณ๏ผด ๏ผท๏ผฏ๏ผฒ๏ผค๏ผณ
๐…๐ซ๐ข๐๐š๐ฒ, ๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐š๐ญ ๐ƒ๐จ๐ง ๐‚๐ž๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จ ๐’๐š๐ง ๐ƒ๐ข๐ž๐ ๐จ ๐†๐ฒ๐ฆ
๐๐ฅ๐š๐ซ๐ข๐๐ž๐ฅ, ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐œ๐š๐ง

๐˜‰๐˜ถ๐˜ต ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด ๐˜จ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ต ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ถ๐˜ด ๐˜ฃ๐˜บ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฆ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ถ๐˜ด ๐˜ธ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด.
- ๐™๐™ค๐™ข๐™–๐™ฃ๐™จ 5:8 (๐™‰๐™‡๐™)

Address

Calumpit
3003

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IRM Ministries - Bulacan IV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share