Our Lady of Mt. Carmel Chapel - Meyto, Calumpit, Bulacan

Our Lady of Mt. Carmel Chapel - Meyto, Calumpit, Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Our Lady of Mt. Carmel Chapel - Meyto, Calumpit, Bulacan, Religious organisation, Purok 3 Meyto, Calumpit.

Santa Maria, Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo, nagpakita ka kay San Simon Stock sa Cambridge, upang gabayan kami sa ...
12/07/2023

Santa Maria, Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo, nagpakita ka kay San Simon Stock sa Cambridge, upang gabayan kami sa aming paglalakbay sa lupa at bigyan ng pag-asa sa aming buhay lalo na sa oras ng paghihirap at tiisin.

Inihahandog namin sa iyo ang aming sarili, puso at damdamin. Pagpalain mo at gabayan ang aming mahal sa buhay, pamilya at bayan. Tanggapin mo ang aming ligaya at lungkot, tagumpay at kabiguan, kahirapan at kasaganahan, sakit at kalusugan. Dalhin mo po ito sa iyong anak na si Hesus upang ito ay maging bukal para sa amin ng grasya at kabanalan.

Isinasamo namin, Katamis-tamisang Ina, na lagi mo kaming samahan. Huwag mo po kaming iiwan at pababayaan lalo na sa panahon ng pagsubok at kapighatian. Akayin mo kami sa lahat ng oras at lugar. Sa sandali ng aming kamatayan dalhin mo kami sa iyong Anak na si Hesus na aming Panginoon upang makamit ang buhay na walang hanggan.

Amen.

Magandang Araw po sa inyong lahat!

Malugod po namin kayong inaanyayahan na dumalo at maki-isa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo sa darating na Linggo.

July 16, 2023 sa ganap na 10:00 ng umaga sa bisita ng Our Lady of Mt. Carmel sa Baranggay ng Meyto, Calumpit Bulacan.



02/07/2023

Bayan ng Calumpit, Alam mo ba? Sa Brgy. Meyto naganap ang unang misa sa buong lalawigan ng Bulacan, nagsilbi itong ugat ng pananampalatayang Kristyanismo hindi lamang sa Bulacan, maging sa kalapit nitong lalawigan, ang Pampanga.

Kung kaya't amin kayong inaayayahan na makiisa, magpasalamat at sama-sama natin gunitain ang Unang Misa sa lalawigan ng Bulacan, dito mismo sa CALUMPIT HISTORICAL SHRINE, tuwing ika-3 ng Bawat Buwan sa ganap na ika-4:30 ng hapon.
Isama na ang buong pamilya, upang ating maramdaman ang pagmamahal sa atin ng Panginoon.



Inaanyayahan po ang lahat na maki-isa Misa sa Calumpit Historical Shrine sa Meyto bilang paggunita sa pagdaong ng Kristy...
02/01/2023

Inaanyayahan po ang lahat na maki-isa Misa sa Calumpit Historical Shrine sa Meyto bilang paggunita sa pagdaong ng Kristyanismo sa Bayan

Martes, January 3, 2023 sa ganap na 4:30 ng hapon.

31/12/2022

Halina at sama-sama nating salubungin ang bagong taon at ipagdiwang ang Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos. Narito po ang oras ng mga Banal na Misa sa ating Parokya at sa ating mga SPPC.

Sa mga nagnanais mag-alay ng kanilang pamisa at pasasalamat, maaari kayong magcomment o mag-message sa ating official page, o kaya ay magtungo sa opisina ng ating Parokya at hanapin si G. Jojit Ignacio. Maraming salamat.







20/12/2022

Halina at sama-sama nating ipagdiwang ang Pasko ng Pagsilang ng ating Panginoong Hesus. Narito po ang oras ng mga Banal na Misa sa ating mga SPPC. Gayun din ang oras ng Panunuluyan at Banal na Misa sa ating Parokya.

Sa mga nagnanaisa mag-alay ng kanilang pamisa at pasasalamat, maaari kayong magcomment o mag-message sa ating official page, o kaya ay magtungo sa opisina ng ating Parokya at hanapin si G. Jojit Ignacio. Maraming salamat.







20/12/2022

Bilang paghahanda sa Araw ng Pagsilang ni Hesus, sama-sama nating gunitain ang Simbang Gabi. Narito po ang mga oras ng Banal na Misa sa ating buong Parokya.







Meyto-Panducot Christmas Party Ginanap nitong ika-11 ng Disyembre, Linggo sa Meyto Historical Shrine. Ang munting pagtit...
13/12/2022

Meyto-Panducot Christmas Party

Ginanap nitong ika-11 ng Disyembre, Linggo sa Meyto Historical Shrine.

Ang munting pagtitipon at salo-salo ay handog para sa mga kabataan at Junior Legion of Mary ng SPPC Meyto sa pangunguna at patnubay ni Sis. Evelyn Cervantes, Senior Legion of Mary at pamunuan ng SPPC Meyto-Panducot.

Meyto-Panducot Christmas Party. Ginanap nitong ika-11 ng Disyembre, Linggo sa Meyto Historical Shrine. Ang munting pagti...
13/12/2022

Meyto-Panducot Christmas Party.

Ginanap nitong ika-11 ng Disyembre, Linggo sa Meyto Historical Shrine.

Ang munting pagtitipon at salo-salo ay handog para sa mga kabataan at Junior Legion of Mary ng SPPC Meyto sa pangunguna at patnubay ni Sis. Evelyn Cervantes, Senior Legion of Mary at pamunuan ng SPPC Meyto-Panducot.

September 3, 2022 | Ikatlong Misa sa Paggunita ng Pagdaong ng Kristyanismo sa Bayan ng Calumpit sa Pangunguna ni Rev. Fr...
09/09/2022

September 3, 2022 | Ikatlong Misa sa Paggunita ng Pagdaong ng Kristyanismo sa Bayan ng Calumpit sa Pangunguna ni Rev. Fr. Arnel M. Camacho.


04/08/2022

Happy Priests' Day po Rev. Fr. Arnel M. Camacho

Nawa po ay patuloy kayong biyayaan ng magandang kalusugan upang patuloy mo na magabayan ang ating Parokya at mananampalataya.



August 3, 2022 | Misa sa Calumpit Historical Shrine sa Meyto bilang paggunita sa pagdaong ng Kristyanismo sa Bayan ng Ca...
03/08/2022

August 3, 2022 | Misa sa Calumpit Historical Shrine sa Meyto bilang paggunita sa pagdaong ng Kristyanismo sa Bayan ng Calumpit.

Malugod po namin kayong inaanyayahan sa gaganaping misa bukas (August 3, 2022) sa ganap na 4:30 ng hapon sa Meyto Shrine...
02/08/2022

Malugod po namin kayong inaanyayahan sa gaganaping misa bukas (August 3, 2022) sa ganap na 4:30 ng hapon sa Meyto Shrine sa tapat ng Our Lady of Mt. Carmel Chapel - Meyto, Calumpit, Bulacan bilang buwanang paggunita sa makasaysayang pook sa lalawigan ng Bulacan.

Address

Purok 3 Meyto
Calumpit

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Mt. Carmel Chapel - Meyto, Calumpit, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share